MITCH POV Sobrang saya ko lamang na nakausap kong muli ang asawa ko. Weird man pero kahit ilang oras pa lamang kaming hindi nagkita ay nami miss ko rin siya kahit papaano. "Oo pauwi na ako," sagot niya, para bang pagod nga ang boses ng asawa ko. "Don't worry hon, I already learned my lesson and I promise you na hindi na ako ulit uuwing lasing." "Alam ko naman ang tungkol sa bagay na yan baby-" "Sorry, I have to hang up the call. As I said, nag mamaneho ako hon." "Sorry, sige lang, ingat ka sa biyahe mo," sambit ko sa kanya. Pinatayan niya ako kaagad ng tawag. I found it so strange na ganito siya ngayon. Stress lang siguro sa trabaho? Anyway, nakahanda na naman ang sorpresa ko sa kanya na nilagay ko sa sobre. Natitiyak ko na magiging maganda ang mood niya mamaya pag uwi. Bukod rito

