MITCH POV
"Naks? Napaka sipag naman talaga ng kaibigan ko? Kakatapos lang ng kasal tapos work mode agad?"
Lumingon ako sa likuran at nakita ko si Bea na papalapit. Nagulat naman ako ng makita ko ang kanyang bangs.
"Wow! Ang ganda ng gupit mo, para kang naging kontrabida sa isang teleserye," sabi ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin, "Ganun talaga kapag nagbagong buhay. Diba ako pa ang ang nakasalo ng flowers mo? So baka ako na nga ang susunod na ikasa niyan!"
"I am hoping for that to happen. Malay mo bago magtapos ang taon na ito ngayon makahanap ka na ng forever mo."
She just knitted her forehead, "Parang ang labo mangyari ng bagay na yan kasi parang bihira na yung mga lalaking kagaya ni Alfred."
Naupo kaming dalawa matapos nila akong bigyan ng cake at ilang mga regalo. Ayos lang naman mag usap kami ng masinsinan habang nagtatrabaho kaming dalawa.
"Uy punta ka pala mamaya sa bahay ha?" pag aaya ko sa kanya. "Kasi half day lang naman ako ngayon. Nakaka bagot kasi kapag ako lang mag isa."
"Ha? Teka lang? Baka kasi hindi na pumayag si sir kapag dalawa pa tayong naka leave," pagtanggi niya.
"Ano ka ba? Ako naman ang bahala sa ating dalawa eh. Malakas naman ako sa boss natin kaya walang problema ang bagay na yan."
"Eh paano yun? Sayang naman ang araw ko? 400 din yun eh!"
"Ako na ang bahala jan. Magsho shopping na lang tayong dalawa tapos mago order tayo ng maraming mga pagkain sa bahay. So may deal na tayo ha?" sambit ko.
Ngumiti lang siya akin. Pag sapit naman ng 2 pm, sumakay na kami ng taxi at nagshopping sa mall. Tapos ay dumeretso na kami sa condo namin ng asawa ko. Ang sarap lang din sa pakiramdam na mag iinuman kaming dalawa ni Bea ngayon habang nasa balcony kami na purong sariwa ang hangin.
"Grabe noh? Ang swerte swerte mo talaga sa buhay? Kasi ang yaman yaman mo na tapos may asawa ka na!"
"Yun nga eh? Parang feeling ko talaga mayroon kaming problemang dalawa ni Alfred," malungkot na sabi ko.
"Feeling mo lang naman yun eh! Ano ba kasi yung parang tamang hinala na sinasabi mo?"
"Eh kasi... parang nagsisinungaling siya sa akin. Tapos ito pa ang nakakagulat kasi hindi ko lang din talaga ine expect na naninigarilyo pa rin siya kagabi. Ang usapan kasi namin ay ititigil na niya yun."
"Nako? Baka naman stress lang yung tao. Alam ko, mahirap din kasi talagang alisin ang bisyo sa katawan ng tao."
"Pero kahit na! Three years ago pa kaming dalawa nag usap ni Alfred dito. Siguro naman ang haba na ng panahon na ibinigay ko sa kanya di ba?"
"So why are you not saying this to him?" she asked. "Because I think you should confront him and tell about this kesa naman sa bumalik siya sa dati niyang bisyo? Nako po, sa lahat pa naman ng bisyo, ang paninigarilyo ang pinaka delikado sa lahat. Nagkahika na kaya siya dati!"
Totoo naman ang sinabi niya sa akin. Masama naman talaga ang paninigarilyo, kaya lamang ay nagtataka ako kung bakit naging ganito kaagad ang kanyang pananalita.
"How do you know about something like that?" pagtataka ko.
"Ha? Ehhh..." bigla siyang napahigop sa kanyang wine, "Ano ka ba? Di ba mas matagal pa kaming magkakilala kesa sa inyo? Remember, ako ang naging tulay upang magkaraoon kayong dalawa ng relasyon."
"Ahhh!" I was so relieved, muntikan na kasi akong maghinala sa kanya. I was just stupid na pinag isipan ko ng masama ang matalik kong kaibigan.
"Don't worry, never ko naman aahasin sayo si Alfred. Hindi ko siya type na lalaki, iba ang preference ko 'teh!" sambit niya.
"Sabi ko kasi sayo, iksihan mo yang mga suot mong damit para naman marami kang madagit na lalaki."
"Ano ako pokpok? Kailangan ko bang ipakita ang katawan ko sa lalaki para lamang magustuhan nila ako? Never ko iyong gagawin no! Darating din naman iyan sa buhay ko. But sa ngayon, ine enjoy ko lang muna ang buhay single. Mahirap pa ako teh, hindi naman ako pinanganak bilang si Disney Princess. Mga utang ang ipinamana sa akin ng mga magulang ko. Tapos meron din akong walang katapusan na bills na binabayaran sa kinsenas at every thirty. Kaya pass muna ako sa ganyang mga bagay. Bata pa naman ako kung tutuusin eh."
"Ikaw nako talaga? Ako na ang nagsasabi sayo, tatanda kang dalawa niyan!"
"Hindi yan no! Pustahan pa tayo eh? Sa ngayon ang priority ko lang naman ay trabaho para sa pamilya ko. Nothing more and nothing less."
I can see the sincerity in her eyes. And this is the main reason why I really like her as my friend. Bukod sa totoo siyang kaibigan, alam ko naman na sobrang family oriented niya.
"Ay wait," sambit ko, bigla akong pumasok sa loob ng kwarto ko at kumuha ng 10 thousand sa wallet ko. Tsaka ako muling lumabas at iniabot ito sa kanya.
Napuno naman ng pagtataka ang kanyang mukha, "Wait lang te? Ano ito?"
I smiled at her, "I forgot na birthday nga pala ng mama mo last week? I forgot to bring her presents kaya naman iyan na ang regalo ko for her. I know it was so hard for you to celebrate it na walang masyadong handa but that is totally fine."
Kaagad naman niyang nilagay sa kanyang bulsa ang perang iniabot ko sa kanya, "Nako? Maraming salamat talaga sayo ha? Saktong sakto, ngayon lang kami makakabili ng cake kasi nganga kami noong nakaraang araw. Alam mo naman ako, mahirap na babae lamang at puro sa bills napupunta ang pera ko."
Nginitian ko lang siya ulit. Bilang ako ang mas nakaka angat sa aming dalawa, masaya ako na nakakatulong ako sa mga pangangailangan ng kaibigan ko. Since she is a loyal friend of mine, this is how I show how I like her being a true friend.
"You are very much welcome!" I said, "Anyway, I am considering throwing another party kasi trip ko lang... yung kahit na tatlo lamang tayo ni Alfred. Siguro ang saya saya nun? So, open na open ako sa mga suggestions mo."