SPECIAL UPDATE (JARED’S CHRISTENING) KELLY’S POV Abala ang lahat dahil ngayon bibinyagan ang aming baby at syempre pa-isang taon na din nya. Yes, pinagsabay na naming para makatipid kami. Hindi kami yung magulang na ibobongga pa dahil wala pa naman muang ang bata sa mga ganung bagay. Nagsimulang magdatingan ang mga bisita naming. Mostly naman mga kamag-anak at kaibigan namin, at mga katrabaho ni Paulo sa University. Umuwi din from China sina Johan at Mia kasama si Anya. Malapit nang mag dalawang taon si Anya. At naibalita nga din sakin ni Mia na dito na sila for good, inaayos na lang nila ang papers ng bata dahil ito nga ay doon ipinanganak sa China. Nagpunta na kami sa simbahan. Ang iba naming bisita ay naiwan sa bahay dahil doon naman gaganapin ang birthday party ni Jared. Tuwang tu

