CHAPTER 10; DARK WORLD

4071 Words
TATUM'S POV "Arghhhh!! Kainis! Kung marami din akong kapangyarihan ay baka ginawa ko rin Ito sayo! Pasalamat ka at hangin ang akin. Kung hindi. Tsk!" Pinalutang ko ang sarili ko pabangon sa kama para bababa. Paglabas ko ng kwarto ni Elementia ay saktong paglabas ng lahat sa kani kanilang kwarto. Halos matawa tawa silang nakatingin sa akin ngunit sinamaan ko sila ng tingin. "Remove. This. Rock. Now!" Ma-awtoridad kong utos. Sinunod Ito ni Eartha kahit na labag sa loob nito. Siya lang kasi ang nature user sa amin maliban kay Elementia. She can control everything that related on nature. Finally! I feel relax! "Not going to say thanks?" Masungit niyang tugon na inilingan ko. "No. I'm going outside. Just on the backyard" at lumakad ako palabas. ELEMENTIA'S POV "Kanina lamang, Punong Ministro." "Ngayon, tapos niyo na ang misyon niyo. Maaari na kayong bumalik dito bukas. Bubuksan ni Rick ang portal para sa inyo." "Salamat, Punong Ministro." Nagmulat ako at bumungad sa akin ang mga aklat sa librarya. Napadukdok ako sa lamesa dahil sa pagod na nararamdaman. Kakatapos ko lamang kausapin ang Punong Ministro tungkol sa aming tagumpay na misyon. "AHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!" Nagulat ako sa isang malakas na sigaw na mula sa labas. Tumingin ako sa bintana at nakita ko si Arden na naliligo sa uod. "Kadiri!!" Mabilis akong nagteleport malapit sa pwesto niya at malakas na tumawa. Pakiramdam ko ay lalabas na lahat ng laman ng katawan ko sa kakatawa na halos magpagulong gulong ako sa d**o. "E-elementia. Tulungan mo ako!!" Pero para akong nabingi sa sobrang tawa. Dumating ang iba at napuno ng tawanan ang lugar ngunit mas nangibabaw ang malakas na iyak at paghingi ng tulong ni Arden mula sa amin. "T-tama na. Wag ka ng sumigaw riyan Arden nakakabingi ang boses pipit mo." Ani Ronan at tinulungan si Arden na matanggal ang mga uod sa katawan. "Dumiretso ka sa banyo at maligo. Napaka baho mo, dinaig mo pa ang basura." "Haha ang sakit ng puson ko don. Muntikan pa akong maihi!" Iiling iling na sabi ni Bay at nagsimulang maglakad paalis. "Teka!" Sigaw ko sa kanila. Nakataas ang mga kilay at nagtatakang tingin ang ipinukol nila sa akin. "Nakapag usap kami ng Punong Ministro at ang sabi niya ay si Mang Rick ang magbubukas ng portal pabalik sa ating mundo. Bukas din ay makakabalik na tayo kasama ang misyon. Iyon lamang." Ako ang naunang umalis sa kanila at dumiretso sa aking silid. Ganito ako mamuno sa aking mga kasamahan. Ngunit maraming panahon ang pagiging makulit at normal ko na ipinapakita sa kanila. Sila ang aking seksyon. Ang Xientor na walang nais kung hindi ang magkaroon ng kakulitan at nais na palaging mapuno ng kasiyahan ang aming seksyon. "Ano kaya pwedeng magawa? Wala na akong maisip. O Wala talaga akong isip at napiga ko na lahat? Sige matutulog na lang ako. Magandang ideya iyon!" SOMEONE'S POV "Nakuha na nila, Ginoo!" Anang isang tinig na kararating pa lamang. "Ang matagal na nating hinahanap ay nasa kanila na. At naunahan pa ng pangalawang pangkat ang unang pangkat. Hindi ba? Hindi kasing galing ng Ginoo ang Binibini. Kakaiba ang kanyang kakayahan. Kapag kanyang ginusto ay makukuha niya sa isang iglap. Katulad na lamang iyan!" Puno ng sarkastikong saad ng nasa kaliwa ko. "Magagamit natin siya." Dugtong nito. Tumikhim ako at humarap sa kanila ng naka ngisi. Mga inutil! "Pagbibigyan kita riyan sa suhestyon mo Ginoo." "Maraming salamat Ginoo." Yumuko siya at masayang ngumiti. "Ngunit. Kaya mo ba iyang babaeng iyan? Kung maidadala mo siya sa akin ay ibibigay ko sayo ang aking mahal na trono! Mula Ito sa Dead's Liardes. Gawa Ito sa pinakamalakas na kapangyarihan na pwedeng ikamatay. Ang Dead's Liardes ang Isa sa pinaka-iinteresan ng lahat at pinaka delikadong trono sa mundo ng mahika. Alam kong lahat tayo dito ay tuso. Parang ikaw, Ginoo. Isa kang tuso at traydor. Malakas ang kamandag ng iyong pagiging traydor ngunit sa akin ay hindi makakaubra iyan. Tatlong Ginoo ang traydor sa sarili kong palasyo. Nais nilang makuha ang aking trono upang mapamunuan ang Dark World. Ngunit kayo'y bigo sa misyon niyong ito. Dahil. Alam. Na. Ng. Prinsepe. Niyo. Bibigyan ko kayo ng pagkakataon. Ilabas niyo ang sarili niyo o ako ang maglalabas sa inyo. Ng kaluluwa niyo sa katawang lupa niyo." Wala paring nagbabago sa ngisi kong napakalapad. Katulad ng aking ama. Parehas kaming dalawa kung umasta. "P-patawad Ginoo. Ako'y natukso lamang sa hangaring makuha ang trono mo. Patawad." Nakaluhod na nakayuko ang tatlo sa harap ko. "Napakasarap tignan na kayo'y nakaluhod sa akin. Para bang ako'y inyong sinasamba." ELEMENTIA'S POV "Mang Rick hindi ba kayo sasama sa amin?" "Ako'y may misyon rin dito sa lupa Binibining Wila. Nais ko man sumama ngunit hindi pa ako nakakasimula sa misyon." "Kung ganon Mang Rick ay mag kita na lamang tayo roon pagtapos ng iyong misyon. Nawa'y ika'y maging ligtas laban sa kadiliman." Anas ni Ronan na nginitian lamang ni Mang Rick. "Aalis na kami Mang Rick. Salamat muli" sabi ko bago kami pumasok sa loob ng portal. Nakakahilo parin ang pakiramdam. Walang pagbabago kahit na matagal ka nang gumagamit nito. Parang hinihila ang iyong kaluluwa palabas sa iyong katawan. "Maligayang pagbabalik, mga Binibini at Ginoo. Natapos niyo ng maaga ang inyong misyon." Pagkamulat pa lamang namin ay tumambad sa amin ang isang pamilyar na kuwarto. Ang silid ng Punong Ministro kasama ang dalawang nakatataas na Ministra at Ministro. "Ikinagagalak kong makita ka, binibining Ayisha." Lumapit ang Punong Ministro sa kanya at iginaya sa upuan. Hindi man lang kami naisip. Psh! "Aalis na ako Punong Ministro. Nais kong magpahinga dahil ako'y pagod pa at tila gusto nang humiga. Mauuna na ako. Salamat." Anas ko at dumiretso sa aking tahanan. Pabagsak akong humilata sa aking malambot na higaan. Napakasarap sa pakiramdam. At dala ng aking pagod kusang bumagsaka ng talukap ng aking mga mata at dinala sa mala paraisong kapayapaan. "Napadalaw ka Binibini? Ano ang aking maipaglilingkod?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Mula Ito sa babaeng naka damit na mahaba na may kulay asul na katulad ng dagat. Maganda Ito at parang isang kagalang galang na nilalang. "Magandang araw rin sa iyo Binibini, ngunit ako'y nagtataka kung paano ako napunta rito sa iyong lugar?" Tanang ko rito. Lumapit Ito sa akin at matamis na ngumiti. Pinagmamasdan nito ang aking buong mukha na animo'y hindi na ako muling makikita kaya lahat ng detalye ng aking mukha ay kailangan niyang alamin at tandaan. "A-anong mayron sa mukha ko, Binibini?" Hindi ako sanay na titigan ng ganito kalapit ng kung sino man. "Wala. Pasensya na Binibini at ngayon lamang ako nakakita ng ganyang kakaibang ganda. Gandang hindi pangkaraniwan sa mga normal na mistical." Aniya at tumalikod sa akin. Iginaya niya ako sa kaniyang hardin na puno ng samu't saring mga bulaklak at sa gitna nito ay may isang malambot na higaan na napalilibutan ng mga bulaklak at sa itaas nito ay mga baging na may mga bulaklak. Umupo kami sa bandang kanan ng kaniyang tirahan na kung saan mayroong mga upuan na maliit. "Ano ang iyong ibig sabihin, Binibini?" Umupo ako sa kaharap niyang upuan. "Wala, pagpasensyahan mo na ako Binibini, sapagkat ako'y ganito lamang talaga...... Ako nga pala si Griciella. Ikaw Binibini?" "Ako so Elementia." "Hmmm Elementia.... Ang tagapamuno ng Xientor. Tama ba?" Sumimsim Ito sa kaniyang maliit na kopita. Napaka elegante nitong magsalita at gumalaw. "T-tama. Anong lugar Ito? At bakit ako narito?" Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung paano ako napunta rito. "Ito ang Palace Garden. Hindi ko rin alam kung paano ka napunta rito Binibini. Isang sagradong lugar itong Palace Garden, kaya't pati ako'y nagtataka kung paano ka nakapasok dito ng hindi mo alam." Ano? Sagrado Ito ngunit ako ay nakapasok dito? Paano? "Mga mistical na may mga posisyon lamang ang nakakapasok rito. Katulad ng mga Punong Ministro, ngunit hindi ang mga Hari at Reyna. Pili lamang ang mga nakakapasok rito kahit na may posisyon ka pa. Dahil pangalawang tahanan Ito ng mga Goddesses." Talaga? "Kung ganon Griciella, paano ako makakalabas rito?" "Sumama ka sa akin." Katulad ng sinabi niya ay sumunod ako sa kanya hanggang sa mapadpad kami sa isang tagong parte ng hardin na may isang malaking balon sa gitna nito. "Anong gagawin natin rito?" Tanong ko. Wala akong kaalam alam sa mga nangyayari. Naguguluhan ako. "Tumingin ka sa tubig riyan sa balon at isipin mo ang isang lugar kung saan gusto mong mapunta o kaya naman isipin mo ang iyong tahanan at ika'y makakabalik na." Tumingin ako sa balon at nakita ko ang isang makinang, malinis at magandang tubig na laman niyon. Nakikita ko ang aking repleksyon sa tubig, para itong isang salamin....... Inisip ko ang aking tahanan at ang aking malambot na higaan. Sa pagdilat ng aking mga mata ay para akong hingal na hingal na naka upo dito sa aking higaan. "P-panaginip?" Pinunas ko ang aking buong mukha dahil sadyang naliligo na ako sa pawis sa hindi malamang dahilan. "Umaga na pala. Hindi ko alam na napahaba na ang aking pagtulog." Tumayo ako at sinimulang maghanda para sa aking pasok ngayong araw. Wala na kami sa mundo ng mga tao kaya naman babalik na ang dating masungit na ako. Hindi ko talaga alam sa Punong Ministro kung bakit ganito ang gusto niyang ipakita ko sa lahat. Ang ugaling masungit at malamig. "Magandang umaga Elem------ B-binibini. Halika't sumabay ka na sa amin papunta sa hapag." Tumabi si Arden at Bay sa akin sa magkabilang gilid. Mabuti at kanilang naalala na ako'y isang Binibini na kailangang bigyang tawag, hindi Elementia lamang. Maingay at puno ng kasiyahan ang buong silid ng aming maabutan. Tumahimik lamang Ito ng mapansin ang aming pagdating kasama ang buong Xientor na kanina'y naghihintay sa labas ng silid. Wala paring pagbabago. Bulungan parin ang maririnig ko kahit saang sulok ng kwartong Ito. "Ehemmm!!" Napatingin ang lahat kay Leydi ng bawiin nito ang katahimikan. Ayaw niya ba ng tahimik? Eh mas maganda pa iyon kesa sa kaninang ingay ng kanilang mga bunganga! Psh! "Ang Punong Ministro ay narito na! Magbigay galang!" Sigaw ng isang tagapagsilbi sa akademya. Tumayo kaming lahat at hinintay itong maka upo bago kami umupo. Pa-importante! "Magandang umaga mga sorcerers. Nais ko lamang sabihin na ang dalawang magaling na pangkat ay tagumpay na natapos ang kanilang misyon sa loob lamang ng isang linggo sa mundo ng mga tao. Ang misyon na hindi biro. Mabuti naman at walang mga Dark Mist ang pumaroon sa inyong misyon upang kayo'y paslangin upang biguin. Iyon lamang. Maraming salamat sa inyong dalawang mahusay na tagapamuno, Ginoong Drewry at Binibining Elementia." Ngumiti Ito sa amin at umupo sa kaniyang trono. Payapa akong kumakain katabi ang maiingay kong kasama. Gustuhin ko mang makisama sa ingay nila dahil parang sasabog na ang bibig ko na gusto nang dumaldal ngunit hindi pwede kaya hanggat maaga ay pinipigil ko na ito. Matapos kumain ay dali dali akong nagtungo sa silid ng Xientor. Hingal akong napa upo sa sahig habang hawak ang aking dibdib. "Ba-bakit hindi ko k-kasi naalala na may te-teleportation a-ability ako? Kaasar!!!" Tili ko sa buong silid. "Kasi Binibini, gusto mo nang dumaldal ngunit hindi maaari." Lumapit si Tatum at binigyan ako ng tubig na maiinom. Walang pagaalinlangan ko itong dinampot sa kamay niya at nilagok ng minsanan. "Ubos" bulong ko. "Binibini, nariyan ka pala!" Bati nilang lahat sa akin. Pinalibutan ako ng buong Xientor at ginaya ang aking upo sa sahig. Ano nanaman ang kailangan ng mga Ito? "Si Ayisha nga pala ay nasaan?" Tanong ko. Mula kasi ng humiwalay na ako sa kanilang lahat kahapon ay hindi ko na inalam kung saan siya inilagay. "Nasa isang bahay malapit sa bahay mo ng kaunti. Kasama ang isa pang mistical, iyong misyon nila Drewry." Sagot ni Ronan. "Wala ba tayong gagawin ngayong araw?" Bay. "Wala daw sabi ng Punong Ministro. Pwede daw tayong lumabas ng akademya upang makapaggala dahil pagod tayo sa misyon, bilin nito." Ronan. Parang nagpantig ang aking taenga sa aking narinig. Isang magandang balita! "Halina't tayong Xientor ay may pupuntahan!" Masayang saad ko at agad akong nagpa una. Sumakay kaming lahat sa tig dalawang kalesa patungo sa bayan ng Aheydi. "Pasok kayo! Dali!!!!!" Grabe di na ako makatiis na makapagpahinga sa loob ng bahay ko. "Kaninong tahanan ito, Elementia?" Lumapit si Zabi sa akin at inilibot ang tingin sa buong bahay. "Sa akin!" Masiglang sabi ko at umakyat sa pangalawang palapag. "SAYO???!!!" "Oo! Bakit may nakakagulat ba?" Tanong ko sa kaniya. "W-wala naman. Ikaw naman kasi, eh iisa mo lang tapos ganito kalaking tahanan pa ang iyong naisipang bilhin." Hindi ko na lang siya pinansin at dumiretso sa training room. Ang paborito kong lugar rito sa bahay. "Wow!!! Grabe napakalaki!" Saad nilang lahat. "Ito ang training room ko! Dito tayo mage-ensayo araw araw dahil kailangan nating gumaling sa pakikipaglaban at paggamit ng mahika." "Ngunit paano yan Binibini kung araw araw tayong mage-ensayo rito? Paniguradong hindi tayo palalabasin ng akademya ng Punong Ministro!" Tama nga naman si Eartha. "Akong bahala. Ngayon din ay babalik na tayo sa akademya at hihingin ko sa Punong Ministro ang kaniyang permiso." Saad ko ng nakangiti. "Kung gayon. Tara na sa labas upang makaalis na tayo!" "Teka!!!" Sigaw ni Bay kay Tatum at hinawakan Ito sa balikat. "Hehe. Elementia mag teleport na lang tayo para mabilis." Kamot batok niyang saad. Oo nga no! Ngayon ko lang yan naisip. Kumapit silang lahat sa akin, talagang kapit na kapit na tipong aakalain mong ayaw kumawala sa pagkakakapit nila. Ipinikit ko ang aking mga mata at inisip ang lugar na aming tutunguhin. Ang silid ng Punong Ministro. "Hintayin niyo na lamang ako rito sa labas" bilin ko sa kanila bago pumasok sa loob ng walang kakatok katok. "Ano't naparito ka Binibini?" Nakatalikod Ito mula sa akin habang may binabasang napakakapal na aklat. Muka nang malalagas ang mga pahina nito sa sobrang luma. "Magandang araw Punong Ministro. Nais ko lamang ipaalam sa iyo na gusto kong hingin ang iyong permiso na kung maaari ay doon na lamang ako tumira sa aking bagong tahanan sa Aheydi na hindi kalayuan rito. Kasama ang buong Xientor." Malakas na napasara Ito ng aklat at agarang napaharap sa aking kinaroroonan. "Bakit, Binibini?" Ipinagsalikop nito ang kaniyang mga daliri at kinikilatis ang aking mga kilos. "Papayagan lamang kita roon kung ikaw ay may magandang rason." Bakit kailangan pang sabihin? Psh! "Isang mahalagang bagay iyon Punong Ministro na tanging kaming Xientor lamang ang nakakaalam. Isa itong sikreto, kung maaari. Hindi lamang iyon ang dahilan. Gusto rin naming Xientor na magsama-sama sa iisang tahanan at maranasang tumira sa labas ng akademya. Ng kami lamang." Tagal naman magsalita! Psh! "Pumapayag na ako. Ngunit sana'y kayong lahat ay magingat." "Maraming salamat, Punong Ministro." Halos magtatalon talon ako sa tuwa papalabas sa kaniyang silid at hindi ko mapigilang maglabas ng ngiti sa aking mga labi. "Tara na! Maghahakot pa tayo ng ating mga gamit!" Hinila ko silang lahat papaalis doon at dumaan sa likod upang mas mapabilis ang aming pagpunta sa kanilang mga dormitoryo. "Talaga? Napapayag mo ang Punong Ministro?" Tumango ako kay Wila dahil kanina pa sila nagtatanong at halatang hindi makapaniwala sa nangyari. "Dalian niyo at ako'y tapos na sa aking mga gamit." May mga ilang tagapagsilbi sa akademya ang naglabas ng aking mga gamit matapos nilang i-empake ang kalahati sa mga Ito. Syempre kailangan may mga damit parin akong itira dito dahil bahay ko pa rin Ito. "Sa palagay niyo ay magkakasya ang gamit natin sa apat na karwahe?" Nandito na pala si Eartha, kabababa lamang mula sa kaniyang kuwarto. Nandito kasi ako sa dormitoryo ng Xientor. "Hindi tayo magka-karwahe. Teleport na lang." Sabi ni Leydi at tumingin sa akin. "Sige kayo bahala. Saan ba ang mga lalaki at para makaalis na tayo?" "Sabi nila ay sa kuwadranggo na lamang tayo magkita kitang lahat." Sagot ni Wila kay Eartha. "Kung gayon ay tara na habang hindi pa mainit doon ng sobra at baka mamaya lang rin ay naroon na ang mga estudyante." "Humawak kayo kung ayaw niyong maiwan" saad ko. Hawak hawak kaming lahat ng kamay at hawak din ang aming mga bagahe. "Dali na kumapit na kayo sa amin at gusto ko nang umalis!" Inis na sabi ni Eartha at iniikot pa ang mata sa mga lalaki. Ang mga Ito naman ay ginaya pa ang paraan ng pagikot ng mata ni Eartha na lalong ikinainis nito, pero bago pa sila magpang abot ay mabilis akong nag teleport kasama silang lahat sa aking tahanan at sabay sabay na sumalampak sa upuan. Ikinumpas ko ang aking kamay sa lahat ng bagahe na aming dala at saka pumitik ng dalawang beses bago Ito lumutang ng kusa at kusang dumiretso ang mga Ito sa kani kanilang kuwarto. "Matutulog muna ako" sabi ko at nagteleport sa silid ko. "May kailangan pa pala akong gawin. May kailangan pa akong tuklasin sa Dark World. Baka sa susunod na araw ko na lamang iyon simulan. Kailangan ko pang maghanda, at sa ngayon ay tulog ang aking kailangan." Pumikit ako at buong pusong tinanggap ang kapayapaan sa pagtulog. SOMEONE'S POINT OF VIEW "Bukas na bukas rin ay nakahanda na ang iyong mga gamit, Ginoo." "Alis!" Bulyaw ko sa mga alipin na nasa aking harapan. Umalis ang lahat at ako na lamang ang natitira sa loob ng isang silid na tanging ako at ang aking trono lang ang naroon. "Ako na lang ang bibisita sa iyo. At sa inyo, ng may buong kaluluwa." Napangisi ako sa isiping pupunta ako sa lungga ng mga kalaban. JIEL'S POV "Binibini, nais kong sumama!" "Hindi maaari! Delikado roon! Mapapahamak ka." Isinukbit niya ang isang maliit na bag sa kaniyang balikat na katerno ang itim nitong kapa. "Kung ganon ay bakit ka pupunta, doon?" Makulit akong nilalang. Ngunit may binabagayan lamang. "Malakas ako. Kaya ko ang sarili ko, Jiel!" Hinawakan ko siya sa braso at pinigil umalis. "Ano ako? Mahina? Binibining Elementia, gusto ko lamang sabihin sa iyo na iba ako sa kanila." Saad ko at isinukbit ang bag na maliit sa aking kanang balikat at nagsuot rin ng kapang itim na katulad ng kaniya. "Tara na Binibini. Tayo'y magteleport na lamang. Ayokong maglakad ng napakalayo papunta sa kadiliman. Hindi sila ganon ka-importante para pag paguran." Kumapit ako sa kanya at gaya ng inaasahan, inikutan lamang ako ng mata bago mag teleport. Nandito kami sa likod ng kaharian ng Dark World. Ang Drogonia, Ito ang pinaka malakas na kaharian dito sa dark world. Tatlo ang kaharian dito. Nangunguna ang kaharian ng Dragonia, pangalawa ang kaharian ng Nyx at ang kaharian ng Benom. "Mag palit anyo ka na! Ano pa ang iyong hinihintay Jiel?" Pabalang na ani nito. Lumipat ako sa kabilang gilid niya at nag sabi ng ilang spells para mag palit anyo. Isang babaeng utusan ang aming napiling porma papasok ng kaharian. "Binibini, baka tayo'y mahuli? Kanilang maaamoy ang ating kapangyarihan na hindi kagaya ng kanila." "Oo nga. Ako na ang bahala!" Sabi niya. Pumikit siya at ilang segundong tahimik na nakatingala. "Tara na. Tapos na ako!" Lumakad kami sa saradong pinto sa likod ng palasyo. Pumasok kami doon at isang malaking itim na kusina at mga kagamitan ang bumungad sa aming dalawa. Kahit na itim ang lahat ng kulay ay napaka ganda at elegante nito sa mata ng lahat. Normal na kilos lamang ang aming ipinapakita. Walang bakas na takot sa aming mga mukha. "Kayong dalawa! Idala niyo Ito sa hapag baka mainip na ang mahal na Hari!" Ibinigay sa amin ng isang matandang babae ang dalawang trey na puno ng pagkain. "Saan---- saan ang hapag?" Tatanungin na sana ni Elementia ang babae ngunit umalis na Ito kaya sa akin siya bumaling na ipinagkibit balikat ko lang at nagtungo sa kaliwang parte. ELEMENTIA'S POV Tumungo kami sa kaliwang bahagi ng korido at tama nga. Isang mahabang itim na lamesa ang meron sa gitna nang napakalawak na silid. "Tama ba ang desisyon mo, Haring Hawthorne?" Aka ng lalaking katabi nito. "Desisyon ko ang masusunod at alam kong tama Ito kaya paninindigan ko!" Matigas na sabi ng Hari. Sa wakas. Nakaharap ko na siya. "Paumanhin, Haring Hawthorne." Lumapit kami dito ni Jiel at sabay na nilapag ang mga bitbit na pagkain sa lamesa. Paalis na sana kami ng may tumawag sa amin. "Dalawang Binibini!" Lumingon kami sa isang lalaking matangkad, maputi, makapal ang kilay, at guwapong Ginoo. "Kami ba ang iyong tawag, Ginoo?" Magalang na tugon ko. Tumango Ito at lumapit sa amin. "Paki-ayos ang hardin at ako'y tatambay." Sabi niya at umalis nang walang paalam. "Sino ba iyon?" Inis na bulong ni Jiel. "Baka Isa sa mga mahahalagang tao rito sa kaharian nila." Lumabas kami ng kaharian at pumunta sa hardin. Isang napakagandang hardin na mukang hindi nababagay rito sa itim na palasyo. Puno ng makukulay na paru-paru at bulaklak ang hardin. Maganda rin ang tabas ng d**o nito. Ang puno ay napakalaki at napakaganda ng mga dahon. "Tama ba ang mundong ating pinasok? Ito ba ang Dark World? Baka nagkamali tayo, Binibini!" Parang ewan si Jiel dahil sa inaakto niya. Kahit ako ay parang gustong magtatalon sa tuwa. Napaka ganda ng hardin. "Tara! Gusto kong mahiga sa damuhan!" Tumakbo ako ng mabilis sa loob at hihiga na sana ako ng higitin ni Jiel ang braso ko. "Maglilinis tayo Binibini hindi magpapahinga." Aww. Oo nga pala. Nakasimangot kong ibinaling ang aking mukha sa kanya para pumayag siya pero matigas talaga ang puso ng babaeng ito. Nagsimula siyang tanggalin ang ibang dahon na nalaglag mula sa puno ako naman ay iniayos ang mga bulaklak at binigyan ang paligid ng isang mabangong amoy na magbibigay sa iyo ng kaginhawaan. "Tapos na ako!" Sabi ko at humiga agad sa d**o. Ang sarap sa katawan! "Pfft! You look like a kid!" Tawa niya. Pero nagulat ako sa sinabi niya. "Hoy! Wag kang mag Ingles dito baka paghinalaan tayo!" "Wag kang mag alala. Wala namang nakarinig." Sabi niya. Tumabi siya sa akin pero umupo lang siya at tumingin sa paligid. "Ang gaan sa pakiramdam. Parang mas gugustuhin ko pang manirahan rito kahit na nasa kaharian pa Ito ng Dragonia." Napaisip ako sa sinabi ni Jiel. Kahit ako siguro ay ganun din. Pero hindi maaari. Ilang minuto pa kaming nakatulala at tinititigan ang lugar. "Maraming salamat mga Binibini. Pwede na kayong umalis" napatayo kaming dalawa ni Jiel sa gulat. "Pasensya Ginoo." Yumukod kaming dalawa ni Jiel para humingi ng paumanhin. Hindi na siya nagsalitang muli kaya umalis na kami. Nasa bungad pa lang kami ng tawagin niya ulit kami. "Ano ang inyong pangalan?" Nakangiting sabi niya. Umikot kami para makita siya at magpakilala. "Jiel ang aking ngalan Ginoo." "C-ciara. Ako si Ciara, Ginoo. Ikaw ba Ginoo? Ano ang iyong pangalan?" Napahagikgik siya ng bahagya dahil sa tanong ko. Mukang mali ng tanungin ko siya ng ganon. "Flixx na lamang ang itawag niyo sa akin." Sabay ngiti niya ng matamis. Para siyang mabait na tao. Parang napaka imposibleng dito siya naninirahan sa palasyo. Sa Dragonia. "Aalis na kami Ginoong Flixx." Niyapos ni Jiel ang aking braso at hinila palabas ng hardin. Hindi man lang naghintay ng sagot! Psh! "Saan na tayo tutungo?" Tanong niya. Saan nga ba? Hindi ko rin alam eh "Kailangan na nating bumalik baka mahalata na tayo ng Xientor. Bukas ng gabi na lang ulit tayo babalik dito pero tuwing umaga ay doon tayo sa akademya." Paliwanag ko na sinangayunan naman niya. Salungat kasi ang araw at gabi ng Mist World sa Dark World. Kung sa Mist World ay araw sa Dark World naman ay gabi. "Halika na pala, Binibini. May pasok pa tayo ngayon." Nasa liblib kaming parte ng gubat sa likod ng kaharian para mag teleport pa-uwi. "Awww!" Daing naming parehas dahil parehas kaming napasalampak sa matigas na sahig ng aking kuwarto. Maliligo pa pala ako anong oras na. Baka tanghaliin kaming pumasok nito. "Aalis na ako Binibini." Sabi niya at tumayo na. "Teka! Bakit ba Binibini ka ng Binibini? Elementia nga sabi!" Pagalit kong sabi. Kaasar! "Pasensya, Elementia." Saka siya tuluyang umalis. Kesa makipagbangayan ay nagtungo na ako sa aking paliguan para maligo at matapos ay magbihis. "Paano tayo pupuntang akademya? Wala tayong sasakyan!" Reklamo ni Wila. Nandito kaming lahat sa hapag, kumakain at sila naman ay namomroblema kung paano sila pupunta sa akademya. "Teleport?" Kanina pa kasi sila nag iingay kaya sumingit na ako para magbigay ng opinyon. "Nasa patakaran ng akademya na hindi maaaring nag teleport ang mga estudyante papasok ng akademya. Pero kapag lalabas ay pwede." Nakasimangot na sabi ni Arden. Teka! Alam ko na! "Limo?!" Nakangiting tanong ko na pati silang lahat ay nakangiting bituin sa akin harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD