bc

Her Tears

book_age16+
343
FOLLOW
2.0K
READ
contract marriage
HE
fated
drama
city
like
intro-logo
Blurb

Scarlett is a responsible wife and daughter who does everything she can to achieve her dream of having a family with her husband, but it all comes crashing down because of one sin. A sin in which caught her husband and sister having an affair. How far she can go?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
SCARLETT’s POV “Hon, alis muna ako,” sabi ko, pero parang nakatulala lang siya. “Teka... Okay ka lang ba?” tanong ko sa ka’nya. Hindi pa rin siya makapagsalita kaya mas nag-aalala ako. “Hon... Hindi mo naman ako iiwan kahit anong mangyari, ‘di ba?” tanong niya, at hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako paupo sa kandungan niya. I frowned at him, wondering kung bakit parang may mali sa kilos niya. Dalawang buwan ko na ‘tong pinapansin, pero hindi ko na lang pinansin dahil baka may problema lang siya sa trabaho niya. “Hon? May problema ba?” tanong ko. “Mag-asawa tayo, kaya dapat alam ko kung may problema ang asawa ko,” sambit ko. Pero ang ginawa niya lang ay yakapin ako. “Please promise me na hindi mo ako iiwan.” sambit niya. Tumayo ako at kumalas sa yakap niya dahil naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. Hindi ko maintindihan ang lahat! Ano ba kasing nangyayari sa kan’ya? “Anong problema, Dominic?” inis na tanong ko. Nagpatuloy naman siya sa pag-inom habang umiiling. “Mahal kita, Scarlett.” sambitniya. Bumuntong hininga naman ako at lumapit sa kan’ya. “Mahal na mahal kita at hindi kita iiwan.” Iyan ang pinaniwalaan ko, ngunit tila nabaligtad yata ang mundo. Hindi ko alam kung maniniwala pa nga ba ako sa kan’ya. “Mrs. Stone, you are one month pregnant.” Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko. Dahil hindi ko akalain na dumating na ang matagal nanaming hinihintay. I am Scarlet Venice Knight Stone ang babaeng hindi susuko kahit na kailan. Pero minsan dadating at dadating talaga sa punto na kailangan mong magdesisyon para sa ikakatahimik ng lahat para wala ng masaktan pang iba. Walang against sa pamilya namin sa pagiging magkaibigan namin pero inilihim namin ang relasyon namin dahil hindi pa ako pwedeng mag-asawa o mag-nobyo. Dahil isa yun sa mga batas ng aming pamilya dahil kailangan ko munang gawin ang mga responsibilidad ko sa aming angkan. Pero yun nga ba ang nais ko? Ang sumunod sa mga yapak nila? Ang maging sunud-sunuran sa kanila? Anim na taon na kaming nagsasama ni Dominic na walang nakakaalam na kahit na sino maliban sa ate ko, at kay Claire. Miski ang mga magulang ko hindi ko sinabihan dahil alam kong makakarating ito kay lolo. Ayokong mamili sa dalawa, dahil parehas silang importante sa buhay ko kaya inilihim namin ni Dominic ang relasyon naming dalawa. Isang taon kami bilang magkasintahan at dumating nga sa punto na nagpakasal kaming dalawa. Dominic was 20, and I was 18. We ended up married at a young age, kasi inaasahan ng iba na doon rin kami hahantong. At dahil sa pera, ginawa ni Dominic na legal ang kasal namin na hindi pinapaalam sa mga pamilya namin. May sariling bahay si Dominic, kaya doon kaming dalawa na tumira na malayo sa lahat, kung saan kami ang magkasama. Anim na taon na kaming magkasama, at may dumating na blessing na mas magpapatibay sa relasyon namin. Matagal naming hinintay ‘to dahil alam kong oras na para ipaalam sa pamilya ko na kasal na kami at bubuo ng sarili naming pamilya. I will continue to fulfill my duties and responsibilities to the Knights, and of course including my own family. Masaya na ako sa buhay ko hanggang sa may mangyari na hindi ko inaasahan. Masisira na ang lahat. At ang lahat ng saya ay mawawala sa isang iglap. *** Pag-uwi ko mula sa hospital, tuwang-tuwa akong sabihin sa asawa ko na buntis ako. Pero napakunot ang noo ko nang makita ko ang pamilyar na sasakyan at napagtanto kung sino ang nagmamay-ari nito. Ang kapatid ko na si Sophia Vivian Knight. Teka... Nandito siya? Napangiti naman ako dahil sasabihin ko sa kan’ya na may magandang balita rin ako para sa kan’ya. Sigurado akong matutuwa siya na magkaroon na siya ng pamangkin. I was excited about entering our home, pero napatigil ako nang mapansin kong walang tao. Hindi ba dapat nandito ang kapatid ko? Pero nasaan siya? Kumunot ang noo ko at tumingin sa paligid, napansin ko naman ang ilang bote sa mesa kaya alam kong si Dominic ang umiinom nito. Tumingin pa ako sa labas ng garahe ng bahay at kinumpirma na nakaparada ang kotse ng kapatid ko. Dahil kapag nag-aaway sila ni Lolo, pumupunta siya rito para maiwasan niya si lolo. Malapit siya sa‘kin dahil kapatid ko siya, at alam kong kailangan din niya ng karamay. Baka nag-away nanaman sila ni Lolo kaya nandito siya ngayon. Napangiti na lang ako habang nakatingin sa taas. Natutulog siguro si ate at si Dominic kaya umakyat ako para tawagin sila dahil may importante akong sasabihin sa kanila pero nanginginig ang mga binti ko sa bawat hakbang ko. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang takot ko. Wala namang mangyayari, ‘di ba? Habang papalapit ako sa kwarto namin, napansin kong nakabukas ang pinto. Huminga ako ng malalim para maibsan ang tensyon na bumalot sa buong pagkatao ko, saka ako huminto sandali nang mapansin kong nakabukas nga ang pinto ng kwarto namin. Scarlett, calm down! Nagpatuloy naman ako sa paglalakad, ngunit napatigil ako nang may narinig akong kakaibang tunog na nagmumula sa silid namin. Napabuntong-hininga ako at pumikit. “H’wag ka nang mag-isip ng kung anu-ano, Scarlett, may sasabihin ka pa sa asawa mo,” sambit ko sa sarili ko habang inaayos ang damit at buhok ko bago nagpatuloy sa paglalakad. May nagtutulak sa‘kin na buksan agad ang pinto, at may nagsasabi rin sa ‘kin na huwag nang tumuloy pa. Nalilito na ako kung ano ang dapat kong gawin. Dapat ba akong magpatuloy, o dapat ko bang itigil? F–ck! Bakit ba ako matatakot? Pupuntahan ko ang asawa ko, at hindi ibang tao. Napansin ko namang nanginginig ang kamay ko habang nakahawak sa doorknob, pero kinalma ko ang sarili ko bago ngumiti at binuksan ang pinto. “Hon—” napatigil ako at hindi makapagsalita. Isang hindi inaasahang pangyayari. Ang asawa ko at ang kapatid ko ay hubo’t-hubad sa kama. Napatakip ako sa bibig ko at napaatras ako ng isang hakbang at napasandal sa dingding, kung saan naririnig ko silang dalawa na umuungol. Tahimik akong humikbi habang hawak ang dibdib ko habang naninikip. Dominic, bakit? Bakit mo ginawa sa’kin ‘to? Hindi pa ba ako sapat sa’yo? Hindi ka pa ba nakuntento sa’kin? “B-buntis ako, D-Dom...” Napatigil ako sa pag-iyak nang marinig ko ang sinabi ni Sophia. Buntis siya? P-paano...? Napatakip ako sa bibig ko habang tumutulo ang mga luha ko. Napahawak ako sa dala ko dahil walang kwenta ang good news ko kung magkakaroon na sila ng anak. Dali-dali akong lumabas ng bahay namin at nanginginig na binuksan ko ang pinto ng kotse ko at sumandal sa backseat. “Akala ko nagbago ka na, na ako lang ang babaeng nagpabago sa buhay mo,” humikbi ako. “Ngunit nagkamali ako dahil hindi ko akalain na magagawa mo akong lokohin sa loob ng anim na taon.” Napahigpit ang hawak ko sa manibela at pinunasan ang luha ko. Ngumiti na lang ng mapait habang nililibot ko ang paningin sa buong bahay. Dito tayo bubuo ng sarili nating pamilya, pero dito rin tayo magtatapos. Iniwan ko ang bahay namin na mabigat na dinadala. Mahal ko si Dominic, pero alam kong minsan hindi sapat ang pagmamahal para mapasaya ka. Dahil minsan ito pa ang sisira sa relasyong pilit mong binuo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
31.9K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.6K
bc

EASY MONEY

read
174.3K
bc

Dangerous Spy

read
298.4K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.5K
bc

YOU'RE MINE

read
893.7K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
196.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook