CHAPTER 6

1012 Words
MITCH POV "Hmmmmp!" napaisip naman siyang bigla. Pero ako ay willing to wait na man. Kahit ano pang klaseng party ang isuggest niya ay ayos na ayos lang sa akin. "How about yacht party para naman mas sosyal?" she answered after a few minutes, "I think it would be a great idea if we are going to have that kind of party since tatlo lang naman tayo." "Yacht party? Pero parang ang hussle naman nun!" sagot ko. "Ewan ko sayo teh! Magpapa suggest ka tapos bigla mo na lang babalewalain ang sinabi ko." "Parang ang hassle naman kasi ng ganun. And I think na parang pang mga rich kid lang ang ganoong klase ng celebration?" "Oh eh ano naman? Di ba rich kid ka? At tsaka sure naman akong papayagan ka ni Alfred na kasama ako. I deal mo na ito para naman maging mas matatag ang friendship nating dalawa." "Sige, tatanungin ko si Alfred tungkol dito ha?" "Malamang papayag naman siya kaagad eh! Sasabihan ko rin siya para wala tayong problema. Ang mahalaga naman dito ay ang matuloy yung party nating tatlo. Nakaka stress pa naman mag work, ito lang yung stress reliever nating dalawa." Isang mahabang buntong hininga naman ang pinakawalan ko. Subalit inubos ko muna ang wine na nasa kamay ko at pagkatapos ay tsaka naman ako nagsalita. "Ayun nga eh. Speaking of job, mayroon pa kasi akong isang problema kay Alfred." "Ano naman iyon?" "He wanted me to resign. Ang sabi niya sa akin, he wants me to be a full time wife. Eh siyempre hindi ako pumayag kasi nakakabagot kaya mag isa sa bahay. Ang hirap hirap kasi sanay ako na nakikipagsalamuha sa iba. He added, siya raw ang lalaki sa bahay at siya na raw ang masusunod kaya gusto niya na mag full time wife ako. I said he should at least give me one entire week to decide about this matter." "Well, I don't know what to say about it. Kasi feeling ko ay nasa pag uusap naman ninyo iyang dalawa. And I think may point din naman ang sinabi niya. Siguro mas applicable lang yung sinasabi nila na kailangan magtrabaho parehas ang mag partner kapag mayroong financial problem. But I really think sa relationship ninyong dalawa, mas maigi siguro kung kahit siya na lang ang magwo work. Kasi nga ikaw naman si Disney Princess at maganda ang takbo ng buhay mo. Ewan ko ba kung bakit kinakailangan mo pang magtrabaho ng 8 hours a day eh kung tutuusin kayang kaya mo na naman mabuhay ng hayahay." "It's because I wanted to stood up on my feet. Mahirap na iaasa ko ang buhay ko sa ibang tao. I am full of pride pero mas gusto ko yung ganito." "Ewan ko sayo! Sa totoo nga lang, nakaka inggit kaya ang sitwasyon mo ngayon? Ang ganda ganda ng buhay mo at kayang kaya mo gawin ang lahat kasi mayroon kang financial freedom. Tingnan mo naman ako? I am still stuck sa ganitong klase ng buhay. Ika nga nila, everyday is a survival mode kaya ang hirap ng ganito. Kung in case lang na ako ang nasa sitwasyon mo, I won't allow that kind of thing. Sa panahon kasi ngayon, hindi na talaga uso yung lalaki lang ang nagtatrabaho. Kailangan pati ang misis ay mayroon ding work para in caise, maging mataas ang income ninyong dalawa." "Yun nga eh! Hindi lang naman din iyan ang anggulong tinitingnan ko. Siguro sabihin na natin na yung ayaw kong mawala sa akin ang social life. That is the main reason kung bakit ayaw ko rin umalis sa kompanya. I don't want to resign." "Hays! Hayaan mo na yan, mas maigi pa siguro na timbangin mo munang maigi ang magiging consequences ng gagawin mong action. As long as nag agreed kayo, wala nang dapat na problema." ---------------------------- ---------------------------- ALFRED POV I am in my bar right now. Marami kaming mga naging customers para ngayong araw. Masaya ang mga tao sa loob at wala akong nakikitang kahit na sinong mag isang umiinom. Unlike nitong mga nakaraang araw na madalas may mga mag isang customers akong nakikita na umiiyak habang nagwawalwal sila. Bilang isang manager, gusto ko lang din maging friendly ako sa lahat ng mga customers kaya naman ayaw ko rin na may left out kahit na isa sa kanila. Halos narinig ko na nga yata ang iba't ibang klase ng kwento ng mga customers ko. Yung pagiging broken nila na iniwan ng mga jowa, ng kaibaigan, ng pamilya. At kung ano ano pang mga malulungkot na kwento. Pero siguro ang pinaka masakit sa lahat ng kwento para sa akin ay ang kwento naming dalawa ni Bea. Hanggang ngayon kasi sobrang walang kwenta pa rin ang tingin ko sa aking sarili. I am not financially ready para pakasalan siya at ngayon ay ipinako ko pa ang sarili ko sa isang babae na hindi ko naman mahal. Sa loob ng tatlong taon na pagsasama naming dalawa nitong si Mitch, kahit na ilang beses ay hindi ko talaga siya kayang mahalin. Ang hirap lang ng ganito kasi kahit papaano ay nako konsensya lang ako. Mali ang ginawa naming sumpaan dahil masyadong one sided ang love story naming dalawa. Pero dahil sa mahal na mahal ko si Bea, lahat ay gagawin ko para lamang mapasaya ko siya. Basta sa ngayon, ang gusto niyang mangyari ang susundin ko. Kailangan na simutin ko ang laaht ng pera ni Mitch hanggang sa wala nang matira sa kanya kahit na singkong duling. Ito lamang ang tanging paraan upang magkasama kaming dalawa ng babaeng sobrang mahal na mahal ko. Sa ngayon, tiis tiis muna ako sa pakikisama kay Mitch. Kahit papaano naman ay bulag na bulag siya sa pagmamahal niya sa akin. At sa tingin ko naman ay never niya akong paghihinalaan na mayroong ibang babae. Kasi isa siyang malaking tanga at hangga't hindi niya kami nahuhuli ni Bea, tuloy na tuloy ang ligaya naming dalawa. Habang naninigarilyo naman ako, isang lalaki ang pumasok sa loob ng aking bar. Sa tindig niya pa lang, alam kong isang mayaman na customer ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD