Animo'y napatda naman ang binata, at hindi na nakagalaw sa kanyang kinatatayuan.
Nang makabawi sa pagkagulat, sa halip na sagutin siya ay kinuha nito ang kanyang kamay at hinila siya paalis sa maingay na dancefloor.
Dinala siya nito sa puno ng sampalok, na kung saan ay makikita ang isang groto ni mama mary.
"Pake-ulit, nung sinabi mo kanina. Please!" Nagsusumamo na wika nito.
"Sabi ko, mahal kita, mahal na mahal kita! Simula pa noong mga bata palang tayo." Aniya dito.
"Totoo ba yan? Hindi ka nang go-good time lang?" Paniniguro nito sa kanya.
"Hindi no, manhid ka lang kaya hindi mo nararamdaman." Nakanguso na wika niya dito.
"Kung alam mo lang Kate, kung alam mo lang kung gaano kita kamahal!" Masayang wika nito, saka siya niyakap ng ubod ng higpit. Siya naman ang nagulat sa isiniwalat nito.
"Ma-mahal mo ako?" Hindi makapaniwala na tanong niya dito.
"Oo, matagal na kitang mahal!" Madamdaming wika nito, saka siya muling kinabig at ganun nalang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng halikan siya nito sa kanyang mga labi. Ito ang kanyang first kiss. Labis ang lakas ng t***k ng kanyang puso, dahil sa halik na iginawad sa kanya ng nag-iisang lalaking pinangarap niyang mapansin siya.
Ilang oras pa ang pinalipas nila, bago dumating si Mang Ambo. Nang makatanggap si Raymart ng text na mula sa lalaki ay inaya na siya nitong lumabas ng paaralan.
Magkahawak kamay silang lumabas sa gate ni Raymart, hanggang sapitin nila ang sasakyan kung saan nakatayo at abala sa paglalagay ng kanilang mga gamit si Mang Ambo. Nag presinta ng tumulong ang binata, siya naman ay nakaramdam ng panunubig ng kanyang pantog, kaya nagpaalam siya sa dalawa na magsi-CR muna.
Matapos mag CR, ay tinahak na niya ang daanan palabas. Subalit isang matigas na kamay ang humawak sa kanyang braso, nang tumapat siya sa isang poste ng corridor.
"Ano ba?" Piksi niya sa taong humawak sa kanyang braso.
"Ssshhh, ako to."
"James? Anong? anong kailangan mo!?" Nauutal at the same time naiinis na wika niya dito sa mariing tinig.
"Mag-usap tayo!" Nanggigil na wika nito sa kanya.
"Wala na tayong dapat pag-usapan. Tapos na tayo!" Naiinis na wika niya sa lalaki.
"Dahil ba sa kanya? Dahil ba sa hampas lupa na Raymart na yon?" Galit na wika nito.
"Oo, siya ang mahal ko, James."
Isang marahas na paghila ang ginawa nito sa kanyang braso. Dahilan para sumubsob siya sa dibdib nito.
"Ako lang! Ako lang dapat Kate!" Anito sa kanya. Bago pa man siya makasagot ay sapilitan na nitong itinaas ang kanyang baba, upang halikan siya sa kanyang mga labi. Bagay na hindi niya hahayaang magawa nito sa kanya. Kung kaya nanlaban siya sa lalaki, pero dahil sadyang malakas ito at hawak nito ang kanyang batok, habang ang isang braso nito ay nakayakap sa kanyang bewang, kaya nahihirapan siyang makawala dito. Kung may taong nakakita sa kanila sa mga oras na iyon, alam niyang iba ang iisipin sa kanilang dalawa ni James. Halos maubusan na siya ng lakas sa kanyang panlalaban dito. Hanggang sa maisipan niyang tuhurin ang hinaharap nito, at napagtagumpayan naman niya dahil nabitiwan siya nito. Mag-asawang sampal ang pinadapo niya sa pisngi ng lalaki bago tuluyang tumakbo palayo dito.
Humahangos siya ng marating niya ang kanilang sasakyan. Nakita niya si Raymart, na nakasandal sa sasakyan. Hindi niya mapigilan ang mabilis na pagtibok ng kanyang dibdib. Nang mapansin siya nito ay pumasok na ito sa passenger seat na katabi ng driver. Bagay na ikinakunot ng kanyang noo. Agad naman siyang pinagbuksan ni Mang Ambo ng pintuan sa back seat saka siya inalalayan na maupo doon. Nagtataka man sa inasta ng binata ay pinag walang-bahala na lang niya iyon. Nang nakaupo na siya, ay tinungo na rin ni Mang Ambo ang driver seat. Nang tingnan niya si Raymart, ay prente na itong nakaupo sa unahan. Habang madilim ang mukha. Bagay na muli niya ng ipinag kibit-balikat. Saka pumikit.
Ilang Linggo ang matuling lumipas matapos ang kanilang Prom. Ay tuluyan na siyang iniiwasan at nilayuan ni Raymart. Labis siyang nasasaktan sa ginagawa nito. Lalo na sa tuwing nakaka salubong niya ito. Subalit, kahit isang sulyap ay hindi nito maibigay sa kanya. Lalo na kapag kasama nito si Janna. Naisip niya na marahil ay nagkakamabutihan na ang dalawa. Bagay na mas nakasakit sa kanya ng doble, kesa sa sakit na nararamdaman niya noong hindi pa nangyayari ang pagtatapat nito ng pag-ibig sa kanya.
Samantalang, tuluyan na din siyang nilayuan ni James. Isang bagay na ipinag papasalamat niya. Ibinuhos niya ang kanyang atensyon at oras kanyang pag-aaral. Subalit hindi na niya matiis ang paninikis nito sa kanya. Kung kaya gumawa siya ng paraan para kausapin ito.
"Raymart, pwede ba tayong mag-usap?" Mahinahong wika niya dito. Agad naman ang pag-angat nito ng paningin sa kanya. Hindi pa man ito nakaka sagot ay narinig na niya ang tinig ni Janna.
"Ray, nagugutom na ako," nakangusong wika ni Janna, sabay lingkis ng kanyang braso sa braso ng binata.
"Sige, saglit lang." Sagot dito ng binata, saka humarap sa kanya.
"Ray, please!" Nagmamakaawang wika ni Janna dito. Samantalang, ng tumingin ito sa kanya ay isang matalim na irap ang ibinigay sa kanya.
"Ah, Kate. Next time nalang tayo mag-usap." Nakangiting wika nito sa kanya.
Hindi na siya nag-abala pang sumagot. Bagkus isang tango nalang ang ibinigay niya dito. Pero hindi pa rin siya umalis sa harapan ng dalawa
"Excuse me! Hindi mo ba siya narinig? Next time na lang daw kayo mag-usap. Kung may next time pa." Mataray na wika sa kanya ni Janna, mahina ang boses sa huling salitang binitawan.
"Alam ko, hindi naman ako bingi! At mas lalong hindi ako parang linta kung kumapit!" Naiinis na wika niya dito.
"Kate, pwede ba! Huwag kang gumawa ng gulo. Hindi mo dapat laging pinapairal ang pagiging spoiled brat mo." Mariing saway sa kanya ni Raymart.
Hindi na siya tumugon dito at nagtaas na lang siya ng kilay ng makita ang malangising aso ni Janna. Palaisipan pa din sa kanya, kung ano ang naging dahilan ng pagbabago nito.
Mula nang araw na mag attempt siyang kausapin si Raymart, na hindi naman nito pinaunlakan. Pinili niyang tuluyan na itong iwasan at kalimutan. Ibinuhos niya ang kanyang atensyon at oras sa kanyang pag-aaral.
Buwan ng Marso. At ngayon ang araw ng kanilang graduation. Masaya at abala ang lahat, napakaganda ng gayak ng kanilang stage na pagdarausan ng graduation ceremony. Napapalibutan ito ng iba't ibang uri at kulay ng mga bulaklak.