CHAPTER THREE

1055 Words
Matapos ang graduation ceremony, agad siyang binati ng kanyang mga magulang at ilang malalapit na kaibigan ng mga ito. Maging ng mga guro sa kanilang eskwelahan ay binati din siya. Siya ang tinanghal na salutatorian, habang si Raymart naman ang valedictorian. Nang mapansin niyang busy ang kanyang mga magulang sa pakikipag-usap sa ibang parents, nagpaalam muna siya sandali sa mga ito na may hahanapin siyang kaibigan. Pumunta siya sa likod na bahagi ng event kung saan madalas nag tatambay ang binata. At hindi nga siya nagkamali dahil naroroon ito, subalit, hindi ito nag-iisa as usual, kasama nito si Janna, na para talagang isang linta. Mula sa pader na pinag kukublihan niya, ay kitang kita niya ang dalawa na seryosong nag-uusap. Dahil malayo ang pwesto niya sa mga ito ay hindi niya marinig kung anuman ang pinag-uusapan ng mga ito. Pero base sa nakikita niyang expression ng mukha ng binata ay hindi maitatanggi na galit ito. Hinintay niyang matapos ang dalawa, hanggang lumipas ang ilang sandali, nakita niyang tumalikod na si Janna kay Raymart, saka humakbang palayo habang lumuluha ang mga mata. Nanatili naman na nakatayo si Raymart, kung saan ito iniwan ni Janna. At mukhang malalim ang iniisip. Hinintay niyang tuluyan ng makalayo si Janna, saka siya lumapit sa binata. "Hi Raymart, congratulations!" Masiglang bati niya dito. Alam niyang malaking bagay sa binata ang makapag tapos ng May karangalan. "Congrats din, sayo Kate." Malamig na ganting bati nito sa kanya. Bagay na hindi na bago sa kanya. "Pwede ba kitang yayain na sumama sa amin sa outing? Para icelebrate ang pagtatapos natin." Nakangiting tanong niya dito. Napag-uusapan nilang magkakaklase na mag-outing dalawang araw pagkatapos ng kanilang graduation. "Para ano? Para gamitin? Para gamitin ako para mapag-selos mo si James?!" Tiim bagang na tanong nito sa kanya. "Gamitin? Raymart, saan mo naman nakuha yan?" Nalilitong tanong niya dito. Kung may ginamit man siya hindi ito yon' dahil si James ang sinagot niya noong nakaraang buwan para pagselosin si Raymart. Ito ba ang dahilan kaya ito tuluyang lumayo sa kanya? "Huwag ka ng magpanggap Kate! Alam ko na ang lahat, alam ko na, kung ano talaga ang motibo mo sa pakikipag lapit mo sa akin." Mariing wika nito. Dahilan para lalong mag salubong ang kanyang mga kilay. "Hindi ko alam, kung ano ang sinasabi mo Raymart! Wala akong ginamit, at mas lalong hindi kita ginagamit." Hindi niya napigilang ang kanyang sarili na sigawan ito. "Talaga? Maniniwala na naman ba ako sa isang katulad mong matapobre, spoiled brat at bully dito sa school?" Nang-iinsulto na wika nito sa kanya. "Huwag kang maniwala kung ayaw mo! Pero totoo lahat ang sinasabi ko. Simula pagkabata natin, minahal na kita! Pero kahit minsan hindi mo yon' binigyang halaga. Hindi mo akong magawa na pansinin, kaya ako nasasaktan. Nandito lang ako Raymart! Nandito lang ako! Pero si Janna ang palagi mong hinahanap! At para sabihin ko din sayo, kaya ako nakipag relasyon kay James, ay para pagselosin ka! Pero dahil bale-wala lang sayo lahat, kaya tinapos ko na ang ugnayan namin. At piniling ipagtapat sayo ang tunay kong nararamdaman para sayo. Siguro nga wala ka talagang damdamin para sa akin! Pero ako Raymart, Mahal na mahal kita!." Lumuluha na wika niya sa lalaki. Hindi niya akalain na magagawa niyang sabihin ang lahat ng kanyang saloobin sa binata. Lumipas ang ilang sandali, na walang ibang marinig kundi ang pag sinok niya dulot ng labis na pag-iyak. Habang si Raymart naman ay nanatiling kalmado at tahimik. Hanggang sa isang halakhak ang kanyang narinig mula kay Raymart, na sinamahan pa ng palakpak ng mga kamay nito. "Magaling! Hindi ko akalain na pang best actress award ang drama mo, Kate." Nang-uuyam na wika nito. Hindi siya sumagot at patuloy lang sa kanyang pagluha. Nang mag-angat siya ng kanyang mukha, nakasalubong ng kanyang paningin ang mga mata ng binata. At may nabanaag siyang lungkot at sakit sa mga mata nito, habang nakatitig sa kanya. Pero hindi na niya yon' binigyang halaga. Walang pasabi na tumalikod na siya, habang hilam sa luha ang kanyang mga mata. Naiwang malungkot si Raymart, iniisip niya ang mga salitang binitawan ni Kate sa kanya. Subalit, natatakot na siyang muling magtiwala sa dalaga. Samantalang, sa isang tagong bahagi ng pader ay may dalawang pares ng mga mata ang kanina pa nakatingin sa kanila. At pinapanood ang kanilang pagtatalo. Nasisiyahan at nagdiriwang ang puso ng mga ito, sa mga nasaksihan. "Ano kuya? Ayos ba ang acting ko?" Nasisiyahan na wika ng babae sa kanyang kapatid. "Oo naman, ikaw paba! Kung pinaglaruan niya ako. Dapat lang na paglaruan din natin sila!" Nasisiyahan na wika ng lalaki. Tumatakbo na bumalik si Kate, sa kinaroroonan ng kanyang mga magulang. Subalit, wala na ang mga ito doon. "Ma'am Kate, kanina pa po umalis sila señora, at pinapasabi po na sumunod na lang daw po tayo sa restaurant." Ani ni Mang Ambo. Na hindi niya namalayan na nasa kanyang tabi na pala. "Sige po, paki hintay na lang po ako. Magbibihis lang po ako, Mang Ambo." Aniya dito. Saka kinuha ang kanyang bag na dala. Nang sapitin ang Comfort room, agad na siyang pumasok. May mangilan-ngilan pang mga tao doon. Hinubad niya ang kanyang puting toga, saka inayos ang kanyang suot na dress na siyang pinatungan ng toga kanina. Nagpalit din siya ng high heeled sandals, na siyang nababagay sa suot niyang dress. Nang matapos ay lumabas siya ng cubicle, saka humarap sa malaking salamin na naroroon. Nag retouch siya ng kanyang make-up at dinagdagan ang lipstick na unti-unti ng nabubura sa kanyang mga labi. Naglagay din siya ng concealer sa ilalim ng kanyang mga mata, upang hindi mahalata ang pamamaga niyon. Pinasadahan din niya ng kanyang palad ang kanyang buhok. Nang matapos ay lumabas na siya ng Comfort room, bitbit ang kanyang bag at katamtamang laki ng paper bag, kung saan niya inilagay ang toga na kanyang hinubad. Tinahak niya ang daan patungo sa labas ng paaralan, kung saan matatagpuan ang kanilang sasakyan at driver. "Ako na po niyan ma'am." Wika ni Mang Ambo. Saka kinuha ang kanyang mga bitbit. "Salamat po!" Pasasalamat niya matapos siyang alalayang umupo sa backseat. Muntik pa siyang mapasigaw sa gulat ng makita si Raymart, na nakaupo sa passenger seat. Habang matiim na nakatitig sa kanya sa salamin na nasa unahan. Sa halip na matuwa isang nakamamatay na irap ang ibinigay niya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD