CHAPTER 9.

1511 Words
Lumipas ang isang taon ay maayos naman ang naging buhay namin dito ng mga anak ko, aaminin ko nahirapan ako noong una pero nakayanan naman namin sa tulong narin ng kaibigan ko at ng mga lola namin. Naalala ko pa noon nang ako'y manganganak na sa kambal ay mas nauna pang nag panic sa akin si dalia habang ang mga matatanda naman ay chill lang na akala mo'y di ako manganganak non dahil imbis na pasakayin ako sa sasakyan ay ipinag lakad nila ako para raw di ako mahirapan sa panganganak ayun daw kasi ang paraan para mapabilis ang labas ng mga anak ko kaya no choice ako at malapit lang naman ang bahay panganakan at mura lang. Nagulat pa nga ako non nang malaman kong kambal pala ang aking dinadala nung nag pa checkup ako sa unang pag kakataon nang ako'y nag three months na at tuwang tuwa naman sila lola at dalia dahil magiging maingay na daw ang bahay, at ngayon na 6 months na ang kambal ay mas lalo naman silang naging makulit. Nag hahanda ako ngayon ng aming almusal bago pa magising ang kambal at baka hindi na ako makagawa ng mga dapat ko pang gawin at mag alaga nalang ng kambal mag hapon pero kaylangan kong mag trabaho para may ipadede akong gatas sa mga anak ko kaya pag katapos kong mag luto ay naligo nako para pag kagising nila ay makakasabay ako sa hapagkainan bago ako tumulak sa aking trabaho bilang tindera sa palengke na pag mamay ari ni lola lucia habang si dalia naman ay isang waitress sa isang restaurant sa bayan hindi muna sya pumasok sa paaralan at balak nyang sumabay sakin sa susunod na taon nagalit ako nung una dahil mas inuuna nya ang pag tulong sa akin kesa ang sarili nya pero nangako naman syang uunahin nya na ang kanyang sarili next year kapag nag simula na kaming mag aral ulit bale sila lola muna ang bahala sa kambal dahil sigurado naman akong nakakapag lakad na ang kambal sa taong iyon at balak namin ni dalia na pag sabayin ang pag aaral sa pag ta-trabaho para kahit nag aaral kami ay may naibibigay kaming pangkain sa pamilya. Nang natapos nako sa aking pag ligo ay balak ko na sanang ihanda ang mesa pero naunahan na pala ako ni lola fely na ngayon ay nag lalapag na ng mga pinggan sa mesa tutulong na sana ako ng pigilan nya ako. "apo ako na diyan tignan mo nalang ang mga anak mo at baka iyon ay mga gising na at gisingin mona rin ang iyong ate at para tayo'y sabay sabay nang kumain." utos sakin ni lola na tinanguan kolang, inuna ko muna si dalia dahil hanggang ngayon ay mahirap parin syang gisingin, hindi ko nga alam sa babaing iyon lumipas na ang maraming taon na mag kasama kami ngunit ganon parin ang pag uugali mas lumala pa ata. " dalia gising na! DALIA MARIE!! GUMISING KANA TANGHALI NA!." at sinamahan ko pa ito ng pag hatak sakanya upang mawala sya sa kanyang hinihigaan at umipekto naman dahil bigla nala mang itong dumilat. "arghh akala ko lumindol na ikaw lang pala iyan milan tinakot moko pwede naman kasing gisingin nalang ako ng hindi ginagalaw ang katawan ko hindi ba." aniya at nag papadyak na tumayo at inayos ang kanyang hinigaan ako naman ngayon ang napamaang. "wow ikaw pa talaga nag suggest nyan huh, alam mobang kulang nalang magising ang buong baryo sa sigaw ko sayo para magising kalang tapos ikaw akala mo pinupuyat ka sa himbing ng tulog mo." hayag ko naman at tinalikuran kona sya upang ang mga anak ko naman ang aking puntahan. " epal talaga, nananaginip ako ng maganda gisingin ba naman ako. " rinig kopang sabi nya na akala mo'y mah kausap sya doon. Pag ka pasok ko naman sa amin kwarto ng anak ko ay dahan dahan akong pumunta sa hinihigaan ng kambal ngunit ng makita ko ito ay gising na pala si uno habang si dos naman ay mahimbing pa ang tulog nang makita ako ni uno ay tinitigan lang ako nito at balik ulit sa sarili nyang mundo. Sa kanilang dalawa si uno talaga ang pinaka tahimik pero kahit baby palang ay masasabi monang gwapo ito sa pag laki dahil baby palang ay may angking kagwapohan na ito pero masasabi koring masungit ito pag laki dahil baby palang snob na habang si dos naman ay kabaliktaran ng pag uugali ng kay uno dahil palatawa ito at madaldal mag kamukha naman silang dalawa ngunit naiiba lang ang kanilang pag uugali at ang pinaka gusto ko sakanila ay ang kulay ng kanilang mata si uno kasi ay may abong kulay ng mga mata habang si dos ay may brown na mga mata nagulat nga ang nag pa anak sakin dahil ang kulay ng aking mata ay black as in black lang sya kapag naanigan sya ng araw ay totally black lang ang iyong makikita kaya walang kaduda dudang sa ama nila na mana ang mga banyahang mga mata nila, nag papasalamat panga ko ng makuha nila ang aking labi at kulay ng buhok na brown dahil kung hindi masasapak kona kung sino man ang ama nila kasi diba isipin moyon ikaw nag dala 9 months nahirapan kapa sa pag labas tas ang ending tatay ang kamukha hindi naman ata tama iyon pero sa kabilang banda nag papasalamat parin ako sa tatay ng mga ito dahil binigyan nya ako ng dagdag kasiyahan at bonus nalang ang kanilang kapogian. Natawa nga ako nang buhatin ni dalia ang mga anak ko ay tinitigan nya ako ng masama at sabay sabing "panget at bad breath ah tas ganto ka gwapo ang mga anak aba milan malabo na ata ang mga mata mo nung time na ginagawa nyo ang kambal o baka nakapikit ka sa sarap kaya hindi mo nakitang gwapo ang katalik mo jusko kung ayan naman pala ang pag kaka describe mo sa panget ay itext mo ko agad kapag may nakita kang panget at itabi mo, ako na dahil paniguradong adonis ang makikita ko tsk. " sinamahan nya pa iyon ng pag irap hindi lang ako maka pag alma non sa mga bastos na lulabas sa bibig nya dahil nang hihina pa ako at buti nalang dalawa lang kami ang nasa kwarto non dahil ang mga lola namin ay nasa labas at kinakausap ang nag pa anak sa akin na kakummare nila. Nagising lang ang aking diwa ng marinig konang umiyak si dos at doon kolang napansin na tulala na pala ako kanina pa. "shhh baby dos andito na si mama bakit naman naiiyak ang baby namin nayan nag poop kana ba or gutom ka lang tara na nga." pag ka usap ko dito at kinarga na tumahimik naman ito sa kanyang pag iyak ng ito'y kinarga ko na patitig naman ako kay uno na naka tingin sa amin kaya nginitian ko ito ngumiti naman ito pabalik na aking kinatuwa minsan lang kasi mang yari iyon. " dalia kunin monga si uno ng makakain na tayo." pag ka usap ko kay lia na nakasilip sa aming mag iina sa pinto tumango naman ito at tuluyan nang pumasok. "hello little handsome how's your sleep hmm?" pag ka usap naman nya kay uno na nakatitig lang sakanya at walang ka ngiti-ngiting inabala ang sarili sa pag lalaro sa kanyang sarile, tumingin naman sakin si dalia at sabay irap sakin. "siguro ang diko lang magugustuhan sa tatay ng mga ito ay ang pagiging masungit non." aniya habang kalong si uno ako naman ngayon ang umirap sa kanya "as if naman na gusto ka nya." sabay ngisi ko at nilagpasan na sya dahil hindi pa ata nag si-sink-in sa utak nya ang aking sinabi. "hoyy milan fyi dito sa baryo at isama nanatin ang bayan ay maraming nag hahabol sakin noh." habol na hayag nya sakin na tinawanan kolang at nag patiuna na sa hapag. "yeah! yeah! kung saan ka masaya doon ako." sabi ko ng maka upo na ko napa simangot naman sya at umupo narin. "lola oh inaaway ako ni milan wala daw nag kakagusto sakin." sumbong nito kay lola na kaka upo lang ako naman ay patawa tawa lang at inilingan nalang si lola ng napatingin ito sakin. "I didn't say that, ang sabi kolang ahh whatever pakiabot nalang ng biscuit nang makakain na si baby dos." pakiusap ko sa biscuit na naka laan talga para sa kambal dahil bawal pa sila sa heavy foods. "see lola di nya masabi." patuloy na pag sumbong pa nya habang pinapakain narin ng biscuits si uno. "sainyo sumasakit ulo ko eh akala ko sa kambal ako mapapagod kakasaway yun pala sainyong dalawa mag sikain nalang kayo tama na muna iyang pag tatalo nyo." hayag naman ni lola habang umiiling kaya sinunod nalang namin sya at nag patuloy na sa pag kain. Nang tapos nang mag umagahan ay nag paalam na ako sa kambal nang dumating na ang iba pa naming lola na mag babantay sa aking mga anak. Uno Mateo Flores Lorenz Dos Flores
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD