FINAL NOTE PLUS SPECIAL UPDATE KELLY’S POV Hindi natin hawak ang takbo ng ating buhay. Pweding ngayon masaya tayo, pweding bukas ay malungkot tayo. Maraming nagtatanong sakin, ano ba ang sekreto naming mag-asawa bakit kahit lumipas na ang taon ay kami parin ang magkasama? May sekreto nga ba para sa isang successful marriage? Napaisip ako, ano nga ba ang sekreto namin? Sa lahat ng makakabasa nito ay heto: Una, lagi naming sinasaisip kung paano kami nagsimula. Paano nga ba? Sa arrange marriage di ba? Baka tumaas ang mga kilay nyo at sabihing paano magiging sangkap sa matagal na pagsasama yun? Simple lang, dito kami natuto sa lahat ng bagay. Naging magkaaway kami, naging magkakampi, na-develop, at nagsakripisyo. Dahil kung simpleng awayan lang noon ay bumitaw kami, wala na siguro kami ngay

