Apat na taon na ang nakaraan, magmula ng piliin ni Kate, na sa U.S.A mag-aral ng college. Sa poder ng kanyang nag-iisang tiyahin, na kapatid ng kanyang ina. At ngayon ang araw na nakatakda siyang bumalik ng Pilipinas. Naka-graduate siya ng Fashion designer with flying colors. Pangarap niya na magkaroon ng modelling agency, o kaya ay clothing line.
Gusto pa sana niyang magliwaliw sa US, ngunit minamadali ng kanyang mga magulang ang kanyang pag-uwi. Nagtataka man, ay pinili na lang niya ang manahimik at sundin ang mga ito. Hindi rin nagawa ng kanyang mga magulang na umattend sa kanyang graduation. Bagay na nakakadagdag sa pagkabalisa niya. Sakay na siya ng eroplano pauwi ng Pilipinas. Muli niyang ibinaling sa labas ng bintana ang kanyang paningin. Saka humugot ng hangin sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanyang pag-uwi. At kung paano haharapin ang mga taong iniwan niya, apat na taon na ang nakalipas. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman, masaya na malungkot, at excited siya na muli niyang masisilayan ang lalaking una niyang minahal. Samut-saring katanungan din ang patuloy na umuukilkil sa kanyang isipan. Kagaya ng kamusta na ba ito? May sarili na ba itong pamilya? O kaya ay official na kaya ang relasyon nito at ni Janna? Nasa Hacienda Avila pa ba ito? Ilan lang yan sa mga katanungan na nasa kanyang isip. Dahil doon ay hindi niya maiwasan ang makaramdam muli ng pinong kurot sa kanyang dibdib. Dumagdag pa sa kanyang isipin ang sapilitang pagpapa-uwi sa kanya ng kanyang mga magulang, sa San Cristobal.
Pasado Alas Onse ng gabi, ng sapitin nila ni Mang Ambo ang Hacienda Avila. Sa tantiya niya ay tulog na ang lahat ng tao sa mansyon. Hindi na din niya inistorbo ang tulog ng kanyang mga magulang, dahil siya man ay nakaramdam na din ng pagod. Ang tanging gusto na lang niya ay matulog at magpahinga sa kanyang silid.
Nagising ang dalaga, dahil sa tama ng liwanag na nagmumula sa sikat ng araw na tumatama sa bintana ng kanyang silid, dahil bahagyang nakaawang ang kurtina nito. Nang tumingin siya sa wall clock na nakasabit sa pader ng kanyang silid, napagtanto niyang Alas nuwebe na ng umaga. Matapos gawin ang kanyang morning routine. At nang nakapag bihis siya ng isang simpleng bestida ay lumabas na siya sa kanyang silid.
Pababa na siya sa hagdan ng makita niya na nasa living room ang kanyang mga magulang. Nakaupo ang kanyang ina, habang nakatayo naman ang kanyang ama. Bagaman hindi niya nakikita ang kabuuan nito, sa hinuha niya ay may kausap ito base sa pagkumpas ng kanang kamay nito. Dalawang baitang na lang ng hagdan, bago siya tuluyang makababa ng makita niya ng malinaw ang likod ng lalaking kausap ng kanyang ama. Malapad ang likod nito, at sa tantiya niya ay hanggang dibdib lang siya nito sa taas niyang 5'5. Tumigil muna siya sa kanyang paghakbang, pamilyar sa kanya ang tindig nito. dahilan, upang hindi niya maialis ang kanyang paningin sa lalaki, at halos malaglag siya sa hagdan. Mabuti na lamang at maagap siya na nakahawak sa railings niyon, nang bigla itong humarap sa kanya. Nakasuot ito ng white long sleeve polo, na tenernuhan ng kupas na maong na pantalon at puting sapatos. Nakabukas ang dalawang butones ng polo nito mula sa itaas na bahagi kung kaya, litaw na litaw ang malapad at mabalahibo nitong dibdib. Clean cut ang gupit nito kaya napakalinis at naging kaakit-akit itong tingnan. Idagdag pa ang tan na kulay ng balat nito, na lalong nagpatingkad sa lalaking-lalaki nitong dating.
Nabundol ng malakas na kaba ang kanyang dibdib ng mapag sino ang kaharap. Walang iba kundi ang taong nanakit sa kanya apat na taon ang nakalipas. Si Raymart. Ang lalaking hindi na niya gusto pang makita. Napakalaki ng naging pagbabago ng pangangatawan nito. Marahil ay dulot din iyon ng pagiging batak nito sa trabaho.
"Nandito na pala ang ating anak." Masiglang bati ng kanyang ina, agad naman siyang tumakbo palapit dito saka ito niyakap ng mahigpit.
"Good morning! Mom, dad." Bati niya sa mga ito habang yakap siya ng kanyang ina. Hindi na siya nag-abala pang tingnan at batiin si Raymart.
"Good morning! Princess." Ganting bati ng kanyang ama.
"Halika na kayo sa dining, para makapag agahan na tayo. Raymart, hijo dito ka na din kumain. Sabayan mo na kami." Nakangiting paanyaya ng kanyang ina.
Matapos silang kumain ay lumabas siya ng kusina at nagtungo sa garden. Kung saan naroroon ang iba't-ibang bulaklak at halaman na alaga ng kanyang ina. Hindi pa siya natatagalan sa kanyang pagmamasid sa mga halaman ng isang tikhim ang kanyang narinig.
"Kumusta kana, Kate? Kumusta ang pag-aaral mo sa ibang bansa?" Ani ni Raymart. Na hindi niya namalayan na sumunod pala sa kanya. Ang alam niya ay mayroon pa ito at ang kanyang ama na kailangan pag-usapan sa study room ng huli.
"Okay lang naman." Tipid niyang sagot. Nais niyang umiwas sa lalaki.
"Galit ka pa ba sakin?" Nanatiya nitong tanong nang hindi siya sumagot ay muli itong nagsalita, dahilan para tumibok ng mabilis ang kanyang dibdib. "Na-miss kita! Mahal na mahal kita Kate!" Madamdaming wika nito, saka siya niyakap ng ubod ng higpit. Gusto niyang pumalag pero parang wala siyang lakas para gawin iyon.
Hindi niya alam kung ano ang tamang sagot na dapat niyang ibigay dito. Gusto niyang paniwalaan ang pahayag ng binata na damdamin para sa kanya, pero natatakot siya. Paano kung pinag-ti-tripan lamang siya nito? Aasa na naman siya na pareho sila ng nararamdaman tapos sa huli siya lang ang masasaktan. Dahil sa kanyang kalituhan pumikit nalang siya. Ngunit, sa pagpikit niya ng kanyang mga mata, bigla ang pag flashback ng mga nangyari four years ago. Maging ang mga dahilan kung bakit pinili niya ang lumayo. Dahil doon ay dagli niyang naitulak ang binata palayo sa kanya.
"Umalis ka na." taboy niya kay Raymart, sa mahinahong tinig.
"Kate, please! Mag-usap tayo." Pagsusumamo nito sa kanya.
"Alam kong marami akong pagkakamali sayo."
"Wala tayong dapat pag-usapan, tapos na ang mga kahibangan na naramdaman ko noon para sayo." Aniya sa lalaki, na puno ng kasinungalingan.
"Please! Handa akong gawin ang lahat, magtiwala at maniwala ka lang muli sa akin." Seryosong wika nito sa kanya.
Hindi niya magawang labanan ang matiim nitong mga titig sa kanya. Na animo'y inaarok ang kaloob-looban ng kanyang pagkatao. Gusto niyang takbuhin ang maliit nilang distansya at yakapin ito ng mahigpit. Subalit, may kung ano ang pumipigil sa kanya.
"Please! Noong umalis ka, doon ko na realize kung gaano kita kamahal, at kung gaano ko hindi kakayanin kapag tuluyan ka ng nawala sa akin. Sana paniwalaan mo naman ako." Anito sa kanya. Hindi siya sumagot bagkus ay nananatiling blanko ang reaksyon ng kanyang mukha. "Mahal na mahal kita!" Naluluha na wika nito. Dahilan para lumapit siya dito at yakapin ito ng mahigpit kagaya ng kanina pa niya gustong gawin.
"Kate." Naguguluhan na wika ni Raymart.