EUGENE POV Nagising na lamang ako sa sinag ng araw na tumagos sa aming bintana. Today is another day, lumingon naman ako sa tabi ko pero nagulat na lamang ako dahil wala na si Mitch sa tabi ko. Mabilis akong napabangon sa aming malambot na kama at pagbukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin ang amoy ng pritong manok. Nagtungo naman ako sa kusina kung saan ko nakita si Mitch na nagluluto. Napangiti na lamang ako sa nang makita ko itong nagluluto ng tahimik. Sobrang nagko concentrate siya sa kanyang ginagawa. Marahil ay ganito rin silang dalawa noon ni Alfred habang wala pa siyang kaalam alam sa pinag gagagawa ng kanyang dating manlolokong asawa. Ayaw ko sana itong istorbohin pero bago pa man ako pumasok ulit sa aming kwarto ay bigla na lamang siyang lumingon at ngumiti sa akin. "Good

