CHAPTER 3; RANKING

2818 Words
ELEMENTIA'S POV "Itutok ang inyong mga kamay o ano pa iyang paraan ng pagpapalabas niyo ng inyong kapangyarihan sa bagay na inyong papatamaan. Ibigay ang inyong buong pansin at konsentrasyon sa bagay na iyon. Huwag niyong hayaang guluhin kayo ng kahit na sino man sa paligid dahil iyon ang posibleng maging dahilan ng pagwawala ng kapangyarihan niyo. Maliwanag?" "Maliwanag pa sa buwan, binibining Elementia" sigaw nilang lahat. Nasa parang kaming lahat na Xientor at ako ang magtuturo sa kanilang lahat ngayon kung paano nila kontrolin ang kanilang kapangyarihan at paano ito gamitin sa pagatake. A/N: ang salitang parang ay field sa Ingles "Simula na!" Sigaw ko. Nagtataka naman silang lahat na nakatingin sa akin kahit ang ilang manonood. Nasa sentro kasi kami ng parang kaya may ilang nakikiusosyo sa amin. Agad silang naging alerto at nagkandaugaga sa paghahanda ng bigla akong magpalabas ng isang Minotaur hanggang sa dumami. Higit bente ang mga ipinalabas kong Minotaur. Ako ay lumipad sa itaas para panoorin sila at iskoran para sa magiging ranggo nila. Ako ay estudyante rin naman ng Xientor pero si Guro Agil ang magbibigay ng pagsubok sa akin, pero kapag silang siyam maaaring ako ang magparanggo sa kanila kapag wala si Guro Agil dahil ako ang tagapamuno ng Xientor. May tatlong Minotaur ang lumapit kay Leydi na agad niyang ikinataranta ng bahagya. Pero agad din naman siyang gumawa ng bow and arrow at agad itong itinama sa Minotaur. Napatay niya ang dalawang Minotaur at may isa na lamang natitira ng titirahin niya na sana uli Ito may apat na lumabas muling Minotaur sa pwesto niya at inatake siya. Nasugatan ang balikat niya pero mababaw lang naman iyon. Ipinikit niya ang mga mata niya at nagkonstreyt. Binitawan niya ang pana niya at ipinalutang ito ng hindi hinahawakan at saka nakapikit na tinira ang mga Minotaur. Sabay sabay na lumabas ang limang palaso sa pana niya na agad na bumulusok sa dibdib ng mga Minotaur. Ng magmulat siya ng kaniyang mga mata ay patay na ang limang Minotaur. Tumingin siya sa akin at tumango naman ako dito at pinalutang ko rin siya dahil natapos na siya. Inilagay ko ang numerong siyam sa pisarang nasa itaas na makikita ng lahat ng manonood. Iyon ang iskor niya. *SPLASHHH* *SPLASHHH* *SPLASHHH* Sunod sunod na tunog ng tubig. Binabato ni Ronan ng mga water ball ang apat na Minotaur na nakapalibot sa kanya at tinitira siya. Sabay sabay niyang tinira ang apat na Minotaur ng water ball. Napatumba niya ang tatlo pero hindi niya napansin ang isa sa likod niya na nadaplisan lamang ng water ball niya. Tinira siya ng Minotaur at natumba siya sa lupa. Nakasubsob siya ng titirahin siyang muli ng Minotaur pero nakailag siya. Ang isang napatumba niya kanina ay biglang tumayo at titirahin siyang muli ng makatayo siya at gumawa siya ng water leash at isinakal niya ang dalawang natitirang Minotaur na kalaban niya. Ipinulupot niya sa leeg ng Minotaur ang taling gawa sa tubig at saka iyon hinigpitan ng hinigpitan hanggang sa mawalan Ito ng hininga at para dumugo ang palibot ng leeg ng dalawang Minotaur. Ng matapos niya ang mga Minotaur na kalaban niya ay agad ko siyang ipinalutang sa hangin. Dalawa na sila ni Leydi na nasa gilid ko at nanonood. Ibinigay ko naman sa kanilang dalawa ang tubig. Ng inumin nila ito ay agad na napawi ang sakit at nawala ang sugat nilang dalawa. Pang-siyam ang iskor ni Ronan. "Arghhhhhhh!! Lintog kang halimaw ka. Makakatikim ka talaga sa akin!" Malakas na sigaw ni Zabi. Itinulak siya ng Minotaur at napagulong siya dahil sa lakas ng tulak nito. Pagtayo niya ay nakahawak siya sa kanyang kaliwang kamay na mukang napilayan. "GIGILIN MO AKO! PESTE KA!! ITO, TIKMAN MO ANG LAKAS NG KAPANGYARIHAN KOOO!!!!" Malakas na sigaw niya saka niya mabilis na tinira ang Minotaur ng malakas na pwersa ng kidlat. Agad itong tumama sa mga kalaban niyang Minotaur. Nangisay ang mga ito at saka sila umusok dahil sa tama ng kidlat. Tumingin siya sa mga Minotaur na nakahandusay sa lupa na wala ng mga buhay at saka ngumisi. "Sabi ko sa inyo eh! Gigil niyo si ako! HAHAHAHA" Ipinalutang ko siya at saka itinabi sa dalawa. "Ang galing ko ba?" Tanong ni Zabi. Hindi umimik ang dalawa sa kanya. Ako naman ay iniabot sa kanya ang inumin niya na agad niyang naubos. PRINSESA EARTHA'S POV Dahan dahan kong iginalaw ang mga kamay ko pataas na para bang may bitbit akong isang bagay at saka naman nagkaroon ng marahang pagkalindol sa kinaroroonan ko at ng apat na Minotaur. May lumabas na mga matatabang tangkay na may mga tinik mula sa ilalim ng lupa at saka ito pumalibot sa akin at sa apat na Minotaur. Ngayon ay nakakulong kami sa pabilog na mga tangkay na mamataba na may kasamang tinik. Pilit na pinuputol Ito ng dalawang Minotaur ngunit lalo lang kumakapal ang mga ito dahil para mas lalong hindi sila makalabas. Patakbo akong sinugod ng apat na Minotaur. Iginalaw kong muli ang aking kamay para sabay sabay silang sakalin at palibutan ng mga matatabang tangkay na may tinik. Pa unti unti ng nawawala ang kanilang mga kulay. Na dati ay kulay kayumanggi. Ang kanilang mga sungay na puti ay ngayon na paunti unti naring umiigsi at nawawala. Ang mga tinik na mula sa matabang tangkay ay hindi biro. Dahil mayroon itong lason na unti unting sisipsipin ang iyong dugo na siyang lalo ang nagpapatibay sa tangkay. At sa isang iglap ay wala na ang apat na Minotaur na kasama ko. Mabilis ko namang tinanggal ang mga tangkay na nakapalibot sa akin ngunit hindi ko Ito makontrol. Dahil ang hirap nitong tanggalin. Para bang may sarili itong isip kaya hindi Ito susunod sa gusto ko. Ikinalma ko ang sarili ko saka dahan dahang sinusubukang ipalaho ang mga tangkay na siya namang aking napagtagumpayan. Matapos kong maialis ang mga tangkay ay agad akong lumutang sa ere pataas. Napatingin ako sa aking itaas at nandoon pala sila Binibining Elementia kasama ang tatlo. Ng makalapit na ako sa kanila ay bigla akong inabutan ni Elementia ng isang tubig. Magtatanong pa sana ako sa kanya kung ano ito ng biglang tumango si Ronan sa akin kaya inubos ko ito at bigla na lamang ako nakaramdam ng ginhawa. Parang nawala ang lahat ng pagod ko at sakit sa katawan. JIEL'S POV "Nakakatamad naman." Singhal ko sa anim na Minotaur na nakapalibot sa akin. "Ang dami pa nila dyan mga halimaw pero bakit anim pa talaga ang napunta sa akin? Tch!" Reklamo ko uli sa mga ito. Sabay sabay na lumapit sa akin ang anim na Minotaur pero mabilis akong nakalusot sa pagitan ng mga ito. Agad naman silang napatingin sa akin kaya tinititigan ko sila isa isa deretso sa mga mata nila at agad silang nangisay dahil sa boltahe ng koryenteng dumaloy sa kanila mula sa pag titig ko sa kanilang lahat. At ayun silang lahat. Nakabulagta sa lupa habang umuusok ang buong katawan at nangingisay. "Sabi ko sa inyo eh tinatamad ako. Tch!" Pagtapos ko silang lahat mapatumba ay pinagpag ko ang mga kamay ko saka ako lumutang paitaas. Inabutan pa ako ni Elementia ng tubig pero tinanggihan ko ito dahil wala naman akong sakit na nararamdaman sa aking katawan. Ni hindi nga ako nadaplisan ng mga halimaw na iyon. PRINSESA WILA'S POV "Ano ng gagawin ko? Hala! Patay! Anong gagawin ko? Pano na? Lagot!" Tarantang sigaw ko habang nagtatatalon talon. "Kumalma ka nga dyan Wila. Wag kang magalala dahil dalawa tayong lalaban sa mga Minotaur. Dalawa lang ang Minotaur na lalabanan mo samantalang ako eh tatlo. Kaya magsama tayo para mabilis silang matalo." Sabi sa akin ni Arden. "Eh pano ang gagawin ko? Hindi ko alam!" "Basta kontrolin mo ang mga anino nila at pigilan sila. Habang pinipigilan mo ang mga anino nila ay titirahin ko sila ng mga apoy ko. Susunugin ko sila." "Sige" pagsangayon ko. Huminga ako ng malalim saka ako nagpikit at nagmulat ng aking mata. Matapos ay inipon ko ang aking lakas para mapigilan ko ang limang Minotaur. Ng mahawakan ko ang mga anino nila ay mabilis na binato ni Arden ng puting apoy niya ang limang Minotaur. Ang mga ito ay malakas na umuungol dahil siguro sa init. Sa dami ng Minotaur na pinipigilan ko ay unti unti ring nababawasan ang lakas ko. Nawawala na ang mahigpit kong paghawak sa mga anino nila kaya mas malakas pa na sinilaban ni Arden ng apoy niya ang limang Minotaur. Nagliliyab ang buong katawan ng limang Minotaur. Ang ibang bahagi ng katawan ng mga ito ay nagaabo na kaya naman hindi na rin sila makalaban pa. Ng maabo na ang buong katawan nila ay hinang hina akong napasalampak sa lupa pati narin si Arden. Pero mabuti na lang rin at wala kaming sugat na natamo sa aming katawan. Parehas kami ni Arden na nagulantang ng bigla kaming lumutang sa ere. Pero naging kampante naman agad kami ng makita namin na si binibining Elementia pala iyon. Agad niyang iniabot sa amin ni Arden ang dalawang boteng may laman ng tubig. Mabilis namin iyong kinuha at inubos na para bang kami ay uhaw na uhaw . Habang iniinom namin iyon ay unti unting napapawi ang aming pagod at unti unti naring gumagaan ang aming paghinga. PRINSEPE TATUM'S POV "ISA, DALAWA, TATLO!!!" Sa pagbilang ko ng tatlo ay sabay sabay ko iniangat sa ere ang tatlong Minotaur. Pilit nilang kumakawala pero mas malakas na pwersa ang ibinigay ko para makontrol ko ang hangin ko. Ng makakuha ako ng tyempo ay saka ko unti unting kinukuha ang hangin nila sa katawan nila. Sinisipsip ko ang hangin nila ng sa ganun silang paraan mamatay. Unti unti na silang nanghihina at hindi makapalag. Nagiiba na ang kulay nila at nawawalan na rin sila ng buhay dahil sa kakulangan sa hangin. Hanggang sa nakabulagta silang tatlo sa hangin na hindi na gumagalaw o humihinga. Saka mabilis ko tinanggal ang pagkakalutang sa kanila na siyang naglikha ng may katamtamang tunog. Walang ano ano'y ipinalutang na rin ako ni binibining Elementia papunta sa gawi nila. Inialok niya pa ako ng inumin ngunit tumanggi ako sa kanya dahil wala naman akong nararamdaman na pagod o sakit sa katawan. PRINSIPE BAY'S POV "Aray ko po!" Mahinang daing ko ng matamaan ako ng Minotaur. "Ahhhhh!! Nangiinis ka ha!" "ITONG SAYO!" Malakas na sigaw ko. Ipinayelo ko ang buong katawan ng tatlong Minotaur pero sa lakas nila ay natanggal din nila agad ang yelo na ginawa ko. Tumakbo sila papunta sa akin na siyang ikinatakbo ko rin papalayo habang nagsisisigaw. Pero ng makalayo ako ng bahagya sa tatlong Minotaur ay agad akong gumawa ng barrier gawa sa ice. Ng makalapit sila sa akin at ng pilit nilang pumapasok sa loob ng barrier ay nagtagumpay nga silang makapasok sa loob pero nabalot sila ng makapal na yelo sa loob ng barrier at unti unting manlalamig at pabigat ng pabigat ang kanilang mga paghinga. Mas kinapalan ko pa ang barrier ko para mas lalo silang manghina. At yun nga. Sa kapal ng yelo sa katawan nila ay tumirik ang kanilang mga mata at saka biglang bumagsak sa lupa. Ng mamatay sila ay mabilis kong tinanggal ang barrier at nagtatatalon sa saya na mapatay ko sila. Habang tumatalon ako ay hindi ko namalayan na nakalutang na pala ako at nasa tabi na ako nila binibining Elementia. Pinainom rin niya ako ng tubig na masarap. PRINSIPE RIVER'S POV Tatlong Minotaur lang ang kalaban ko pero dahil hindi ko pa kayang gumawa ng maraming clone ay dalawa lang ang nagawa ko at ako ang lalaban sa isa. Ang dalawa kong clone ay nagsimula ng atakihin ang dalawang Minotaur. Ako naman ay nagpunta sa sa Isa pa para kalabanin rin. Hindi ko sigurado kung makakaya kong matalo itong tatlo dahil mahirap ipagsabay ang clone na ginawa ko at ang pakikipaglaban ko dahil lalo lang akong manghihina. Mabilis akong nagpaikot ikot sa Minotaur na kalaban ko para hiluhin siya. Puro siya wasiwas sa akin pero mas lalo ko pang binilisan para hindi niya ako matamaan. Habang umiikot ako sa kanya ay nakakita ako ng tali sa taas ng puno medyo malayo sa amin dahil nga nasa open field kami. Mabilis akong tumakbo at hinablot ang taling nakasabit lang sa sanga ng puno saka mabilis na pumaikot uli sa Minotaur. Ng hindi na niya ako tinitira ay mas binilisan ko pa ang pagikot ko at saka itinali ang tali sa leeg niya at hinigpitan. Muli niyang iniwasiwas ang sandata niya sa akin pero hinila ko ang tali niya sa leeg saka ako mabilis na tumakbo sa kung saan sakal sakal siya. Kinakaladkad ko lang siya pero ng makita ko ang katawan nitong nagdudugo ay mabilis akong kumilos pa at saktong may nakita akong malaking bato ay doon ako pumunta at saka tinalon iyon habang hila siya. Ng makatalon ako ay malakas na nauntog ang Minotaur sa bato na siyang ikinamatay niya. Binitawan ko na ang taling hawak ko saka nagpagpag ng damit dahil sa alikabok. Binalingan ko ang dalawang clone na hindi ko na natuunan ng pansin at nakontrol kanina dahil sa kalaban ko. Pero ng makita ko ay patay na ang mga ito pati narin ang mga Minotaur na kalaban nito. Bumaba na sila binibining Elementia mula sa ere kasama ang siyam. Inabutan niya ako ng tubig na isang lagukan ko lang. "Tingnan niyo na lamang ang inyong mga puntos at ranggo sa pasilyo mamaya pagkatapos niyo magpahinga sa loob ng kinse minuto. Doon ko ipapaskil. Yun lang. Maaari niyo ng simulan ang pahinga niyo dahil unti lamang ang minutong inilaan ko sa inyo." Sabi ni binibining Elementia saka umalis. "Nakakapagod!" Saad ni Zabi. Sabay sabay na kaming nag alisan pati narin ang ilang manonood. "Saan tayo pupunta?" Tanong ni Eartha. "SA HAPAG KAINAN!!" Malakas na sigaw ni Wila na siyang nakapagpatakip ng aming taenga. ELEMENTIA'S POV Andito ako sa hardin. Nakahiga sa sanga ng kahoy at nagpapahinga. Nakakapagod rin kaya tumayo sa ere. "Hindi bagay sa isang babae ang humihiga sa puno lalo na at kayo ay nakabistida kahit na mahaba pa iyan. Baka kayo'y masilipan." Saad ng isang tinig mula sa ibaba. "At sinong mapangahas ang nagbalak na kumausap sa akin habang ako'y nagpapahinga?" Saad ko habang nakapikit ang aking mga mata. "Kung iyong mamarapatin Binibining Elementia. Hindi ako isang mapangahas. At sa aking palagay ay hindi ka nagpapahinga dahil mukang hindi ka naman napagod sa klase niyo kanina" anito sa akin. Lumutang akong muli sa ere saka ako pumunta sa labas ng hardin pero muli siyang nagsalita. "Hindi ba at para naman yatang pangbabastos ang iyong ginagawa Binibini? Kinakausap pa kita ngunit umaalis kana." Pahabol nito. Iniinis na talaga ako nitong Drewry na ito. Hindi ba niya naiintindihan na ayaw ko siyang kausapin? "Mawalang galang na Ginoo pero wala akong balak na magaksaya ng oras ko sa iyo. At saka hindi kita kinakausap. Nagkomento lamang ako sa sinabi mo kanina. At wala akong balak na kausapin ka kaya hindi ako ang bastos rito kung hindi ay ikaw. Dahil alam mong ako ay nagpapahinga ngunit ginugulo mo ako. Kaya ikaw ang bastos at hindi ako. Paalam Ginoo" Saka ako mabilis na lumabas ng hardin at magpunta sa pasilyo para ilagay ang kanilang mga ranggo. Marami na rin ang mga magaaral na nagaabang para sa ranggo ng mga Xientor. Ganito palagi ang nangyayari tuwing ipapakita ang ranggo ng mga Xientor. Maraming gustong sumagap ng balita. Pero mababago pa ang kanilang ranggo pagdating ng Gurong Agil dahil bibigyan niya pa ako ng pagsubok na sa palagay ko ay mas mahirap sa mga ibinigay ko sa Xientor. PRINSEPE TATUM NIALL - 10 PRINSEPE RONAN KENDALL - 9 PRINSEPE ZABI DION - 9 PRINSEPE ARDEN FINTAN - 8 PRINSEPE BAY HESTON - 7 PRINSEPE RIVER ZECH - 8 PRINSESA EARTHA DEMETRA. - 8 PRINSESA WILA ERIDA - 7 PRINSESA LEYDI IYA - 9 JIEL ESTA - 10 Iyan ang mga iskor nila. Hindi ko sila binibigyan ng mababang marka. Sila ang gumagawa ang kanilang mga marka at ranggo taga sulat lamang ako at tagatingin. Ranggo Uno * Jiel Esta *Tatum Niall Ranggo Dos *Ronan Kendall Ranggo Tres *Leydi Iya Ranggo Kuwatro *Zabi Dion Ranggo Sinco *River Zech Ranggo Sais *Arden Fintan Ranggo Syete *Eartha Demetra Ranggo Otso *Bay Heston Ranggo Siyam *Wila Erida At ang mga ranngo nila. "Dapat pala mas ginalingan ko pa para mataas ang ranggo ko. Haysss" reklamo ni Zabi at Arden. Hindi ko naman namalayan na nandito na pala silang lahat. At ang ibang magaaral ay nakikiusosyo narin. "Galingan mo na lamang sa susunod, Prinsesa Eartha. Para naman mayabangan mo na ako kahit minsan. Tss! HAHAHAHA!!" Pangaasar ni Tatum kay Eartha. Si Eartha naman ay piningot siya at itinaas pa ang patilya ng buhok nito. Sigaw ng sigaw sa sakit si Tatum pero ni isa ay walang nagtangkang tumulong sa kanya kaya kaming mga Xientor ay sabay sabay na umalis pero ang dalawa ay naiwan pa sa pasilyo para magaway.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD