BEA POV "Ayan na lahat ng mga pagkain na gusto mong iluto ko. Sana naman ay magustuhan mo ang mga ito kasi pinaghirapan kong lutuin lahat hehe!" May bakas ng yabang sa mga mata ng asawa ko pero tingnan ko nga kung talaga namang worth it ba talaga ang mga niluto niya. Una kong tinikman ay tung adobo. Napa wow ako sa lasa nito at sakto ang tamis asim. Sobrang sarap lang at swak na swak sa aking panlasa. Ganito rin ang naging reaksyon ko sa iba pa niyang niluto. Sobrang sasarap lamang ng mga ito. Tiningnan ko siya at napangiti ako, "In fairness naman sayo ha? Sobrang sarap lang nitong mga niluto mo sa akin." "Sabi ko naman sayo eh. Masarap naman talaga akong magluto. Pero next time, sana masubukan ko naman yung mga food dito sa Italy." "Hindi mo na iyan kailangan gawin pa. I would rathe

