BEA POV
Pagkatapos ng kasalan ay umuwi na ako sa aking condo unit dito sa Mandaluyong. Hindi ko man gusto na maikasal ang lalaking pinakamamahal ko sa peke kong kaibigan, kailangan pa rin namin itong gawin dahil sa malaking pera ang ipapamana ng mga magulang ni Mitch sa kanya.
And that is the main reason why I agreed na magpakasal silang dalawa ng boyfriend ko for 10 years. We wanted to get marry but our combined savings are not enough to build a whole family. We wanted to have many kids as much as possible. But in order to raise them, kailangan namin ng maraming pera.
At hihintayin ko na huthutan niya ng huthutan si Mitch at ilagay ito sa joint account namin. Gusto ko na walang matira sa babaeng ahas na ito. Na dapat bago siya hiwalayan ni Alfred, kailangan na maging zero ang balance niya sa bank account at makuha din namin ang mansyon na pamana sa kanya ng mama at papa niya.
Subalit sa ngayon, ang kailangan ko lang gawin ay ang mag tiyaga. Kahit na masakit din para sa akin na ipahiram ang fiance ko, alang alang sa pera ay handa akong magtiis.
Sa mundo ngayon, para sa akin ay hindi na ako pwedeng maging mabait. Kailangan ay maging isang tuso at at mapanglamang sa aking kapwa. Na gagamitin ko lamang sila at iwan kapag ako ay nakaangat na. Tutal marami namang mga tao ang ganito, dapat lang na makisabay ako sa agos ng buhay.
At mabuti na lang din ay isang dakilang tanga tanga itong si Mitch dahil sa loob ng three years ay hindi man lang niya nalaman na mayroong namamagitan sa aming dalawa ng tinuturing niyang asawa. Na isa lamang siyang kabit na walang kamuwang muwang. Tingnan lang natin kung ano ang magiging kahihinatnan ng pagiging dakilang uto uto niya kapag dumating na ang tamang panahon upang angkinin ko kung ano ang sa akin?
Habang nasa kwarto ako at titig na titig sa photo album namin ni Alfred, bigla namang pumasok si Mama Helen sa loob. Bukod sa aming dalawa ni Alfred, siya lamang ang nakakaalam ng relasyon namin at ang iba pa naming mga kamag anak na nasa province.
Mayroon siyang dalang kape at inilapag niya ito sa lamesa.
"Anak, alam kong pagod ka, take your coffee."
Tumingin ako sa kanya. "Ma, wala po ako sa mood magkape ngayon. Ang gusto ko lang po ay ipahinga ang pagod kong katawan. Halos buong araw akong naka tayo kaya pahinga ang hanap ng katawan ko, hindi kape," I said with serious face.
"I don't know what you are doing with your life. Bakit naman kasi kinakailangan mo pang ipamigay ang asawa mo sa ibang babae? Kakaiba ka talaga mag isip, dapat ay maging marangal ang trabaho mo."
"Ma could you please shut up your mouth?" pagsusungit ko pa. Wala talaga akong respeto sa nanay ko na ito dahil sa buong buhay ko ay puro lamang pag kontra sa akin ang ginagawa niya. Kahit nga noong unang taon namin ni Alfred ay tutol din siya kasi si Alfred ang breadwinner ng kanilang pamilya. At ayaw niya na makihati pa ako sa kakarampot raw na kinikita nito.
Pero ang sa akin naman, lahat ng tao ay nakakaranas ng kahirapan. Kaya nga ginagawa ko rin itong pangloloko kay Mitch dahil ito lamang ang tanging paraan para guminhawa ang buhay ko."
"Anak naman? Nag aalala lang naman ako para sa inyo eh. Mayaman ang pamilya ni Mitch. Paano kung nalaman nila ang tungkol rito? I am just worried if she puts you in jail. Teacher lang ako at ikaw ay sa office nagwo work. Sumasapat lang sa atin ang perang kinikita natin."
"Ma? How many times do I need to tell you not to worry about this s**t huh? You have been telling me that three f*****g years ago. However, look? Sa galing naming magtagong dalawa ni Alfred ng relasyon namin, we have never been caught even once. So please, just leave me alone kasi ang gusto ko kung ano ang masusunod since buhay ko ito at malaki na ako."
Napasimangot siya sa sinabi ko pero wala akong pakialam kung nasaktan ko siya. After all, I hated her because she cheated on my father kaya iniwan kaming dalawa at hindi na ito muling nagpakita pa matapos niyang mag abroad. Kaya nawalan na rin ako ng respeto sa nanay ko after what happened. Daddy's girl pa naman ako and I admit, I missed him so much. My life is not complete without him,
"Kailangan ka kaya magkakaroon ng respeto sa akin? Matanda na ako anak, and trust me, wala akong ibang inisip kung di ang mapabuti ang lagay mo. You know what, sana naman ay irespeto mo ako!"
Tinaasan ko lang siya ng kilay, "I will never do that after you ruined this family. Kung di dahil sayo, eh di sana nandito pa rin ang tatay ko ngayon. Sana nga ikaw na lang ang nag abroad eh. Kasi si papa lang naman ang nakaka intindi sa sitwasyon ko."
"Mas kilala ko ang tatay mo anak. Mas doble ang pagmamalasakit niya sayo kesa sa akin. And I am certain na hinding hindi niya ito tolerate ang ginagawa mong pang gigipit ngayon sa kaibigan mo. Lalo na't mahal na mahal ka niya."
I breathed heavily and I frowned, "Just leave me alone and bring the coffee with you. Gusto ko lang mapag isa sa mga sandaling ito so please I don't want to fight with you."
Right after I am finished talking, she went outside with the coffee on her hand. Buti nga at lumabas na siya because I am really annoyed by her. She should be thanking me dahil nakapag pundar ako ng sarili kong condo unit.
While in the midst of my bad mood, I suddenly received a call from Alfred. Instantly, halos mawala ang lungkot na nararamdaman ko sa ngayon. Ang sarap sa pakiramdam na kausap ko na ang lalaking pinaka mamahal ko. It only means na nakatulog na ang ahas kong kaibigan kaya malaya na kaming nakakapag usap.