Pagkatapos namin kumain ay umalis na din kami sa cafeteria..Pupunta na lang kami sa tambayan namin at doon na lang sa bench kami mag i stay hanggang sa matapos yung oras ng vacant namin.Don kami sa favorite place namin pumwesto.Sa bench sa ilalim ng puno.Bago kami lumabas ng caf. ay bumili muna ulit kami ng pagkain. Inilapag ko sa may dulo ng bench yung mga binili namin na ako lang ang nagbayad dahil libre ko daw yun sa kanya.Ako naman ay umupo katabi ng mga pagkain at si best naman ay sa katabi ko naupo.Nilabas ko yung cellphone ko at ipagpapatuloy yung istoryang binabasa ko.Si bes naman ay yung libro nya ang inilabas para basahin.Busy kami sa mga binabasa namin nang magsalita si bes.
Ahm best matanong ko nga ulit.Ano kamo yung naramdaman mo o pakiramdam mo at nasabi mong inlove ka don kay Sir Illac?
Nagtataka. akong tumingin kay bes.
Inosente lang best?Maikling sagot ko.Alam ko naman na alam mo din yung ganong feeling.
Pero sige papatulan ko yan na kunwari wala ka talagang idea.
Bes ano ahm parang kinakabahan ako kahit sa usapan lang basta tungkol kay sir Illac. Tapos parang may gumagalaw sa tyan ko, Tapos parang may kuryente na dumadaloy sa katawan ko,take note bes ha damit pa lang yung hinawakan ko.Diba ganon yung mga nararamdaman kapag inlove ka sa isang tao.Bakit bes?Naramdaman mo na din ba? Nakita ko naman na nag iiba ang reaksyon nya na parang gulat na gulat sa tanong ko.
Ahh best kasi ano,kasi ....Ganyan na ganyan yung naramdaman ko.'
O naramdaman mo na pala bakit tinanong mo pa ulit.
Ahm wala naman confirmation lang.
Ahh okay,e kanino mo naman yan naramdaman..Kilala ko ba yan?Bakit wala ka din sinasabi sa akin?
Ee kasi .... Kasi bes nahihiya ako e.
Mukha ngang nahihiya ka nagkakandautal ka kasi e.And bakit ka naman mahihiya.Di ko naman yata kilala yun e..sige na sabihin mo na.Pamimilit ko.
Ahh... Ahmmm best... Wag....kang magagalit sa kin ha..Kapag sinabi ko sa yo.
At bakit naman ako magagalit?Dali na spill it.Excited ako malaman kung sino.
Ahm.. ahh ......kay .... A--ce.Kay Ace ko naramdaman bes.Bes sorry talaga.Di ko din naman sinasadya na sa kanya din titibok ang puso ko e.Tanda mo yung inabot nya sa akin yung baso at stick para sa fishball,doon ko naramdaman best kaya ako natulala noon.
Sa narinig ko ay ako naman ang natulala. Hindi ko alam kung ilang minuto ako nakatingin kay Nikki na nakabuka ang bibig at nanlaki ang mata dahil sa pagkagulat sa sinabi nya.
Seryoso bes?
Oo nga .kulit naman nito.
Aaayyyy best.I'm happy for you.At niyakap ko sya.Masaya ako para sa yo.Hindi mo lang alam kung gaano ako katuwa.Yiiee best sa wakas.
Hi-Hindi ka galit best?
At bakit naman ako magagalit.Masaya nga ako diba. Eto o masaya ako.Itinuro ko pa ang mukha ko na ang luwang ng pagkakangiti.
Best di ako magagalit kasi nga diba may Sir. Illac na ako.
Kaya sige lang ilabas mo lang yang feelings mo at ng magkalove life ka na din.
Masyado kaming naging focus sa topic kaya hindi namin namalayan ang pagdating ni Ace.Nagulat kami pareho at nagkatinginan ng makita si Ace sa harap namin.
Ehem....Hi ladies.Bakit andito kayo?Wala ba kayong klase?
Bati ni Ace sabay upo na sa tabi ko.
Hi Ace, Masayang bati ko din naman sa kanya. Wala kaming klase sa first subject namin e kaya eto sagana kami sa pagtambay.
I see.kumain na ba kayo tara sa caf.treat ko.
Naku hindi na Ace thank you na lang pero kakatapos lang namin kumain.Saka ayan o may mga binili pa kami.
Ahh..Okay.
Hi Nikki Myles.
Tiningnan lang sya ni bes ng mabilis at bumalik ulit ang mata sa pagbabasa. Nangingiti ako sa inaakto ni bes. Naiintindihan ko naman sya.Bahala sila dyan magkaalaman ng mga feelings nila.Tutal naman binigyan ko na din si Ace ng hint e.
Teka bakit andito ka din ,wala ka din klase?
Meron naman Alex kaya lang may ginagawa lang si Prof.kaya pinalabas nya muna kami para daw di kami magulo. balik kami after 1 hour kaya pwede dito na lang muna ako.Sina Enzo,Matt at Rai naman e nasa mga gf nila.
Oo naman Ace pwedeng pwede ka dito. Mas okay nga yun e para may kasama kami ni bes.diba bes.Pero kay Ace ako nakatingin at kumikindat kindat pa.Alam na namin ni Ace yun kung para saan yun.Hindi naman kami nakita ni bes kasi patuloy lang sya sa pagbabasa.
Syanga pala Ace kumusta naman yung girl na nireto ko sa yo? Ayos ba? Anong balita?Dumidiskarte ka na ba?
Bigla naman napatingin si bes sa akin.
Hindi pa e.
Nahihiya naman na sagot ni Ace at humawak pa sa batok habang nakatingin kay bes
Aba bilis bilisan mo baka maunahan ka pa ng iba mahirap na boto pa naman ako sa inyong dalawa.
Napansin ko naman na biglang nagsalubong ang kilay ni bes kahit na diretso lang sya sa ginagawa nya.
Ay naku kung ako sa yo wag mo ng ituloy panliligaw don sa sinasabi ni bes dahil sigurado naman ako na basted ka na agad.Alam mo kung bakit,ansama kasi ng ugali mo.Masyado kang mayabang.
Biglang sabat ni best.Na trigger na naman ang tiger side kasi kaharap na naman namin si Ace.And alam ko na din naman kung bakit kaya hayaan ko na lang sila isipin ko na lang na may LQ na naman sila.
Ow talaga e parang hindi naman ganon ang sinabi ni Alex sa akin.Sabi nya kasi sa akin gusto din ako nung inirereto nya.
Sa sinabi ni Ace ay bigla naman naging uncomfortable yung kilos ni bes.
Ah Ace,bes iwan ko muna kayo dyan comfort room lang ako saka bili rin ako maiinom nakalimutan ko pala bumili nauhaw ako bigla e.Kayo ano ba gusto nyo?
Kahit ano okay lang/sa kin sprite in can bes.Sagot ng dalawa.
Okay sige dyan lang kayo ha.
Paalam ko at naglakad na ako papalayo sa kanilang dalawa.
Habang naglalakad papalayo sa dalawa ay natatawa ako.Wala naman kasi talaga akong balak magpunta sa cr. at hindi din ako nauuhaw.It's just my tactics para magkaroon sila ng time para magkausap at sana lang ay maisip ni Ace na diskarte ko lang tong ginawa ko kaya sana wag syang babagal bagal.Dahil kung hindi ay baka makaltukan ko pa sya.
Binagalan ko ang paglalakad pati kilos ko para matagal ako makabalik doon sa pwesto namin.Since sinabi ko na gagamit ako ng comfort room kaya tinotoo ko na din. Nagsuklay, nagpolbo at nagretouch ng lipgloss yun lang ,dahil hindi pa naman talaga ako naiihi.Pagkatapos ay nagpunta na ako sa caf,pero hindi agad ako bumili.Umupo muna ako at nagbukas ng facebook.Tiningnan ko yung Friend Request ko.May nakita na kasi ako di ko lang pinagtuunan ng pansin agad dahil busy busyhan ako .Hindi ko pati sya kilala pero according sa kanyang bio ay same school lang kami,kaya in accept ko na din. Wala pang halos laman ang account nya.Mukhang kakagawa pa lang.Baka ngayon lang nausuhan ng FB.Napangiti na lang ako sa isipin na yon.
Pagkatapos ko iaccept yung nag friend request sa akin ay nag exit na din ako at saka bumili ng inumin naming tatlo.Pagkatapos ay bumalik na ko kung saan ko iniwan yung dalawang nagtataguan pa ng feelings.Baka kung ano ng nangyari sa dalawang yun.O baka kung ano ng nangyari kay Ace,baka nagulpi na mabuti ni bes.hahaha..
Malayo layo pa ko pero kita ko na yung dalawa at mukhang okay na sila kasi nagtatawanan na sila.Hindi nila sko napansin na nakalapit na sa kanila..
Ahem.Nagulat naman yung dalawa at biglang tumahimik .
Bes sobrang tagal mo naman?San ka ba nag cr at san ka ba bumili ng inumin ha?
Ah kasi bes medyo madami nag cr.tapos pagdating ko sa caf e andami ding nakapila kaya ayun napatagal ako.Sorry.
Saka hindi ka naman iniwan ni Ace e.Nakangiti kong sagot kay Nikki.At iniabot yung pinabili nya pati yung kay Ace.
Thank you dito Alex but I have to go na din malapit na matapos yung vacant ko.I just waited for you to comeback para may kasama na si Myles.
Myles .I'll go ahead.
Tipid na ngiti lang ang isinagot ni bes.
At dahil doon ay bigla akong nanibago sa naging reaksyon ni Nikki.
Okay Ace and maya maya naman e papasok na din kami.
Naglakad na si Ace paalis pero tinawag ko ulit sya at kunwaring nag thank you kasabay ng tingin na may ibig ipahiwatig.Nakuha naman nya yung gusto kong malaman at nag thumbs up lang sya sa akin at nag thumbs up na lang din ako.Nagkaintindihan na kami.
Kumusta naman kayo ni Ace while i'm out.Hindi mo naman sya binugbog o ano?
Wow.ganon na ba ang tingin mo sa akin best.Ganon ka s*****a?
Oo bes ganon pag agree ko sa sinabi nya.
At tinawanan ko na lang sya.
Ubusin na natin to at malapit na din tayo bumalik sa classroom.
Sana maging simula na ito para sa magandang samahan ni Ace at Nikki at sana sa dulo ay maging sila.