Inihatid ni Badong si Fermie sa apartment nito nina Kia. Talagang nag-aabang na si Kia sa bintana mula sa itaas kahit walang kasiguraduhang uuwi si Fermie. Kitang-kita niya kung paano inalayan ni Badong si Fermie pagkababa nito sa taxi kahit madilim na ang paligid ay naaninag niya ito mula sa liwanag ng ilaw sa poste. Nakita niya rin na parang lumapit ang ulo ni Badong sa tainga ni Fermie na tila may ibinubulong. Nanikip bigla ang kaniyang dibdib. Tiningnan niya ang kaniyang relos malapit nang mag-alas otso ng gabi. Dati-rati sa ganitong oras ay masaya silang magkaibigan sa pagkukuwentuhan, pang-aasaran, kasamang kumakain ng hapunan, at puwesto kaagad sa kani-kanilang kama o study table para magsimulang gawin ang kanilang assignment. Ang lahat ng iyon ay tila biglang nagbago. Isang linggo

