ALFRED POV Sobrang sarap ng pakiramdam na magkadate kaming dalawa ng totoong mahal ko. Ang mga ngiti ni Bea ang dahilan kung bakit nawawala ang stress ko sa aking buhay. Makita ko lamang siyang ngumiti ay sumisigla akong bigla. Halos hindi ko na nga namamalayan ang oras sa mga sandaling ito. Bawat minuto na kasama ko siya ay mahalaga para sa akin. Lumalim pa ng lumalim ang usapan naming dalawa pagkatapos naming kumain. "Siya nga pala Alfred, alam mo bang sobrang natatawa ako sa naging usapan ng ahas kong kaibigan kanina?" "What about it?" I said while looking directly on her eyes. Hindi nakakasawa ang ganda ng babe ko! "Well, she got a call coming from our gay supervisor. Ang sabi niya kaya daw hindi siya nakapasok ay dahil sa may masakit sa kanya. Eh hindi niya alam na tinext mo na

