Chapter 24: Ang Sumpa

1041 Words

Hindi makagalaw si Daniel sa kanyang kinatatayuan habang pinagmamasdan ang lawak ng pinsalang iyon. Nalukot naman ang kanyang papel na hawak sa kanyang kanang kamao. Maya-maya pay dali-dali rin siyang umalis at tinahak ang masukal na talahiban at mga halaman pabalik. Napapaluha siya, Nanginginig ang kanyang mga kalamnan, tila hindi niya na kabisado pa ang kanyang dinaraanan upang makabalik. Para na lamang siyang isang mabangis na hayop habang tumatakbo sa hindi niya siguradong daan. Maya-maya pa ay nakakita na siya ng mga bahay sa di kalayuan. Natatanaw niya na rin ang puting bahay na kanyang tinutuluyan. Sumilip muna sa kaliwa at sa kanan bago tuluyang maglakad patungo sa pinto. Dahan-dahan niya iyong binuksan, isinara niya rin iyon nang tahimik. Pinahid naman niya ang namumuong pawis sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD