Manila Hospital. "Dude, Sino ba ang batang yan? Mahigit isang buwan na pero hindi pa rin nagigising mula sa coma." Tanong ng isang Doctor sa kaibigan nito. "Hindi ko alam, nakita ko lang siya sa daan na walang malay at bugbog sarado ang katawan." Malungkot na pahayag nito. "Hindi naman sa nangingialam ako, pero hindi ba dapat tapusin na natin ang paghihirap niya? Tanggalin na natin ang life support na bumubuhay sa kanya." Suggest ng Doctor. "No! You can't do that, We can't do that." Mariing wika nito at sumigaw ng pag tutol sa kaharap. "Bakit ba ganyan na lang ang pag-aalala at pag-aalaga mo sa batang yan, for Pete's sake dude! Hindi mo yan kamag-anak, ni hindi mo nga yan kilala. Hindi mo alam kung ano ang totoong nangyari sa kanya. Baka masamang tao yan." Nag-aalala na wika ng Doctor

