"Oh' nandito na pala ang Unica hija ko!" Natutuwang wika ng kanyang ina. Nang salubungin siya sa kanyang pagpasok sa restaurant na kinaroroonan ng mga ito. Agad naman siyang yumakap dito.
"Halina kayo, at nang makakain na tayo."
Matapos nilang kumain sa naturang restaurant, ay diretso na sila ng uwi sa mansyon. Doon ay nagkaroon din ng kaunting kasiyahan at salo-salo ang kanilang mga tauhan. Pinili niyang tumuloy na sa kanyang silid upang mag pahinga. Ayaw din niya na makasalamuha pa si Raymart. Labis siyang nasaktan sa mga salita na binitawan nito kanina. Pinilit niya kaninang maging masaya at masigla sa harap ng kanyang mga magulang upang hindi siya mahalata ng mga ito.
Dahil wala pa naman siyang balak matulog. Hindi niya muna nilock ang kanyang silid. Matapos niyang linisin ang kanyang katawan, ay nahiga siya sa kanyang malapad na kama. At tumitig sa kisame ng silid. Ilang sandali siya na nasa ganoong pwesto ng makarinig siya ng ilang katok sa pintuan ng kanyang silid.
"Pasok po." Mahinahon na wika niya. Pero nanatili pa rin sa kanyang pwesto.
"Anak, mabuti at gising kapa. Pasensya ka na kung ngayon lang namin maibibigay ang regalo namin sayo ng daddy mo." Aniya ng kanyang ina, sa mahinahong tinig.
"Mom, kahit naman po hindi niyo na ako bigyan ng gift ay okay lang sakin. Sapat na ang kasama ko kayo ni daddy at mahal niyo ako." Naglalambing na wika niya saka yumakap sa kanyang ina.
"Asus, ang unica hija ko, naglambing pa." Natatawang turan naman nito.
"Congratulations anak!" Ani ng kanyang ama. Saka sumampa sa kanyang higaan. At sinuot sa kanyang leeg ang isang kumikinang na kwintas.
Bagaman, nasa murang edad palang siya. Pero alam niyang mamahalin ang naturang alahas.
"Mom, dad! Hindi na sana kayo nag-abala pa. For sure ang mahal nito." Nakukuhang wika niya.
"Pwede ba namang hindi anak, nag-iisa ka lang naming prinsesa. Kaya lahat ng kaya naming ibigay ay ibibigay namin para sa nag-iisa at walang katulad naming baby." Sagot ng kanyang ama, saka pinisil ang kanyang pisngi at hinalikan siya sa kanyang ulo, bago nito inihilig ang kanyang ulo sa dibdib nito. Nasisiyahan na nakamasid naman ang kanyang ina, sa kanilang mag-ama.
"Mom, dad, may gusto lang po sana akong hilingin sa inyo." Nag-aalangan na wika niya. Kanina pa niya ito pinag-isipan at ngayon na nakahanap siya ng tamang pagkakataon, ayaw niyang palampasin pa yon'
"Spill it out, anak. Kahit ano, basta kaya naming ibigay ng mommy mo, walang problema." Sagot ng kanyang ama.
"Salamat po daddy, gusto ko po sanang sa U.S na mag-aral. Gusto ko po sanang subukan yong offer ni tita Ellaine."
Ang tita Ellaine, na tinutukoy niya ay kapatid ng kanyang ina. Pasukan noon sa high school ng alukin siya nito na sa U.S.A mag-aral, dahil may bahay na ito doon.
"Talaga anak? Gusto mo doon magpatuloy ng iyong pag-aaral! Walang problema sa amin ng daddy mo. Iyan din sana ang sasabihin namin sayo ngayon." Nasisiyahan namang wika ng kanyang ina.
Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit tila hati ang kanyang nararamdaman.
Kinabukasan, maaga siyang gumising. Nag-agahan lang siya at umakyat din agad sa kanyang silid, upang mag-impake ng kanyang mga gamit na dadalhin.
Nang abutan siya ng kanyang ina kanina sa baba, ay ibinalita nito sa kanya na nakakuha na ito ng flight ticket nilang mag-anak patungo sa U.S, anito ay ihahatid siya ng mga ito sa tirahan ng kanyang tiyahin at saglit na rin na magbabakasyon doon.
Ang araw ng kanilang pag-alis ay ang araw ng kanilang outing. Kung kaya bago tuluyang umalis ay pumunta muna siya sa resort kung saan ito gaganapin. Gusto niyang mag paalam sa ilang kaklase at kaibigan na naging malapit sa kanya.
Nang sapitin niya ang resort, naabutan niya ang mga ito na nagkakasiyan na. Naglalaro ang mga ito ng spill the bottle. Lalakad na sana siya palapit sa kinaroroonan ng mga ito ng matigilan siya. Naagaw ng isang pares na babae at lalaki ang kanyang pansin, dahilan para huminto siya sa kanyang paglalakad. Mula sa kanyang kinatatayuan ay nakita niya ang pagtayo ni Janna, at ang paglapit nito kay Raymart, saka humalik sa mga labi ng huli. Natulos siya sa kanyang kinatatayuan, habang ang mga tao doon ay masayang nagsisigawan at nagche-cheer sa dalawang tao na hindi na niya nais pang makita. Nagdalawang isip na siyang tumuloy dahil alam niyang ma-a-out of place lamang siya. Yumuko siya ng maramdaman ang pamilyar na sakit sa kanyang dibdib, at sa pag-angat niya ng kanyang paningin, hindi nakaligtas sa kanya ang mapagmataas na tingin ni Janna, maging ang mayabang nitong pag ngisi sa kanya. Nagmamadali na tinakbo niya ang kanyang sasakyan kung saan naghihintay si Mang Ambo. Walang patid ang kanyang pagluha, dahil sa inis at selos na kanyang nararamdaman. Ngayon niya mas napagtanto na tama lang ang kanyang ginawa. Tama lang na magpakalayo-layo na siya.
Samantalang, isang matagumpay na ngiti naman ang sumilay sa mga labi ni Janna. Hindi nakaligtas sa kanyang matalas na mga mata, ang pagluha ni Kate.
Matapos ang nasabing outing, labis na nagtataka si Raymart, ng hindi sumipot si Kate, gayong ito ang nagplano at nag-aya sa kanya na umattend sa naturang outing. At ito rin ang dahilan kung bakit naroroon siya ngayon, sa kabila ng katotohanan na naiinis na siya sa pagiging kapit-tuko ni Janna sa kanya. Ay pumunta pa rin siya sa resort na iyon, dahil gusto niyang kausapin si Kate, at humingi ng tawad dahil sa masasakit na salitang binitiwan niya sa dalaga noong isang araw. Gusto na rin niyang ipagtapat dito ang kanyang totoong nararamdaman. Kaya naman bago sumapit ang gabi, dahil overnight ang outing nila, ay nag paalam na siya na uuwi na. Napag pasiyahan niyang sa mansyon na lang niya pupuntahan si Kate, para kausapin. Ayaw pa siyang payagang umalis ni Janna, subalit, hindi na siya nagpa pigil pa. Sakay ng mataas na motorsiklo na ginagamit nila sa hacienda, ay nag drive siya pabalik sa hacienda Avila.
Nang nasa labas na siya ng mansyon ay nagtaka siya ng hindi niya makita doon ang Fortuner, na madalas gamitin ng mag-anak, sa tuwing umaalis ang mga ito. Iba din ang kanyang pakiramdam sa katahimikan na bumabalot sa lugar. Animo maging ang ibang kawaksi ay wala din dahil sa sobrang tahimik ng paligid.
Nang hindi na siya makatiis ay pumasok na siya sa loob ng mansyon, dahil bukas naman ang main door. Dumiretso siya sa kusina at doon ay natagpuan niyang nagliligpit ng mga gamit si Manang Salve, isa sa matagal ng katiwala ng Pamilya Avila.
"Manang, bakit po mag-isa lang kayo? Asan po ang mga kasama niyo?" Hindi mapigilang usisa niya dito.
"Nagbakasyon sila, binigyan kami ng ilang araw na pahinga nila señor at señora. Pero hindi na ako umalis, dito na lang ako, dahil walang maiiwan dito sa bahay." Malungkot na wika ng ginang.
"Ho? Bakasyon ho! Bakit ano po ang meron?" Naguguluhan niyang tanong.
Nalito naman siya bigla sa mga nangyayari. Wala namang nabanggit si Señor Romulo, na aalis ang mga ito. Siya ang madalas kasama ng ginoo sa bukid.
"Hindi mo ba alam, hijo? Na si señorita Kate, ay sa states na mag-aaral ng kolehiyo! Aba'y hindi ko nga maintindihan sa batang iyon, kung bakit biglaan ang pagdedesisyon." Malungkot na wika nito. Simula noong bata palang sila ni Kate, ay si Manang Salve na ang nag-aalaga dito. Iyon marahil ang dahilan ng kalungkutan ngayon ng ginang.
Malungkot siyang umalis ng mansyon saka nagtungo sa malawak na bukirin ng mga Avila. Kung saan sila madalas maglaro ni Kate, noong mga bata palang sila. Magkasundo sila dati. Nagbago lang ito ng tumuntong na sila sa high school. Hindi niya alam kung ano ang dahilan nito.