CHAPTER 16

2218 Words
Hayy salamat nakatapos din.Pagod kong sambit.Habang pumapasok sa kusina ay bigla kong naalala na hindi nga pala ako kumain ng almusal tapos medyo late na para sa tanghalian. Nagtimpla na lang muna ako ng juice para maibsan ang pagod na meron ako .Uminom muna ako tapos dinalhan ko na din si tatay na tutok na tutok sa pinapanood nyang pelikula.. Tay juice po. Ay salamat anak.Tapos ka na ba? Tanong ni Tatay habang inaabot yung juice. Opo,halos kakatapos ko lang po. Tay kumain na po ba kayo ng tanghalian?Parang hindi ko din po kasi nadinig na tinawag nyo ako para kumain.Nagtatakang tanong ko. Aba oo nga hindi pa nga pala tayo kumakain ng tanghalian.Tapos hindi ka din nag almusal .O sya tara na muna kumain anak at naku anong oras na. Nakalimutan ko na din,nawili kasi ako sa pinapanood ko e.Nag aalalang sabi ni Tatay sabay tayo. Ee Tay,hindi pa po ako nakakaluto ng pantanghalian natin.Magluluto lang muna ako.Pero may mga pagkain pa naman po na tira kaninang umaga. O e pwede na yun anak.Okay na yun para maubos naman at hindi masayang ang pagkain.May tinimpla ka namang juice.ayos na yun. Sya sige po.Tara na po sa kusina. Pinagsaluhan namin ni Tatay ang tirang pagkain nung almusal.Pritong daing,at itlog.Malamig na nga lang din pati ang kanin. Meron na din naman nakahandang sawsawan na toyo kalamansi na may sili at may malamig na juice akong tinimpla,kaya naging magana pa din kami at naubos din namin ito. Niligpit ko na din ang mga pinagkainan namin pagkatapos.Si Tatay naman ay bumalik sa sala at tinapos ang pinapanood. Pagkatapos kong maghugas ng mga plato ay umakyat ako sa kwarto at kinuha ang cellphone at pumunta ako sa terrace. Ipagpapatuloy ko muna yung binabasa kong story habang nagpapahinga kasi hindi pa din naman ako pwedeng maligo pa.Ang ganda kasi ng istorya.CEO yung lalaki nagkagusto sya sa mas bata sa kanya.Pito silang magkakapatid at lahat sila ang gaganda ng istorya.Pero pinakagusto ko yung sa CEO.Nakakakilig kasi masyado yung mga banat ni CEO. Hindi ko namalayan ang oras sa sobrang focus ko sa pagbabasa..Naalerto lang ako sa oras nung sinabi niTatay na aalis na sya para sunduin si Nanay. Nang makaalis si Tatay ay umakyat na ko sa kwarto ko para maligo.Naghanda na ako ng susuutin ko bago ako pumasok sa banyo. Makalipas ang kalahating oras ay nakatapos na ko maligo at talaga namang napakapresko sa pakiramdam.Nang makapagpolbo at makapagsuklay ay sumampa ako sa kama para ipagpapatuloy ang aking binabasa ko habang wala pa sina Nanay. Lumabas lang ako sa kwarto ng dumating na sina Nanay May binili akong manok nilagay ko muna sa ref anak pero hindi pa linis kaya pakilinis tapos ilagay mo ulit sa ref.Pang ulam para bukas yan. E ano po uulamin natin para sa hapunan? Magtingin ka na lang dyan sa ref kung anong pwede.bahala ka na anak meron pa naman sa ref .Tugon ni Nanay habang papasok sa loob ng cr.. At nagtingin nga ako gaya ng utos ni Manay. Tortang talong saka paksiw na bangus ang naisip kong ulamin namin sa hapunan. Naghahapunan na kami at kasama na sa hapunan namin ang kwentuhan. Tay,ano naabutan mo ba don si Sir Illac.Nagkakwentuhan po ba kayo ulit. Panimula ko Sumubo muna ng kanin si Tatay bago ako sinagot. Ay oo anak,naandoon si Sir. Nagkakwentuhan kami kaya nga medyo late na kami nakauwi ng Nanay mo.Ayaw pa kasi akong paalisin. Alam mo kasi anak kapag Sunday,nasa bahay lang si Sir. Hanggang maari ayaw nya ng may lakad sya pag Linggo pwera na lang kung hindi talaga maiwasan na mag kameeting sya.Pero pagkatapos umuuwi agad yun.Mas gusto non magtulog at magpahinga.Minsan napapabigyan nya mga kaibigan nya uminom pero saglit na saglit lang.Minsan hindi talaga sya mapilit. Bigla ang panghihinayang ko sa mga nadinig ko.Sayang, chance ko na sana yun.Parang gusto ko na tuloy maiyak sa pinakawalang pagkakataon. Napasubo na lang ako ng kanin. Sabi kasi sa iyo anak sumama ka na e. Ayos lang po yun Tay.Sa ibang pagkakataon na lang po siguro.. Teka,Bakit anak gusto mo ba sana sumama sa Tatay mo kanina?tanong ni Nanay. Opo ,kaya lang po e nagdalawang isip din po ako naglaba kasi ako kanina.Okay lang po yun Nay. Ahh.naku sayang nga anak sana naipakilala na kita kay Sir.para makita nya na babae ka at hindi lalaki.Akala kasi ni Sir Illac ay lalaki ka dahil sa pangalan mo. Nagulat ako sa tinuran ni Nanay. Grabe naman Nay.Dahil lang Alexis ang first name ko lalaki na agad..Hindi ko nga napigilang hindi matawa nung sinabi ni Sir iyon.Hay nako si Sir Illac talaga.Minsan isasama kita doon para makilala mo si Sir.Malay mo maging crush mo.at maging crush ka din. Si nanay talaga ibinubuyo na naman ako..As if naman mapapansin non ang itsura ko.Siguradong ang gaganda ng mga nililigawan non Nay.Hindi po yun magkakagusto sa akin. Anak walang masama sa sinabi ko.Crush lang naman at sa itsura ni Sir Illac anak hindi imposible na maraming magkagusto sa kanya. Kahit hindi ko nakikita alam kong madaming nagkakagusto kay Sir at kung pagbabasehan ang itsura,baka may nag aaway na babae na sa harap ni Sir.Pero wala pa yata girlfriend si Sir ni minsan kasi ay Wala kaming nakita na dinala nyang banae sa bahay. Another points na naman si Siir.Masyado akong natuwa sa nalaman na yon kahit hindi pa talaga sure si Nanay.At the same time parang may kumurot sa puso ko sa isipin na baka naman may nililigawan na nga ito at hindi lang naaalam ni Nanay.Sana naman wala pa. E Nanay matanong ko po.Pwede po kaya yun magkagusto ka sa hindi mo pa naman personal na nakikita? Napakunot noo si Nanay.Mukhang tinitimbang ang tanong ko at iniisip kung anong magandang sagot. Hin...di ko sigurado anak e. Hindi ko yun naranasan kahit nung kabataan ko. Pero siguro kung puso mo ang nagpapahiwatig. Kung nararamdaman mo e di posible siguro. Tumango tango na lang ako. Nang makatapos ng hapunan,gaya ng nakasanayan ipinagtimpla ko ng kape si Nanay at Tatay.Ako naman ay hinugasan na ang pinagkainan. Nang makatapos ako sa kusina ay nagpaalam na ako na aakyat na sa kwarto dahil magpaplantsa pa ako.Iniwan ko na sina Nanay sa sala na nanonood pa ng Tv. Bago ako magsimula ay chinat ko muna si bes.sinabi ko na maya maya na ko magchachat kasi may gagawin pa ko. Pagkasend ay um exit na ko sa fb.hindi ko na inintay na magreply sya. Inayos ko na yung mga gagamitin ko pati na din yung mga damit na paplantsahin. Hindi ko alam kung ilang oras ang ginugol ko bago ako nakatapos.Masyado na kasi akong ibinubuyo ng nararamdaman ko sa unknown guy na yun.Nakakawala ng sistema. Nakakawala ng wisyo.Basta malapit ako sa mga gamit ni Sir. Hindi kaya....... naiinlove na nga talaga ako kay Sir Illac.Bigla ako napahawak sa dibdib ko at pinakiramdaman ang t***k ng puso ko.Hindi naman talaga normal kanina pa.Lalo lang bumilis ang t***k nito ng maisip kong baka naiinlove na nga ako. Mabagal ang oras o pinapabagal ko lang talaga ang ginagawa ko..Wala naman problema kung matagal ako makatapos mas okay nga yun para hindi na ko chikahin ni Nikki.Matutulog na lang ako pagkatapos. Napapapikit na ko ng tumunog ang cellphone ko.Nag miscall si bes.Pambihira talaga gabi na e pwede naman bukas na lang ako magkwento. Atat na atat talaga Oi bes,patulog na ako nang istorbo ka lang.Bukas na kaya tayo magchikahan? Antok na talaga ako e.Text ko kay bes. Hoy,pagkatapos mo kong pag intayin yan ang sasabihin mo ngayon.Hindi pwede. Kung kaylangan pumunta ako dyan at maki sleep over para lang matuloy ang kwento mo gagawin ko para sabay na din tayo pumasok bukas diba. Ummm,good idea yan bes minsan nga gawin natin yon. Sige na nga pumwesto ka na ng maganda, magdala ka ng tubig para kung di mo kayahin ang kwento ko ay may maiinom ka agad.Alam ko naman na hindi ka papapigil. Wow bes nagbabagang chikahan ba ito?Okay ready na ko makinig at excited na din ako daliii. Dinial ko muna ang number ni bes.Nung sinagot na nya ay siinimulan ko na magkwento. So ayun na nga bes okay na kami ni Ace. Nagkaintindihan na kaming dalawa.Nasabi ko na ang dapat kong sabihin at nadinig na nya ang dapat nyang madinig,nalaman na nya ang dapat nyang malaman. E anong sagot ng mokong na yon? Kung sya daw ang masusunod ayaw nya talaga.Pero kung saan daw ako masaya suportahan nya daw ako.Mahal daw nya ako kaya nga tinanggap nya yung paliwanag ko. Maikling sagot ko Ganon lang, as in hindi sya nagalit sa yo o anuman? Hindi best kasi sabi nya hindi na nya ipipilit sarili nya saka kung magpapatuloy naman daw sya hindi pa din magbabago yung nararamdaman ko e.Kaya tinanggap na lang nya atleast in that way mas magaan sa feelings namin pareho diba. Saka pano masasaktan yun e may gusto syang iba.Siraulo na yon buti na lang nalaman ko din. At inamin nya din sa akin.Akala nya lang na ako talaga yung gusto nya. Naniwala ka naman na may gusto syang iba talaga, sinabi nya na lang yun kasi basted na sa yo.E,sino daw nagugustuhan nya? Bes true yon na may gusto syang iba.Napaamin ko na nga e.Secret muna di ko muna sasabihin sa yo saka ayoko syang pangunahan no.Sya na lang tanungin mo. Hahaha. Ay nako kahit hindi ko na lang malaman .Isa pa wala akong pake kahit sino pang gustuhin nya no. Sige .sabi mo e.ikaw din. Bahala ka. Mahuhuli ka sa balita. Pero bes maiba ako,bukod kasi sa chika ko tungkol sa amin ni Ace may mas interesting pa talaga akong sasabihin sa yo..Diba nasabi ko sa yo may nagugustuhan na akong iba. Oo at sino ba yun.?Medyo palaisipan din sa akin yan e naturingan magbestfriend tayo pero nag sisecret ka na sa akin. Ahm,bes kung sabihin ko ba sa yong....ang nagugustuhan ko e yung amo ni Nanay, maniniwala ka ba ? A-anooo,sino?Yung amo ng Nanay mo? Pano nangyari yun e diba hindi mo pa naman sya nakikita at nakikilala. OO nga bes pero bes alam ko na yung name nya at bes pangalan pa lang maiinlove ka na halatang pang rich best. Wait lang,wait lang ha.explain mo nga sa akin mabuti kasi hindi ko yata magets yung sinasabi mo. Naging slow bes ha.Kasimple simple ng sinabi ko kalinaw linaw hindi mo maintindihan.Ang sabi ko ang nagugustuhan ko e yung amo ni Nanay.Si Ir Illac.Kung paano best? Sa totoo lang hindi ko din alam. Tinanong ko na din yan sa sarili ko pero hindi pa ko sinasagot e.Kasi hindi ko din alam ang sagot.Pero ang alam ko lang nagsimula akong makaramdam ng kakaiba dahil sa mga gamit nya.Yung pakiramdam ba ng inlove ka.Yun ang nararadaman ko.Parang lumakas ang t***k ng puso ko,parang may mga kung ano sa tyan ko,parang bumibigat yung paghinga ko,parang may supply sya ng kuryente at nag tatransfer sa akin dahil sa mga damit nya.Weird best diba.Pero yun talaga yung nararamdaman ko e.At alam mo bang hindi ko yan naramdaman kay Ace .Kaya wag mo kong i judge dahil kahit ako sa sarili ko ay parang nahihirapan intindihin the fact na hindi ko pa sya nakikita pero malakas naman ang pakiramdam ko sobrang gwapo nya.Aside sa sinabi ni Nanay na napakabait nyang amo.Ngayon pa nga lang ganito na yung pakiramdam ko what more kung tunay ko na syang makita.Dapat bes kasama kita pag dumating yung time na makilala ko na sya kasi malay mo mahimatay ako para sasaluhin mo ko.Ay okay na pala bes kahit hindi kita kasama kasi kung mangyari naman yun I'm sure sasaluhin ako ni Sir Illac.Napatili pa ako dahil sa hindi maiwasang kilig na nararamdaman.Bes inlove na ko.Pero hindi ko pa naman sinasabi kina Nanay .Basta ang sabi ko lang may nagugustuhan na ko at bago ko na lang sabihin sa kanila. Best hello ano.anjan ka pa ba?huy bat hindi ka na kumibo jan. Bes alam mo hindi magsink in sa kin yang mga kalokohan mo e.Type AB bloodtype mo no?ABnormal ka kasi kaloka ka.Alam mo sa tagal na natin magbestfriend akala ko matino ka..Yun pala mas tanga ka pa sa kin.Alam mo hindi ako agree dyan sa sinasabi mo e. Malaking kalokohan yan e.O baka naman nantitrip ka lang,pwes,wag ako ha dahil baka hindi kita matantya mabatukan kita ng isa para magising ka pati.Dahil lang sa pangmayaman na pangalan maiinlove wow ha bilib na ko sa yo. Alam mo,kung ayaw mong maniwala e di bahala ka.Hindi kita pipilitin.Basta nagsasabi ako ng totoo sa yo.Dapat nga maging thankful ka pa kasi ikaw unang nakaalam. Hindi ko nga alam kung paano at kelan ko masasabi yon kina Nanay e. Wow.thankful saan best?Sa kalokohan mo?Ewan ko sa yo kung hanggang saan ka dadalhin ng kahibangan mo.Ikaw mismo yung creepy hindi yung feelings mo. Basta inlove ako kay Sir Illac.Sya sige na nga ayaw mo din naman maniwala e. Tomorrow na lang ulit.Goodnight bes see you tomorrow. Mabuti pa nga.Goodnight na din.Matulog ka na para okay na yang isip mo bukas.Sana paggising mo nasa katinuan ka na. Matino ako no hirit ko pa.Si bes na ang nag end ng tawag. Pagkatapos ng pag uusap namin ay nilagay ko na sa gilid ng kama ang phone ko at nahiga na.Pero anong oras na hindi pa din ako makatulog. Inisip ko pa din si Sir Illac.Inlove na nga ba ako sa yo Sir?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD