CHAPTER 4

1008 Words
MITCH POV "Good morning hon," ang sabi ng malambing kong asawa. "Ang sipag sipag mo naman!" "Syempre parehas lang naman tayong may trabaho. Wala naman tayong maaasahang iba pagdating sa gawaing bahay. Kaya kailangan kong gumising ng maaga para makapag handa ng makakain natin." Kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin at siya na mismo ang nagtimpla ng kape sa sarili niya. Tapos bigla na lamang siyang umupo at nag phone. Bigla ko tuloy naalala ang nangyari kagabi. Ang pakikipag usap niya sa phone hanggang sa manigarilyo siya. Nang maluto na ang mga pagkain ay magkaharap kaming nagsalo. At habang nakain kami, bigla na lamang niyang binasag ang kanyang katahimikan. "Hon-" Lumingon ako kaagad sa kanya, "Ano iyon?" tanong ko. "Siya nga pala, since kasal na naman tayong dalawa. Mas mabuti pa siguro kung ako na lang ang magtatrabaho para sa ating dalawa." Nalunok ko yung kanin sa bibig ko sa sinabi niyang ito, "Ano?" I said in shock. "Look, I know that it really surprised you but I just can't let you work. Ako ang lalaki sa bahay na ito at hayaan mo na ako ang magtrabaho para sa ating dalawa." "Teka lang? Nalalabuan kasi ako sa mga sinasabi mo eh. I thought we already talked about this before? Kasi if I recall correctly, papayag lang ako sa sinasabi mo kapag mayroon na tayong anak. And now, all of a sudden you are going to change your mind? What has gotten into you?" Hindi naman ako galit, sadyang nagpapaliwanag lang din ako dahil nakakagulat lamang ang sinabi niya sa akin. We have plenty of discussion regarding this matter at these past few months, we were debating about this. But it was our mutual decision that I will be quitting my job if and only I am pregnant pero sa dami ng ginagawa sa office. It would probably take a few months bago ito mangyari. And besides, my Dad is not going to like that idea. "Hon? Sorry pero ayaw ko lang talagang magtrabaho ka. I mean what I just said, gusto ko na ako na lang ang magtatrabaho para sa ating dalawa." "Hindi hon!" sagot ko, "Sorry din kasi ayaw ko pang mag resign." "Why? I cannot understand where you are coming from. Considering na mayaman ang mga parents mo, mayroon kayong mga properties at mga investments. Tapos nag iisang anak ka pa at tagapagmana ng mansyon. Still, you are working your ass off like you needed money kahit na buhay prinsesa ka na dapat." "Ano ba?" taas kilay kong sabi, pero kinakalmahan ko lang din ang sarili ko, "Please, mahal ko ang trabaho ko at kagaya ng paulit ulit kong sinasabi sayo ay ayaw kong mag resign. Ayawo kong umasa sa mana galing sa parents ko. Kaya nga hangga't maaari ay ako ang gumagastos sa sarili ko. Trust me, darating din yung panahon na igi give up ko ang lahat ng meron ako ngayon. Basta wag mo lang sana akong i pressure." Sumama ang tingin niya sa akin. Parang nagtatampo ito sa sinabi ko sa kanya. Ayaw ko talagang mag away kaming dalawa kaya naman kailangan ko ng mas mahabang pasensya. "Hon, ano ba? Di ba ang sabi nila, kapag naikasal na raw, kailangan lalaki ang magdadala sa bahay? Ngayon, kasal na tayong dalawa kaya dapat ako na ang masunod sa pamamahay na ito." I breathed heavily, mukhang wala siyang planong mag bago ng isip ngayon, "Sige bigyan mo ako ng one week para makapag decide. Siguro naman kailangan ko ring pag isipan ang biglaang desisyon na ito di ba?" "Sige pero sana ay wag mo nang patagalin kapag nagbago na talaga ang desisyon mo. And sana maconsider mo rin ang sinasabi ko sayo kasi hindi ko talaga gusto na magtrabaho ka pa." "Siya nga pala, gusto kong papuntahin dito mamaya si Bea kung ayos lang sayo? Half day lang naman kasi ako sa office," pagpapaalam ko sa kanya. "Pwede naman. Mas maganda nga yung may kasama ka rito sa loob ng bahay para hindi ka mababagot. Basta bukod sa kanya, puro mga kaibigang babae mo lang ang pwede mong dalhin dito ha? Ayaw ko na mayroong kahit na isang lalaki na pupunta rito kahit gaano mo pa ka close." Kinasal na kami subalit hindi pa rin talaga siya nagbabago. Seloso pa rin siyang lalaki. Ako nga, ayos na ayos lang sa akin na makikipag usap siya sa ibang mga babae kasi parang ang hirap naman kung magiging mahigpit ako sa kanya. May tiwala naman ako sa kanya kasi never naman siyang nagloloko sa akin. "Wala naman akong kaibigang lalaki di ba?" sagot ko, "Si Bea lang naman ang gusto kong makausap ngayon kasi siya lang naman ang pinaka close ko sa lahat ng mga bridesmaid." "Sige. Anyway, I would like to buy a new phone. If that is okay with you? Kasi sira na itong cellphone ko, nahihirapan na akong pindutin ang keypad kaya papalitan ko na." "Wala namang problema sa akin." "Kaya lang babe, wala pa kasi akong sahod eh. Gusto ko sana ng bagong labas ng Iphone." "Magkano ba iyon?" "60 thousand lang hon. Ako na ang bahala sa kulang." Although the phone was very expensive, asawa ko naman si Alfred so I do not see anything wrong with him. Since ako naman ang mas nakaka luwag sa aming dalawa, hindi ako nag dalawang isip na magbigay sa kanya ng pera. Tumayo naman ako, "Saglit lang kukuhain ko lang ang atm ko," pagpapaalam ko sa kanya. Napangiti naman siya, "Salamat hon! Pramis, babawi talaga ako sayo!" Kinuha ko ang atm ko at binigay ko ito sa kanya, "Ang alam ko 100 thousand pa ang laman ng atm ko kaya gamitin mo lang sa kung anong gusto mong gawin." Isang halik ang binigay niya sa aking labi. Masayang masaya rin ako na kahit papaano ay naging okay ulit kaming dalawa. Sabay naman kaming naligo at tsaka umalis. Hinatid niya ako sa trabaho ko. Pag pasok na pag pasok ko naman sa office, nagulat na lang ako dahil maypa surprise party pala sila sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD