Chapter 2

1563 Words
5 years later... Ang lamig ng simoy ng hangin. Nakaka-relax yung tipong wala kang problema. Ang sarap pa lang tumira sa probinsya. Yung malayo sa lahat, malayo sa sakit, poot at pighati, at lalong-lalo na malayo sa gulo. Napapikit ako nang maramdaman ko ang malakas na hangin dahil parang nararamdaman ko ang yakap ni Dominic. ‘Hon, I love you so much. Mamahalin ko kayo ng buong-buo nang magiging anak natin.’ Napadilat ang mga mata ko na para bang narinig ko ang boses n’ya at muli nanamang bumuhos ang mga luhang naipon ko sa limang taon kong pagtatago. Bakit hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako? Bakit umaasa pa rin akong hahanapin ako ni Dominic at magpapaliwanag sa lahat nang nangyari? Bakit hanggang ngayon mahal ko pa rin siya? Limang taon. Limang taon mula nung tumakbo ako palayo. Wala akong ibang narinig na balita mula sa kaniya at sa pamilya ko, pero alam kong pinaghahanap nila ako sa loob ng limang taon. Marami silang connection at madali lang sa kanila na mahanap ako pero dahil isang akong Knight, nalulusutan ko lahat ng pwede nilang daanan para lang mahanap ako. Hinaharangan ko kaagad ang mga connection nila dahil na rin sa tulong nang kaibigan kong si Claire Perkins na isa rin sa malapit sa pamilya ko, ang pamilya niya. She’s my one and only best friend, and I put my trust in her completely. Kaya sa pagtatago ko siya lang din mismo ang nakakaalam. Isa siyang hacker, kaya hindi nila ako nahanap miski isa sa mga pinsan ko. Kahit sa mga credit card ko pinalitan ko nang pangalan para hindi nila ma-track ang bank account ko. Kung gaano sila katalino ay gano’n din ako katalino hindi ako magiging isang Knight ng wala lang. Hindi rin nasayang ang ilang taon kong pag-tatraining para lang sa wala. Gusto ko rin namang lumayo, hindi dahil masakit, kun’di dahil gusto ko ng tahimik na buhay kasama ang dalawang tao kung bakit nanatili akong tumatayo at lumalaban. “Mommy!” Napangiti naman ako sa maliit na braso ang yumakap sa bewang ko. Ginulo ko naman ang buhok nilang dalawa. Yes, kambal ang anak ko. Isang babae at isang lalaki. Akala ko mawawala na sila sa’kin dahil nung araw na umalis ako ay nawalan ako ng malay mabuti na lang natawagan ko pa si Claire bago ako tuluyang nawalan ng malay. Nagising na lang ako na nandito na ako sa rest house ng mga Perkins, at sinabi niya na ayos lamang ang nasa sinapupunan ko. Yung mga araw na naglilihi ako, medyo nahihirapan ako. Dahil minsan lang mag-stay dito si Claire, hindi na rin kasi ako nagpakuha ng kasambahay baka makarating pa sa pamilya ko ang tunay na nangyari sa akin. Hirap din akong makatulog sa gabi at sa araw naman hirap akong makapagluto nang gusto ko, pero kahit nahihirapan ako ay nakayanan ko naman para sa batang dinadala ko. Habang lumalaki ang sinapupunan ko mas lalo akong nahirapan ng mag-isa lang, minsan pa nga naiisip ko na tawagan ang pamilya ko dahil na rin sa hindi ko kaya, pero tiniis kong hindi sila kontakin dahil ayoko na ring makigulo pa sa kanila. Hanggang sa dumating ang panganganak ko at mabuti na lang talaga nakabiyahe si Claire sa araw ng panganganak ko. Nung una nahirapan pa ako pero dahil sa tulong ni Claire nairaos ko naman na mailabas ang mga anak ko na halos ikamatay ko rin. Tiniis ko ang lahat para lang mabuhay ang mga anak ko, tiniis kong mahirapan dahil ako ang may gusto nito. Ginusto ko ’to kaya paninindigan ko. Kaya hangga’t nabubuhay ako poprotektahan ko ang mga anak ko. Ilalayo ko sila sa gulo hangga’t maaari at hindi ko hahayaan na saktan sila ng ibang tao. Habang nanatili kami rito sa probinsya, nagpatayo ako ng maliit na business dahil ayoko namang umasa lang kay Claire. Sobra na ang tulong niya sa’kin dahil mas gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa. Dahil hindi na sarili ko ang iniisip ko ngayon, kun’di ang dalawang taong importante sa buhay ko. Ang mga anak ko. “You’re always crying, Mommy!” Nakangusong sambit sa’kin ng prinsesa ko. Siya si Dominica Carrie Knight Stone. Ginamit ko pa rin ang apilyido ni Dominic sa kanila, dahil siya pa rin naman ang ama ng mga ito. “Yeah, mommy, always.” blankong sambit naman ng anak kong lalaki. Hawig na Hawig niya ang kan'yang ama. Siya naman si Dominican Agustin Knight Stone. Limang taon pa lang sila pero para na silang matanda kung umasta. Napangiti na lang ako nang maramdaman ko ang yakap nila. “Tears of joy yun mga anak ko, dahil dumating kayo sa buhay ko.” sambit ko sa kanila, at niyakap ko sila ng mahigpit. Salamat, dahil dumating sila para magpatuloy sa buhay. Dahil kung hindi, baka sumuko na ako sa hirap ng buhay. Alam ko rin na dadating ang araw na makakalimot din ako sa nakaraan at magpapatuloy ako sa kasalukuyan. *** “So, what’s your plan?” Napabuntong-hininga naman ako sa tanong ni Claire. Sa totoo lang wala pa akong plano. Wala pa akong plano para bumalik, dahil hindi ko alam kung anong mukhang ihaharap ko sa kanila pagkatapos kong tumakbo palayo ng limang taon. Nung nakaraang taon tumigil na sila sa paghahanap sa’kin dahil siguro alam nilang hindi ako magpapakita sa kanila. Pero alam ko ang mga pinsan ko hindi sila titigil hangga't hindi nila ako nahahanap. "Alam mo bang may nag-eespiya sa ‘kin? Gosh." sambit ni Claire at natigilan naman ako. "Hindi ko alam kung paano ko sila lulusutan, dahil lahat ng pwede kong daanan nahaharangan nila. Hindi rin tumitigil ang mga pinsan mo, hangga't hindi ka nagpapakita sa kanila." Napabuntong-hininga si Claire at umupo sa tabi ko saka hinawakan ang kamay ko. “Halos lumuhod na ang mommy mo sa’kin para lang mapaamin ako kung nasaan ka, pero hindi ko sinabi dahil alam kong hindi ka pa handa." sambit niya. Napaiwas naman ako ng tingin sa kan’ya at hindi ko pinakita ang lungkot na nararamdaman ko. Mahirap din sa ‘kin na hindi tawagan si mom, sa panahon na kailangan ko ng gabay. Pero tiniis ko rin siya, kahit na alam ko na s’ya ang mas nag-aalala sa ‘kin. I’m sorry, mom. I’m not quite ready yet. “Simula nang mawala ka ay nagreyna-reynahan na yang kapatid mo. Akala mo siya na ang susunod sa yapak ni chairman, TSK.” Inis na sambit ni Claire. Napalingon naman ako sa kan’ya pero hindi ako nagsalita. “Kunwari pang suportado kayo ni Dominic ay yun pala inaahas na niya ang asawa mo! Kung ikaw hinayaan mo lang, pwes sa ‘kin hindi ‘yon pwede!" sigaw niya, nabigla naman ako kung bakit siya pa ang mas galit kaysa sa akin. “Makabalik lang tayo sa manila, ingungudngod ko siya sa lupa! Nagpapaawa pa ang bruha kaya ayon balak silang ipakasal ni Dominic!” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ikakasal sila? Ikakasal sila dahil sa kasalanang ginawa nila noon? Natawa nanan ako bigla pero may luha pa ring tumutulo dahil hindi ako makapaniwala na ikakasal pa sila dahil sa mga ginawa nila. Kaya pala hindi rin ako hinanap ni Dominic dahil naghanda pala siya sa magiging kasal nila. “Fuck.” Nabigla si Claire sa sinabi ko pero natawa lang s’ya, kaya napaiwas na lang ako ng tingin at kumuyom ang mga kamao ko. “Yes, my bff. Ipapakasal sila dahil nabuntis ng asawa mo yang kapatid mo, di ba? At magkakaroon ng isang celebration ang mga Knight.” seryosong sabi ni Klaire sa’kin. Natigilan ako at napangisi na lang ng mapait. Mukhang makukuha na lahat ni Sophia ang nais niya. I know her. I know, Sophia Vivian Knight. Marunong siyang magmanipula ng tao, at lahat ng gusto niya dapat nasusunod. Kumuyom ang mga kamao ko. You did well, Sophia. Masaya ka na siguro ngayon dahil wala na rin ako sa landas mo. “Mommy!” Napakurap ako at napatingin ako sa mga anak ko na kumakaway sa’kin, ngumiti lang ako sa kanila pero ramdam ko ang lungkot para sa kanila. Paano na ang mga anak ko? Paano kung isang araw magtanong sila, kung bakit hindi nila pwedeng makasama ang kanilang ama? Ano na ang gagawin ko? Hindi naman habang buhay maitatago ko sa kanila ang katotohanan. Ayokong masaktan ang mga anak ko ‘di bale na ako ang masaktan, ‘wag lang sila dahil masakit para sa’kin na makitang nasasaktan o nahihirapan ang mga anak ko. “Ano na ang balak mo, Scarlett? Magdesisyon ka na kung babalik ka na, o mananatili na lang kayong mag-iina rito.” seryosong sambit niya at tumayo na siya. “Meron kang naiwang responsibilidad na kailangan mong gampanan. Hindi habang buhay tatakbo at magtatago na lang kayo. Pag-isipan mo ring mabuti ang mga sinabi ko sa’yo,” ngumiti siya at tinapik n’ya ako sa balikat pero bago siya tuluyang umalis, lumingon muli siya. “I will support you regardless of your decision.” sambit niya. Napangiti na lang ako kay Claire at tumango sa kan’ya. Saka tinanaw na lang siya na lumapit sa mga anak ko para makipaglaro. Napapikit na lang ako at dinama ang hangin. Handa na ba akong bumalik? Handa na nga ba akong humarap sa kanila? Handa na ba akong kalimutan ang lahat? O handa na nga ba akong harapin ang lahat?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD