"Kung ganun, sino ang driver ng tricycle baka siya ang makapag tuturo kung saan bumaba si Raymart." Kapagkuwan ay pahayag ng kanyang Ina. Tama ito yun ang pwedeng magturo sa kanila kung nasaan ang binata. "Isa pa yung problema," napa hilamos sa mukha na saad nito. "Halos lahat ng tricycle driver dito ay kilala, dahil lahat naman ng tao rito ay magkakakilala pero hindi mahanap ng mga pulis ang tricycle at driver nito. Ito sana ang pwedeng gawing lead sa kaso." Nawawalan ng pag-asa na wika ng kanyang ama. Saka ipinagpatuloy muli ang pagkain. Lumipas ang tatlong araw, ngunit wala pa ring balita ukol sa pagkawala ng binata. Labis siyang nalungkot sa mga nangyayari sa hacienda. Idagdag pa ang kumakalat na usap-usapan ng kanilang mga tauhan, na kay Manang Susan niya lang nalaman. Ayon sa gina

