CHAPTER 2; BATTLE

2690 Words
ELEMENTIA'S POV "Ang pagbigkas ng mga spells ay dapat malinaw at tama. Kung mali ang iyong pagkakasabi ah hindi Ito gagana. Ang mga spells ay Isa sa mga napakagalagang bagay na dapat nating pahalagahan at huwag kalimutan. Dapat natin itong gamitin sa tama at hindi sa walang rasong pakikipaglaban." paliwanag ng guro namin sa castinias sell. Ito ang subheto namin. (A/N: Ang subheto ay subject sa Ingles.) Castinias sell. Ibig sabihin mga spells or casting spells ang mga pinag aaralan rito. Cast ay mula sa salitang casting, ang Tinias naman ay ang pangalan ng isang Casting God at Isa siyang babae. Ang sell naman ay ang Demi God's ng casting spell. Kumbaga ang Casting God ang pinag mulan ng casting spell ang Demi God's naman ang pangalawang handler nito at kaming mga LightMist User ang third handler ng Castinias sell. At nagagamit lang namin ang castinias sell kung may wand kami. Ang wand namin ay hindi katulad ng ibang pangkaraniwang wand. Hindi siya isang parang tangkay. Isa siyang maliit na wand na kasukat ng chopsticks sa mortal world ngunit may nakapalibot na dragon dito. Ang kulay naman ng dragon ay nakabase sa kung anong kapangyarihan mo. Katulad ng asul ibig sabihin ay tubig, malamlam na kulay ng asul ay hangin at iba pa. Sa akin ay ibat ibang kulay. Dahil nga ako si Elementia. Lahat ng kapangyarihan ay nasa akin. Pero hindi ako Goddess o Demi God's o Kaya naman ay prinsesa. At ang mga Royal's ay dalawang kapangyarihan lamang ang meron sila pero ako. Kumpleto. "Sa palagay ko ay naintindihan niyo naman ang mga turo at paliwanag ko. Ngayon, gusto kong humanap kayo ng grupo niyo na binubuo ng dalawang miyembro lamang. Maglalaban kayo kada pares. Maaari rin kayong magsolo ngunit siguraduhin niyong kaya niyo." Paliwanag ng guro namin. Lahat sila ay tumayo na at ang iba ay nagahanap ng kagrupo. Ako? Tumayo at pumunta sa sulok. Ayoko ng may kasama na sasagabal lang sa akin. Magiging pasanin pa. Kinuha ko ang wand ko na wala pang nakakakita na kahit sino at saka ko iniwagayway ng dahan dahan habang nakaupo ako sa sulok. Itinapat ko iyon sa isang papel na nasa harapan ko. Ibinigay ko ang buong konsentrayson ko sa bagay na iyon upang lumutang. At nagawa ko nga. "De flujo, y flotador" Bigkas ko saka lumutang ang kapirasong papel. "Hacia abajo y deje de" Bulong ko sa hangin saka dahan dahang bumaba ang papel. Agad kong itinago ang wand ko dahil ayoko sa lahat ay ang pagkuha ng atensyon nila. Ako pa lamang ang nakakakita sa kulay ng wand ko. Iniyuko ko ang ulo ko saka umidlip. Matagal pa ang 2 oras at 15 minuto. Kayat matutulog muna ako **** "Magaling ang inyong ipinakita, Galy at Tin. Sunod ay si Jen, Hasari, Rem at Kial." Pagtawag ng guro namin. Tatlong-put minuto at dalawa....... "Elementia, ikaw na, Binibini." Tumayo ako sa upuan ko at lumakad sa harap. Ramdam ko ang titig nilang lahat sa akin. Pumwesto ako sa gitna ng parang maliit na estahe dito sa loob ng silid namin. Pahaba ito at hindi kataasan. A/N: ang estahe ay stage. "Guro. Maari bang humanap ng makakalaban?" Magalang kong tugon rito. Gumuhit ang gulat at pagaalala sa mukha ng guro. "Ngunit baka ikamatay nanaman ng sunod mong makakalaban ang iyong gagawin. At kung nag kataon ay pang labing dalawang tao na siya sa mga madidisgrasya sa pag kakataong ito." Tugon nito. "Ngunit kung iyong mamarapatin Guro. Walang saysay ang aking pag papakitang gilas sa lahat kung hindi ko ito magagamit sa pamamagitan ng Mistical, Guro." Litanya ko. (A/N: sa mortal world ay tao ang tawag sa Magic world naman ay Mistical) "Pagbibigyan kita ngayon Elementia. NGUNIT. Ngunit hindi na ikaw ang pipili sa pagkakataong ito. Kailangan na may mag boluntaryo na kumalaban sa iyo at iyon lamang ang paraan kung gusto mong magkaroon ng kalaban sa pagganap mo." Aniya Hindi na ako sumagot pa at ibinaling ko na lamang ang aking tingin sa mga kamag aral kong narito. Lahat sila ay umiiwas ng tingin. "Sino sa inyo ang gustong kumalaban sa akin? Huwag kayong mag alala. Hindi ako ganon kadelikado." Aniko saka nagpakawala ng isang ngisi na agad ring naglaho. Umalis silang lahat sa gitna at isang maliit na lalaki na mukang lampa ang umakyat rito at hindi makatingin ng tuwid sa aking mata. "A-ako a-a-ang lalaban sa i-iyo!" Matapang nitong tugon habang nakayuko. Napangisi na lamang ako sa kanya dahil sa itsura niya at sa kung anong nasa isip niya. Binasa ko ang laman ng isip niya. 'Lalabanan kita. Akala mo malakas ka?! Pwes! Mas malakas ako kesa sa'yo. Masyado kang nagyayabang Elementia.' Bakit ba lahat sila ay masyadong nayayabangan sa akin? Ahh. Siguro nga nasobrahan ako sa yabang. Bayaan na! "Kung ganon ay pumwesto na kayong dalawa." Pagsingit ng Guro namin. Lumapit kami sa isat Isa at saka nagtitigan ng mata sa mata. Unti unti naman siyang namamawis kaya mabilis na akong tumalikod at saka humarap sa kanya na ilang hakbang ang layo. "Simulan niyo na." Sigaw ng Guro. Itinutok niya ang wand niya sa akin na nakapwesto ng parang sasalang sa isang karate. Iniayos niya ang roba niyang itim na may asul na lining sa mga gilid at ang roba niya ay may halong dark blue sa baba at itim sa taas. Iba iba ang kulay ng mga roba namin rito. May limang uri rito ng mga seksyon na kung saan ang mga estudyante ay hindi basta basta maaring pumasok at ang kanilang mahika lamang ang magdedesisyon kung saan sila nararapat. Ang pinakamababang uri ay ang kulay kayumanggi na may itim sa taas ang tawag sa kanila ay HEISNAS (heysnas) sila ang panglima sa lahat, sila ang mga taong nakakagawa lamang ng pinakamababang kapangyarihan sa lahat na kayang gawin ng lahat, ang sumunod ay ang HAINASIAS (haynasyas) ang kulay pula na may itim sa taas at pulang lining ang kanila, sila naman ang mga nakakagawa ng mga casting spells or known as castinias sell mas magaling sila sa lahat ng seksyon ngunit yun lamang ang kaya nilang gawin, pangatlo ay ang AIUQUT (eykwit) sila ang may kulay asul na may itim rin sa itaas katulad na lamang ng lalaking nasa harapan ko, sila ang may taglay ng mga poisons, castinias sell at ang pagiging mapanglinlang, sunod ang kulay abo na parang puti na may itim rin sa taas ang kanilang roba, sila ang mga GIERFIN (gerfin) sila ang mga taong may elemental magic ngunit Isa lamang ang kanilang elemental, may castinias sell rin silang taglay at kayang mag summon ng kahit na ano ngunit limitado lamang, pinaka una ay ang XIENTOR (syentor) kami iyon, at ako ang nangunguna roon sa Xientor dahil ako ang pinaka malakas sa lahat, naroon ang mga Royal's, at lahat ng pinakamakapangyarihan sa lahat, sila ang nagtataglay ng dalawang elemental magic ngunit ako sumobra ata ang elemental magic ko, sila rin ang pinaka makapangyarihan, malakas, at kaya namin gawin ang lahat kaya kami nasa Xientor at pangatlo kami sa pinakamakapangyarihan sa buong Mist World at, ang una kasi ay mga goddess pangalawa ay Demi God's at pangatlo kaming xientor at kapantay lamang namin ang mga Hari at Reyna, pang apat ang mga guro namin. Kulay itim na may ginto ang kulay ng roba namin at may fur sa gilid. "Extecsia earion" sigaw niya at umabante ng bahagya. Agad na may lumabas na kulay puting ilaw sa wand niya at saka nagkaroon ng kuryente sa pwesto ko na agad kong binilisan ang pagcast ng spell. "Avian avis" sigaw ko at agad naman siyang humagis palayo at muntikan pa siyang mahulog sa mini stage. Mabilis siyang tumayo at nag cast muli ng spell. "Rienlisto" May lumabas na maraming tinik na papunta sa direksyon ko. Alam kong may lason ang mga ito at saka ko naman iyon nilabanan. "Sclioac" Ang spell na ipinanlaban ko. Gamit ang spell na iyon ay kinontrol ko ang mga tinik na may lason saka ko mabilis na pinapunta sa direksyon niya. Ipinalibot ko ang mga tinik sa paligid niya para wala na siyang kawal at dahil sa bilis ay hindi na siya nakaiwas pa. Agarang tumusok ang mga tinik sa katawan niya at mabilis siyang nanghina dahil sa lason nito. "Sil" sigaw ko. Sa pagcast ko muli ng spell ay mabilis siyang lumutang sa ere at saka mabilis uli siyang bumagsak sa sahig kaya yung estahe ay nasira sa parte niya dahil sa pagkakabagsak niya at sa lakas ng impak. Ang lahat ay bumubulong at rinig ko ito, kahit anong layo nila ay rinig ko parin ang bulungan kahit na ilang metro pa yan. "Mukang balak niyang pumatay nanaman ng mistical na kauri natin!" "Kaya nga!" "Hindi pa ba siya nakontento sa mga nakaratay parin na katawan ng mga estudyanteng nakalaban niya." "Walang kalaban laban. Kawawa naman" "Bakit kasi lumaban pa yang si Jude eh alam naman niyang wala pang nakakatalo kay Elementia!" "Nakakaawa yang sinapit niya. Pero okay na rin yun. Para sa susunod matakot na siya." "Makinig! Dito na natatapos ang ating klase, maaari na kayong lumabas. At Elementia, nais kong sabihin na Ito na ang huli mong tungtong sa aking klase, bumalik ka na sa klase mo at huwag mo nang labanan pa ang mga estudyante ko dahil wala silang laban sa iyo." Mahabang litanya ni Guro. "Masusunod Guro. Ngunit gusto ko lamang ilinaw sa iyo na pumayag ka at ang iyong estudyante na labanan ako. At saka sabi mo bahala na ako sa buhay ko kung saan ko gustong pumasok kahit hindi ko pa klase iyon ngunit sa loob ng 2 linggo lamang. Ngunit Guro, anim na araw pa lamang ang aking itinatagal rito sa Aiuqut." Paliwanag ko. "Oo. Alam ko iyon Elementia kaya't ako na ang nakikiusap. Bumalik ka na sa iyong seksyon at sa klase mo Elementia dahil mas malakas ka kumpara sa lahat ng narito. Kaya mo silang burahin sa mundo natin sa isang pitik lamang. Ako ang natatakot para sa posibleng mangyari, kaya. Elementia pakiusap sumunod ka na lamang." Aniya. Napabuntong hininga na lamang ako sa gusto niyang manyari. Ayoko pang bumalik sa Xientor dahil sa mga responsibilidad na nakaatang sa akin. Ako ang namumuno sa buong seksyon at klase ng Xientor dahil sa lakas ko. Bawat seksyon ay mayroong namumuno at iyon lamang ay nakabase muli sa lakas ng kapangyarihan ng isang Mistical. Mas malaki pa rin ang responsibilidad ng ORG kesa sa aming mga namumuno sa klase. Kaya kahit anong gawin namin ay nasa ilalim parin kami ng ORG. ***** Tanghalian na namin ngayon kaya naman nagtungo na ako sa kainan dahil babalik nanaman ako sa Xientor mamaya. Pinagbuksan ako ng pinto ng dalawang kawal rito papunta sa kainan. Malaking pinto ang meron rito at gawa ito sa kahoy na may mga bakal rin. Pagpasok ko ay ingay ang bumungad sa akin. Sampung mahahabang gintong mesa ang nakahilera at mga gintong upuan na matataas ang sandalan rito na may kapa sa upuan at sa sandalan nito. Ang nakaupo lamang sa mga sampung mahahabang mesang iyon ay ang mga nasa seksyong panglima hanggang pangatlo. At ang pangalawang seksyon naman ay nasa harapan bandang kaliwa at ang mga pinakaunang seksyon naman ay nasa kanan. Ang nasa pinakagitna naman ay ang mga ministro at nagtataasang Mistical at makapangyarihang Mistical ang mga nasa gitna. Ganito ang ayos namin. _____ - Mga malalakas na Mistical. I I at makapangyarihang Mistical ____ ____ -Ang dalawa sa pinakamataas na seksyon ang una at pangalawang seksyon. | | | | | | | | | | -At ito ang mga upuan ng estudyanteng nasa lima hanggang pangatlong seksyon. Kung sa sampung mahabang lamesang iyon ang upuan at lamesa at ginto sa aming unang seksyon ay kaparehas ng sa mga matataas at makapangyarihang Mistical o mga ministro o Guro. Kulay ginto rin ito pari ang lamesa at upuan kahit mga pinggan. Ang upuan rin namin ay may kapa sa likod at sa upuan pero ang kulay ng kapa ng upuan namin ay nakabase sa kapangyarihan namin at may malaking dyamante rin ang upuan namin sa bandang ulunan na sumisimbolo ng kulay ng kapangyarihan namin. Ngunit kami lamang ang mayroong ganyan pati narin ang mga ministro. At mayroon kaming labing isang upuan dahil labing isang mistical ang meron sa Xientor. Sa pangalawang seksyon naman ay walang ipinagkaiba sa mga sampung mesang mahahaba may nadagdag lamang at yun ay ang pagiba ng kulay ng kapa nila na nakabase rin sa kapangyarihan nila. Habang naglalakad ako sa gitna ay nakatingin ang lahat sa akin kaya naman hindi ko na lang ulit ito binigyang pansin pa. Dire diretso lamang ang lakad ko hanggang sa makaupo ako sa upuang nasa gitna at ang may pinakamataas na sandalan sa lahat ng mga estudyante rito dahil ako nga ang pinaka malakas sa lahat ng estudyante. Nang makumpleto na ang lahat ng estudyante ay sabay sabay naman na may lumitaw na mga pagkaing sari sari sa aming mga hapag. Maingay ang pagkain ng lahat at kita ang saya sa mga mata ng mga ito. "Arden, Dahan dahan. Baka naman ika'y mabulunan. Huwag kang mag-alala at hindi namin mauubos itong mga pagkain na nakahain sa hapag. Hindi ka maaagawan. Wag kang mag-alala" Sabay tapik ni Eartha sa likod ni Arden. "Wag mo akong kausapin. Lumamon ka na lang din riyan at baka sakaling ika'y tumaba at magkaroon ng laman sa katawan Eartha." saad nito habang punong puno ng pagkain ang bibig. "Mga bunganga niyo. Hindi na kayo nahiya sa mga salitang ginagamit niyo. Naturingang mga Prinsepe at Prinsesa ngunit kung makapagsalita akala mo'y daig pa ang isang bastus na Mistical." Pagtuturo ni Tatum sa kanila. "Pwede ba Tatum? Hindi mo naman kailangan na ipa-alala sa amin iyan. Sa tuwing magkakasama na lamang tayo ay palagi mo na lamang kaming pinapangaralan. Hindi ka ba napapagod sa kakaturo sa amin?" Tugon ni Eartha rito. Silang dalawa ay immortal na magkaaway mula pa noong nakilala ko sila. "Tss! Bahala kayo. Hindi ko na kayo pakikialamanan pa. May mga isip na kayo kaya alam niyo kung ano ang tama o mali. Alam niyo kung ang bastos pakinggan o hindi. Yun lang ang payo ko" Saad ni Tatum muli sa dalawa. Si Arden ay walang pakialam at patuloy na lumalamon ika nga ni Tatum. Pero si Eartha ay iniikot ang kaniyang mga mata rito at nagbubulong ng kung ano ano. Labing isa lamang kami sa Xientor. Kahit na sabihin mong labing isa lamang kami ay iba parin. Dahil para akong nagbabantay ng singkwentang bata sa Xientor. Lahat sila ay Prinsesa at Prinsepe ngunit mayroong dalawang Mistical ang napasama sa Xientor na hindi kabilang sa Royal at walang halong Royal blood. Mga ordinaryong Mistical lang rin at may kaya sa buhay. Hindi mayayaman. At iyon ay si Jiel Esta at ako. Si Elementia Ciara Whitley. Si Prinsepe Arden Fintan ay isang patay gutom na Mistical. Si Prinsesa Eartha Demetra ay isang babaeng immortal na kaaway ni Prinsepe Tatum Niall. Si Prinsepe Ronan Kendall ay parang guro naming lahat. Siya ang kuya ng Xientor. Si Prinsepe Zabi Dion ay isang madaldal na nilalang. Si Prinsepe River Zech ay isang matalinong nilalang. Si Prinsepe Bay Heston ay. Ewan ko. Sila ang anim na Prinsepe sa Xientor. At may tatlong Prinsesa rin. Si Prinsesa Eartha Demetra ay yung una. Mabait naman siya. Di ko lang sigurado. At si Prinsesa Wila Erida isang makulit na Mistical at hilig rin kumain. Sunod si Prinsesa Leydi Iya isang. Ewan ko rin. "Binibini nais ko lamang itanong kung kailan ka babalik sa ating seksyon?" Nabaling bigla ang tingin ko kay River ng magtanong ito sa akin. Ibinaba ko ang aking mga kobyertos upang sagutin ang tanong niya. "Bakit mo naitanong iyan River?" "Dahil sa tagal mo ring nawala sa Xientor ay walang tagapamuno ang ating seksyon. Sapagkat baka iyong makalimutan at mapabayaan ito." Magalang na saad nito. "Ngayon lang din ay babalik na ako. Huwag kang magalala River." Sagot ko dito pabalik. Kaming mga tagapamuno ng bawat seksiyon at ang mga ORG ay binibini at ginoo ang tawag sa amin at kami lamang ang pwedeng tawagin ng ganon. Sapagkat Ito'y ibig sabihin ng paggalang sa nakatataas sa iyo sa loob ng akademya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD