Chapter 20

3188 Words
SCARLETT’s POV. Paglabas ko ng kwarto ko, napasilip pa ako sa siwang ng pinto at napansin kong nakatulog na siya kaya napabuntong-hininga na lang ako bago ako bumaba para kumuha ng firs aid kit para gamutin ang mga pasa ni Dominic. Ano naman kaya ang nangyari sa kan’ya? Hindi kaya... Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko na hindi ordinaryong pasa lang ang tinamo niya. Mukhang binigyan siya ng mga pinsan ko ng parusa. Damn it. Kailangan ko silang makausap dahil kumikilos sila ng walang consent na galing sa’kin. Ginulo ko na lang buhok ko para bumaba na pero natigilan ako nang makita ko nanaman si Sophia. Hindi ba matatapos ang araw na ’to na hindi nila ako guguluhin? Hindi na rin ako maka focus sa trabaho ko dahil sa mga problema namin tapos dadagdag pa sila. “Nasaan si Dominic?! Ibigay mo siya sa akin! Ako na gagamot ng mga sugat niya!” sigaw ni Sophia at akmang bubuksan niya ang pintuan ng kwarto ko nang humarang ako. “Sana kanina mo yan ginawa para hindi ako nabulabog. Ba’t ngayon ka lang ngumangawa?” tanong ko sa kan’ya. Nanlaki naman ang mga mata ni Sophia at nagpupumilit pa rin siyang pumasok sa kwarto ko, dahil sa inis ko naitulak ko siya ng malakas. “H’wag ka ngang mag-eskandalo rito!” naiinis na sigaw ko, dahil para na akong mababaliw dahil ayaw talaga nila akong tigilan. “Bigay mo sa akin si Dominic! Ako na ang bahala sa kan’ya!” Natigilan ako at napataas na lang ang kilay ko. “Sorry, nasa kwarto ko siya so... Sa akin siya ngayon.” nakangising sambit ko at tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Hindi ko akalain na lolokohin ako ni Dominic para lang sa kapatid kong desperada. “Are you desperate?” tanong ko. Nanlaki muli ang mga mata niya at galit na sumugod sa’kin pero umiwas lang ako para di niya ako matamaan. “He’s mine! Not yours! I’ll take a back what’s mine!” sigaw ni Sophia na nagpatigil sa’kin pero natawa na lang ako sa kan’ya. “Kukunin mo ang iyo, Sophia? Kailan pa naging sa’yo si Dominic?” tanong ko habang nakataas ang kilay ko. Kailangan talaga sa lahat ng chapter dapat may eksena siya, TSK. “Shut up!” sigaw niya at sasampalin ako nang hawakan ko ang pulsuhan niya para pigilan siya. “Hindi ka talaga marunong makinig. Yan ang magpapahamak sa’yo, Sophia.” Sinamaan ko siya ng tingin kasabay ng pagbitaw ko sa pulsuhan niya at bumaba na ako ng hagdan. Nakita kong inaabangan ako ng mga pinsan ko. “Scarlett...” Napahinga ako ng malalim at nilapitan ko na sila. “Why did you punish him without my consent? Huh?!” tanong ko sa kanila. Napakamot naman si Rios sa ulo at ngumisi lang sa’kin. “Inutos lang sa’kin ni kuya Carter.” sambit niya. Natigilan naman ako at kumuyom kamao ko. Kapag inutos talaga ni Kuya Carter ay kailangan sundin. “You have to tell me! Look at him now! Paano kung napatay niyo siya?!” Natahimik naman sila at hindi nakapagsalita dahil alam din nila na magagalit ako lalo na’t hindi nila sinabi sa akin ang mga gagawin nila. “Hindi siya mamatay ng gano’n lang, Scarlett. We know our limits.” sambit ni Rios kaya nilingon ko siya at nilapitan. “Ah, really? Then...” Ngumisi ako at sinuntok ko si Rios sa sikmura na napahawak naman sa sa tiyan niya at napaluhod. “Now, I know my limits too.” Mas lalo silang natahimik sa ginawa ko kay Rios. Alam nila ang batas pero para pa rin silang mga bata kung kumilos. Minasahe ko ang kamao ko habang nakatingin kay Rios na nakayuko na kaya tinignan ko silang lahat. “Dominic deserves the punishment by our clan because he broke our law but... I deserves the punishment as well coz I broke the law.” seryosong sambit ko sa kanila at huminga ako ng malalim. “Mukhang nakakalimot kayo na ako ang unang sumuway sa batas kaya wala kayong karapatang parusahan siya ng hindi sinasabi sa’kin.” sambit ko, at napaiwas naman sila ng tingin dahil tama ang sinasabi ko. Hindi nila ako kayang parusahan dahil tutol silang gawin ’yon pero kung si chairman na ang mag-uutos ay tatanggapin ko dahil karapat-dapat lang akong parusahan dahil sa ginawa ko. Bumalik ang tingin ko kay Rios na inalalayan kong tumayo. “I’ll forgive you, but... You have to be careful.” bulong ko at ngumiti ako sa kanya bago ko sila talikuran. “H’wag kayong gagawa ng kalokohan na hindi ayon sa batas, kung ayaw niyo ng parusa.” Nilingon ko muli sila. “Hindi ko kayo mapoprotektahan kung gagawin niyo ’yon.” sambit ko at nanlaki ang mga mata nila pero ngumisi lang ako at akmang aalis na ako ng magsalita si Rios. “You are their target, am I right, Scarlett?” Ngumisi lang ako at kumaway na lang sa kanila bago ako pumunta sa kusina para first aid kit na kailangan ko. “Oh, iha?” Ngumiti naman ako kay nanay Lydia. “Maligamgam na tubig pati na rin towel, saka first aid kit.” sambit ko sa kan’ya. Kumunot ang noo niya pero tumango na lang siya at kinuhaan niya ako ng kailangan ko saka ako nagpasalamat sa kan'ya. Umakyat na ako patungo sa kwarto ko pero napabuntong-hininga ako ng hindi pa rin umaalis si Sophia sa tapat ng kwarto ko. Hindi ba talaga siya titigil? “Hindi ka pa rin umaalis dito? Ano pa ba ang kailangan mo?” tanong ko at napailing na lang dahil sa ginagawa niya. “Ako na bahala sa fiance ko.” sambit niya at akmang aagawin niya yung dala ko nung iniwas ko ito sa kan’ya. “Ako na bahala sa asawa ko, ATE.” ngumisi lang ako at pumasok na ako sa kwarto at hinayaan ko siyang manggalaiti sa galit. Pagharap ko nagising na si Dominic at iniinda ang mga pasa niya. “P-pasensya ka na kay Sophia.” Hindi ko siya pinansin at nilapag ko na lang sa table yung planggana at inumpisahan ko nang punasan siya. “Scarlett,” Hindi ko ulit siya pinansin at kinuha ko lang ang first aid tsaka ko siya ginamot. Hanggang ngayon sarado pa rin ang tenga ko sa mga sasabihin niya. “Please, talk to me.” hinawakan niya ang kamay ko pero tinabig ko lang ’yon dahil mas importante sa’kin ang magamot ang mga pasa niya. “Scarlett—” hindi ko na siya pinatapos magsalita ng tumayo na ako para iligpit ang mga gamit. “Magpahinga ka lang saglit then makakaalis ka na.” sambit ko at akmang tatalikod na ako nang hawakan niya ako sa kamay kaya napaupo ulit ako sa kama. “Alam kong kasalanan ko lahat kung bakit nagbago ka pero gagawin ko ang lahat para mabuo tayo ulit kasama na ang mga anak natin.” Inagaw ko ang kamay ko sa kanya at nilingon siya. “Ako pa rin si Scarlett. Hindi ako nagbago Dominic, at kahit kailan hindi ako magbabago. Imbis na ako ang pagtuunan mo ng pansin, ayusin mo ang relasyon mo kay Sophia.” Tumayo na ako para ilagay sa lamesa ang mga gamit tsaka ko siya nilingon ulit. “Please, h’wag na ‘wag niyo na akong guguluhin lalong lalo na ang mga anak ko.” sambit ko at lumapit na ako sa pinto para pagbuksan siya. “Kung wala ka ng sasabihin, makakaalis ka na.” Umiling siya sa’kin at sumandal sa headboard ng kama. Napapikit naman ako at kumuyom ang kamao ko. “Dominic.” Umiling lang siya sa’kin. “Scarlett, pinagsisisihan ko na ang lahat. Maniwala ka nagsisisi na ako sa mga nagawa ko sa’yo.” sambit niya. Napatingala naman ako sa kisame at napahawak sa noo ko dahil hindi talaga siya titigil hangga’t ako na ang mananakit sa kan’ya. Tumingin ako sa kanya at napansin kong nakayuko siya kaya napangiti na lang ako dahil hindi madali ang sinasabi niya. Hindi rin sapat ang pagsisisi lang, Dominic. Hindi lang ako ang nasaktan mo dahil pati na rin ang mga anak ko. Napakagat ako sa labi at napabuntong-hininga. “Hindi pa ako handang makinig sa'yo. Nagpapasalamat ako sa ginawa mo nung isang gabi sa bar, but It doesn’t mean na maaari na tayong bumalik sa dati.” umiling lang ako sa kan’ya. " “Kung gusto mong bumawi sa mga anak ko hindi na kita pipigilan, kung gusto mo silang makasama, papayagan na kita pero...” napalunok ako. “Hanggang doon na lang ’yon dahil hindi na maaari pang mabuo ang matagal ng nabasag.” sambit ko. Hindi na mabubuo ulit ang tiwalang nasira na. Hinding-hindi na. “Kaya pa natin ibalik sa dati ang lahat, Scarlett. Patutunayan ko sa’yo—” natigil siya sa pagsasalita nang suntukin ko ang pinto. “Akala mo ba madali lang ang lahat, Dominic? Akala mo ba sobrang daling ibalik sa dati na parang walang nangyari? Are you out of your mind?” Nagkiskis na ang mga ngipin ko sa pagpipigil ko ng emosyon na magalit sa kan’ya. “Buong buhay ko Dominic, ay nagtiwala ako sa’yo. Naniwala ako sa’yo na ako lang ang mahal mo. Mas pinili kong makasama ka kaysa sa galit ng pamilya ko, at sa galit ni lolo." Napalunok ako at napailing. “Tiniis ko ang lahat dahil mahal kita, pero anong ginawa mo, huh? Anong ginawa mo para magkaganito tayo?” sigaw ko. Natigilan naman siya at napayuko. Hindi pa rin siya makapagsalita. “Sinira mo yung tiwalang binigay ko sa’yo, sinira mo yung magandang pagsasama natin, sinira mo yung mga pangarap na binuo natin, sinira mo ang lahat ‘yon, Dominic!" Napahilamos na ako sa mukha dahil sa frustration na nararamdaman ko. “Tumayo ako sa sarili kong mga paa at pinalaki ko ng maayos ang mga anak ko nang nag-iisa. Mas pinili kong mabuhay ng tahimik, mas pinili kong lumayo para umiwas sa gulo pero hindi yun ang nangyari dahil mas nawawasak ang pamilya ko dahil sa ginawa ko.” Tumingin ako sa kan’ya habang umiiyak nanaman ako sa harapan niya na nabigla naman siya at tumayo para lapitan ako. “Scarlett...” Umiling lang ako sa kan’ya at tinulak ko siya. “Napapagod na ako sa araw-araw na naririnig ko ang pag-aaway ng mga magulang ko. Napapagod na rin ako sa araw-araw na bumubungad si Sophia dahil naaalala ko lang yung ginawa niyong pagtataksil sa akin.” Natawa ako na para bang mababaliw na sa lahat nang nangyayari. “Naaawa na ako sa mga anak ko dahil gusto nilang makasama ang kanilang ama pero alam nilang hindi pwede.” Pinunasan ko na ang mga luha ko at binuksan ko na ang pintuan para paalisin na siya. Mas nasasaktan lang ako kapag nakikita ko siya. “Bumalik din ako para sa pamilya ko pero hindi para sa nakaraan natin. Please, tigilan mo na ‘to dahil kahit anong gawin mo hinding-hindi na tayo babalik pa sa dati.” Umiwas na lang ako ng tingin sa kan’ya. “Umalis ka na.” Napakuyom ang kamao ko nang may tumulong luha nanaman sa mga mata ko. Damn! Kailan ba matatapos ang mga luha na ‘to? Parang wala na yata ‘tong katapusan. Parang gusto ko na lang maging robot para wala na akong maramdaman pa. Nilapitan ako ni Dominic at lumuhod siya sa harapan ko. “Na blackmail ako ni Sophia, maniwala ka sa’kin. Hindi ko ginusto lahat ng ‘to,” sambit niya habang nakaluhod. Napatingala ako sa kisame at natawa dahil sa walang kwenta niyang dahilan. “Hindi mo ginusto ang lahat na nangyari, Dominic? So, ano ‘yon?! Tinikman mo lang siya kasi hindi mo ginusto? f**k you!” sigaw ko at dinuraan ko siya. "Hindi ako tanga para maniwala sa mga sinasabi mo. Kung ayaw mong gawin ‘yon, sana iniwasan mo kasi alam kong nagbago ka na." nadiinan ko ang pagkuyom sa mga kamao ko at nadama ko ang tulis ng kuko ko sa palad ko. “Hayaan mong sabihin ko sa'yo lahat, hayaan mong magpaliwanag ako,” Nagulo ko naman yung buhok ko sa inis at nasuntok ko na lang ulit ang pintuan dahil sa pagpipigil na masaktan ko siya. “Ha... Hindi mo pa rin ba naiintindihan ang mga sinabi ko sa’yo? Wala ng babalik sa dati, Dominic. Wala na!” Pinilit niyang tumayo para maabot ako pero hinawakan ko siya sa kwelyo halos masakal ko na siya dahil nandidilim na rin ang paningin ko. “Hanggang ngayon Dominic nasasaktan pa rin ako. Sa tuwing naaalala ko kung paano kayo mag-s*x sa kama natin kung paano kayo umungol.” Humigpit ang hawak ko sa kwelyo niya. “Nagbago ka na, ‘di ba? Nagbago ka na, pero, Bakit nagawa mo pa rin ‘yon? Bakit ang ate ko pa? Alam mo kung gaano ka importante sa’kin si Sophia!” Tinulak ko siya ng malakas. “Scarlett, I’m sorry, hayaan mong bumawi ako sa’yo,” Blanko lang ako tumingin sa kan’ya. “Umalis ka na. Umalis ka na rin sa buhay ko.” sambit ko at hinila ko na siya para lumabas na siya sa kwarto ko. “Wala na tayong ugnayan sa isa’t-isa, pero patuloy pa rin ang connection ng pamilya mo sa pamilya ko. Hindi ko sisirain ’yon. Maging ama ka na lang sa mga anak ko.” sambit ko at sinarado ko ng malakas ang pintuan ng kwarto ko. Napahawak na ako sa pader habang hinihingal ako dahil tila sumisikip nanaman ang dibdib ko at unti-unti na akong napaupo sa sahig kasabay ng pagtakip ko sa bibig para ibuhos nanaman ang lahat ng luha ko at iiyak na lang ng buong magdamag para tuluyan na akong maging manhid. *** Nagising na lang ako nang makarinig ako ng ingay na parang nag-aaway kaya napaunat na ako na napansin ko naman suot ko pa rin ang suot ko kagabi, nakatulog nanaman pala ako sa kakaiyak kagabi. Humikab ako at tumayo na pero natigilan ako nang makarinig ulit ako ng sigawan. “Naniwala ka sa anak mo, ‘di ba?!” “Eto nanaman tayo, Sharlene!” “Nasasaktan si Scarlett, Vernon! Nasasaktan ang anak natin pero parang wala lang sa’yo!” “That’s not true! Nag-aalala rin ako kay Venice!” “Nag-aalala ka?! Kaya pala mas pinaniwalaan mo si Sophia kaysa sa anak mo!” “Alam mong hindi totoo ‘yan, Sharlene! Hanggang ngayon pa rin ba hindi mo pa rin ako mapatawad?!” “Oo, dahil hanggang ngayon nakatatak pa rin sa isipan ko ang ginawa mo!” “Sharlene...” “No, Vernon. Simula nung nawala si Scarlett, nagbago ka na kaya pati ang relasyon natin nagbago na rin. Hindi ka nagtiyaga na mahanap ang anak ko. Sumuko ka, kaya dapat rin sumuko na rin ako saçyo. Napapagod na ako, Vernon. Sobrang pagod na pagod ako.” Napatakip na lang ako sa bibig ko para hindi ako makagawa ng ingay. A-anong nangyayari? Bakit hindi pa rin maayos ang relasyon nila? Bakit may gap pa rin ang relasyon nilang dalawa? Naguguluhan na ako sa nangyayari sa kanila, wala akong maintindihan kung ano ba talaga ang pinag-aawayan nila. Damn it. Bakit ba ayaw nilang sabihin sa’kin ang totoo? Bakit ba ayaw nilang malaman ko ang lahat? May mangyayari ba kapag may nalaman ako? Nagpalakad-lakad ako sa loob ng kwarto ko habang napapakagat na sa kuko para mag-isip kung anong pwedeng gawin para hindi masira ng tuluyan ang pamilya ko. Hindi ito ang ginusto ko. Hindi ko kayang makitang nahihirapan ang mga magulang ko. Damn you, Scarlett. Gawin mo ang tama para sa ikakatahimik ng buong angkan. F–ck. Natigilan lang ako ng tumunog ang phone ko kaya napahinga ako ng malalim bago ko ito sinagot. (“We have a meeting in an hour, Ms. Knight.”) “What? Why didn’t you didn't inform me?!” (“I-I’m sorry, Ms. Knight. Ngayon lang po nagpatawag yung mga board about our next branch,”) Napasapo ako sa noo ko at napakagat ako sa labi. F–ck. Pati secretary namin ni Claire nasisigawan ko na. “I’m sorry, I’m just frustrated, and I’m on my way,” (“We will wait.”) “Tawagan mo na rin si Claire,” (“Ah, Ms. Knight, nasa ibang bansa po si Ms. Perkins, may inutos lang daw yung daddy niya sa kan'ya.”) Oh, damn it. “Fine! Fine! Papunta na ako!” Binaba ko na yung tawag niya at ginawa ko na lahat ng morning routine ko. Hindi na rin ako nakapaglinis kagabi dahil nakatulog na ako sa kakaiyak. Hindi ko naman alam na may meeting pala kami ngayon. Isa kasi sa’min ni Claire, ang dumadalo sa meeting pero dahil wala siya ngayon, ako muna ang representative ng bar ngayon. “Mommy, Good morning!” bati sa’kin ng mga anak ko kaya nginitian ko lang habang pinapakain sila ng yaya nila. Oo, kinuhaan sila ni mom ng mag-aalaga sa kanila dahil alam niyang may trabaho rin ako. “Good morning, babies!” hinalikan ko na sila sa noo at sa pisngi bago ako lumabas ng mansion. Napatingin ako sa relo ko but damn!30 minutes na akong late. “Get in.” Natigilan ako nang makita si Dominic na nakasandal sa kotse niya. Pagkatapos ng mga nangyari kagabi, hindi pa rin pala siya sumusuko. Napairap na lang ako dahil ano pa bang pwede kong asahan sa kan’ya? Ganyan na talaga ang ugali niya, kahit noon pa man. TSK. Umiling ako. “No need. May sasakyan ako,” akmang tatalikuran ko na siya ng harangin niya ang daan ko. “Alam kong late ka na. Ihahatid na kita.” sambit niya. Napairap naman ako sa kan’ya dahil nasira nanaman ang umaga ko. “Let’s go!” Napangiwi na lang ako at napapikit dahil naiinis nanaman ako. “Ano ba ang hindi mo naintindihan sa sinabi ko?” tanong ko habang nakataas ang mga kilay ko. Ngumisi naman siya sa’kin habang nakapamulsa. “Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi mo. Ang naiintindihan ko lang ay late ka na sa meeting niyo. Let’s go, ako muna maghahatid sa’yo.” ngumisi muna siya bago niya ako talikuran. Napanguso naman ako at napapadyak sa inis. Akala naman niya madadaan niya ako sa mga ginagawa niya. “Scarlett?” Oh, save by the cousin. “Rios!” sambit ko at ngumisi lang siya sa’kin pero sumakay na ako sa sasakyan niya na napakunot naman ang noo niya. Binuksan ko yung bintana at napansin ko ang pagkunot ng noo ni Dominic na pasakay na sana ng sasakyan niya. “Let’s go cousin!” aya ko kay Rios na nagpapalipat lipat ng tingin sa'min ni Dominic. “Scarlett!” sigaw ni Dominic pero bumelat lang ako sa kan’ya at kinawayan ko na lang siya. “Bye, Mr. Stone.” ngumisi ako at kinindatan siya saka ko naman sinara ang bintana. Natawa pa ako ng makitang napasuntok pa siya sa pintuan ng sasakyan niya. Serves you right, asshole.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD