Chapter 23: Mga Talulot ng Rosas

1573 Words

Halos hindi natulog si Daniel nang gabing iyon. Paiba-iba siya ng pwesto at posisyon. Walang laman ang kanyang isipan maliban sa mga pagdududa, mga pangitain at ang mga masasamang titig ng mga tao sa kanyang paligid. Nakakatulog man siya nang bahagya ay tila gising pa rin ang kalahati ng kanyang utak. Animo’y naririnig niya na ang kanyang paligid, miski ang maliliit na yabag ng mga langgam sa kanyang bintana ay binabagabag na siya. Sinabayan pa iyon ng pagtahol ng itim na aso na dumadalaw sa bahay na iyon tuwing dis-oras ng gabi. Hindi niya na pinapatulan pa ang asong iyon. Iniisip niyang nag-iibang anyo lamang ito bilang isang aso ngunit isa iyong halimaw na nagkakatawang tao rin at nagiging matandang babae na kuba na. Tinakpan niya na lamang ng unan ang kanyang ulo at nagtalukbong. Inii

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD