ELEMENTIA'S POV
"Anong gagawin natin ngayon? Diba walang pasok?" Tanong ni Arden.
"Walang pasok. Sabi sa announcement kahapon diba kahit ano basta free day natin ngayon." Sagot ni Bay.
"Gala tayo? Sa mga Mall dito. Tutal wala pa tayong napupuntahan dito." Sabi ni Wila.
Sumangayon ang lahat sa sinabi nila kaya nagbihis na kami pang alis. Naka pants ang mga lalaki at simpleng polo at shirt ang mga babae naman ay bistida at yung iba ay naka short ng maikli at cocktail top. Sabi ng maid yan daw ang tawag sa mga uri ng damit dito.
Sumakay kami sa limo dahil yun lang ang sasakyan na kasya kaming lahat. Ang Black Lincoln limousine ni Mang Rick.. Kasama namin si Mang Rick dahil siya lang ang may alam ng mga lugar na maaaring puntahan at magalaan dito.
Huminto kami sa isang Mall. 'Eve' ang nakalagay.
"Saan ang unang puntahan natin?" Tanong ni Ronan.
Nagtaas ako ng kamay kaya napatingin silang lahat sa akin at naghihintay sa sasabihin ko. "PAGKAIN!!"
Boring na napatingin sila sa akin kaya napasimangot ako. "May arcade dito, baka gusto niyo doon kayo pumunta?" Sabi ni Mang Rick.
Dahil nga majority. I lose. Pumasok kami sa isang may glass wall na dingding. Puro makikinang na ilaw meron ang paligid na Ito. 'Led' daw sabi ni Mang Rick. Pumunta siya sa counter at bumili ng 'tocken' sabi niya. Unang pinuntahan namin ay yung sa may parang computer. Teken daw iyon sabi ni Mang Rick. Unang naglaro ay si Arden at Zabi. Puro sila sigawan at ayaw magpatalo ng dalawa. Halos palibutan na sila ng mga tao dito. Ng matalo si Arden ay si Wila at Bay naman ang sunod. Nagsusumamo pa si Wila na magpatalo si Bay pero tatawa tawa lamang itong Bay nato. Obviously natalo si Bay. Dahil sa nawala siya sa konsentrasyon dahil sa kakatawa ay ginawang advantage yun ni Wila para talunin siya. At yun parang binagsakan ng langit at lupa ang mukha.
"HAHAHAHAHAHA panong talo?" Pangaasar ni Wila.
"Tigilan mo nga ako. Masapak kita dyan eh!" Halatang naiinis si Bay sa pangaasar ni Wila sa kanya.
Hindi na namin sila pinansin at naglaro na lang sa iba. Hanggang sa umabot ang tanghali at nagyaya akong kumain dahil kanina pa talaga ako gutom.
Kakain talaga ako ng marami! Psh!
Pumasok kami sa isang resto. Maganda yung lugar lalo na yung ambiance. May mga bumbilya na nakasabit sa itaas. May ilang aklat na naka lagay sa gilid gilid. Para siyang resto para sa mga book addict. Sabi ni Mang Rick ay Italian resto daw ito.
Dahil sa hindi namin alam ang mga pagkain dito ay si Mang Rick na ang bumili para sa amin. Isang pasta ang sa akin na may parang d**o sa gitna.
Pwe! Anong lasa ba itong dahon na ito? May lasang hindi maintindihan.
"Saan ang punta natin nito Mang Rick?" River.
"Mahilig ba kayo sa mga aklat? May alam akong malaking silid aklatan rito. Isa iyong kilala at matagal nang aklatan. Marami kayong mauusisa doon na tungkol sa mundong tao."
"TALAGA? Kung ganon ay tara na...." tumayo si Leydi at kasama kami doon ni Jiel.
Iiling iling silang lahat na nakatingin sa aming tatlo. Ayaw pa nila pumayag dahil boring daw doon pero sa huli............
"WOWWW!!! ANG LAKI!! ANG GANDA! ANG DAMING AKLAT!!!" The three of us said in unison.
It's really beautiful. A lot of old books. Parang mga history books o kaya naman ay mga sinauna pa. Hindi rin karamihan ang mga tao sa loob.
"ID sir, Any?"
"Yes, here." Binigay ni Mang Rick sa babaeng nasa front desk ang isang ID na kulay itim na may ginto.
"Sir you are?....." Halong pagtataka at pagkabigla ang timpla ng mukha ng babae.
"Señior Cardrick Amaro ang personal na tagabantay ng mga batang ito."
Weh?? Gandang pangalan pang binata. Kaso matanda ang may ari. May Señior pa nga.
"Do they have a VIP's card too, Mr. Amaro?" Tanong uli ng babae.
Bakit ba ang daldal nito? Sarap sapakin eh.
"Yes, here" naglabas uli siya ng eleven card na parehas ng kanya.
Ano siya magtitinda? O collection niya?
Binigay niya sa amin ang tigiisang card. VIP card daw iyon. Aba malay ko kung ano yun.
In-scan lang namin yun at tuluyan na kaming naka pasok. Parang nagniningning ang mga mata ko sa nakikita ko.
"Geh! Bahala na kayo dyan. Wag niyo ko istorbohin" sabi ko at saka pumunta sa kaliwang bahagi ng library.
"Shemmsssss!!!! Ganda!" Ungot ko.
Kinuha ko ang isang aklat na naka agaw ng pansin ko.
Ang ganda ng cover niya at may kabigatan siya dahil sa taba at laki.
Umupo ako sa pinaka malapit na upuan na pang isahan, sa tabing bintana.
"Mythology" basa ko sa pamagat.
Ay teka. Ganito yung pinagaralan namin kahapon ah? Yung sa mga God's achuchu.
"Hmmm. Mukang marami akong malalaman dito sa librong toh"
*
Mangungud ngod ko na yung mukha ko dito sa aklat. Unti na lang ay malalamon ko na Ito dahil sa pangatlong beses ko nang binabasa sa buong hapon.
Alas syete na pala ng gabi pagtingin ko sa malaking orasan dito na nakasabit sa pader.
Grabe may Goddess of Beauty pala? Sa amin kasi Goddess of Elements lang. Sila ang Goddess na nagrerepresent ng main powers ng lahat.
May God of Love pa? Si Cupid?. Sa amin meron din naman kaso ang God ng Love sa amin ay ang God of all God's and Goddesses.
God of war sa kanila ay si Ares. Sa amin ay walang ganon. Kasi naka-talaga sa book of prophecy na 'once the powerful one came in our world. It's the sign of the war. Anyone who will oppose for the upcoming war, will die. Air to air, ground to ground, life to life.' Yan lang ang alam ng lahat sa book of prophecy dahil bawal itong basahin ng kung sino. Dahil kapag ginalaw mo iyon, 'a peek on the book is a peek to your life'.
Hades? God of underworld? Geezz! Si God Darko ang sa amin. Ang King ng Underworld ay Si Denim at ang anak na lalaki ni Denim ay si Lourd.
Balita ko gwapo daw si Lourd kaso Prinsepe ng Underworld. Hindi ko pa siya nakikita kaya di ko sure kung gwapo nga. Kapag nakabalik na kami sa akademya tatakas akong muli ng palihim at susubukan kong pumuslit sa loob ng underworld para makita ang Prinsepe at Hari nila. Gusto kong malaman sa sarili ko mismo ang itsura ng underworld dahil hindi lahat ng nasa aklat ay tama at detalyado.
May plano na ako! Ang gagawin ko na lang ay bilisan ang paghahanap namin dito sa mundo ng mga tao para makabalik kami agad. Sisimulan ko na ang paghahanap bukas para mapa aga ang uwi namin.
Nakaka excite!!!
"Hoy!!"
"Huh?" Maang kong tanong. Nandito silang lahat sa harap ko nakatayo at nakatingin sa akin.
"Kanina ka pa namin tinatawag pero naka tulala ka lang." Ronan.
"Bakit?" Tanong ko.
"Uuwi na daw tayo dahil gabi na at may pasok pa bukas. Kaya tara na baka masarhan pa tayo dito sa loob." Tatum. Tumayo na ako at ibinalik sa lagayan ang aklat. Sunod ay lumabas na kami at sumakay sa kotse.
"Kakain na tayo wag na muna kayong umakyat sa itaas." Sabi ni Mang Rick pagkarating sa bahay kaya sinundan ulit namin siya sa hapag.
Ang daming potahe. Lahat ay mukang masasarap.
"Magdahan dahan ka Elementia hindi ka namin uubusan. Baka mabulunan ka pa dyan!" Saway sa akin ni Eartha pero tinignan ko lang sila at kumain uli.
Teka, teka. Ang sakit na ng tyan ko. Tama na, di na ako makahinga.
"Oh ano? Busog? Kain pa. Marami pa oh!" Sinamaan ko lang ng tingin si Leydi dahil sa sinabi niya kaya ayun nagtawanan nanaman silang lahat.
Nakakatawa ba yung pagiging busog?
"Tama na iyan. Magsi-akyat na kayo at maagang matulog para bukas." Mang Rick.
Dahil masunurin akong bata ay umakyat na ako at nagpahinga saglit. Dumaan ang ilang minuto ay tumayo ako at nagtungo sa paliguan.
Syempre mag huhugas ako ng katawan dahil galing akong labas kanina. Nagsuot na ako ng pantulog at diretso sa kama.
"Magandang gabi" bulong ko at tuluyan nang nalamon ng antok at pagod.
*
"Sabi na mahirap talaga to eh!"
"How I wish I know the answers"
"Why is it so hirap ba? Can't that teacher make the questions easy?"
"My brain is bleeding"
"Or not? Unless you have!"
"Oh shut up there! I'm not talking to you!"
"I'm not talking to you to either. I'm talking to your lost brain."
"Oh c'mon! We all know that I'm brainy than you. You freak feeling nerd, your brainless!"
"Then why can't you answer that easy questions if your brainy? Or your just saying that? No offense, but I think it's true."
"What true?"
"That your stupid and a slow learner."
"THE F*CK ARE YOU SAYING?"
"QUIETTTT!!!!!! YOU TWO!! MS. ARNIZA AND MS. KRISTA! GET. OUT. YOUR DISTURBING MY CLASS. BOTH OF YOU! ZERO!! I DON'T WANT TO HEAR ANY COMPLAINS FROM THE BOTH OF YOU! SPECIALLY YOU MS. ARNIZA! YOUR THE SO CALLED SMART NERD IN OUR YEAR LEVEL SO ACT ONE!!" Galit na sigaw ng guro sa harap. Namumula na ang buong muka nito sa galit. Ang dalawang babae namang kanina pa nagtatalo ay lumabas na ng tuluyan.
Tumayo si Jiel, Leydi, Tatum at Ronan para magpasa ng papel. Ako kasi ay kanina pa nakapag pasa. Madadali lang naman ang tanong dahil naaral ko na lahat kahapon ng paulit ulit.
'May sasabihin ako' - sabi ko sa pamamagitan ng Telepathy.
'Ano yun?' - Ronan
'Kailangan na natin mahanap ang hinahanap natin dito.' - ako
'Bakit nagmamadali ka ata?' - Bay
'Gusto ko ng bumalik sa akademya ng mas maaga dahil may gagawin pa akong mahalaga doon' - ako
'Paano? Wala tayong clue or lead' - Eartha
'May ibinigay ang Punong Ministro sa atin, nakalimutan niyo na ba?' - Tatum
'Isang Babae na nagngangalang Ayisha na may kapangyarihang tubig' - Jiel
'Tama iyon nga' - Arden
'Kailan tayo magsisimula' - River
'Mamaya pagtapos nitong klase. By two tayo ngunit yung isa ay by three. Pero mas mapapadali kung by one. Anong mas gusto niyo?' - ako
'By two' - Zabi
'By two' - Wila
'Two' - Leydi
'By two na lang' - Ronan
'Ako din. Two ako' - Bay
'Okay. Si Zabi at Bay ang magkasama. Si Jiel at Leydi. Si Arden at Wila si River at Eartha. At si Ronan, Tatum at ako ang magkakasama. Mga bandang one magkita kita na lang tayo sa cafeteria.' - ako
'Sige. Magtatanong na lang kami ng may pangalang Ayisha at kakausapin sa garden tapos tatanungin namin siya kung may kapangyarihan siya at papalabasin namin iyon. Pero kung wala i-alter ko na lang ang memory niya' - Leydi
'Tama' - ako. Saka ko pinutol ang telepatiya.
Sumapit ang uwian ng tanghali. Isa isang naglabasan ang lahat. Kami naman ay naghiwa-hiwalay para sa mission namin.
"Sa Sophomore building tayo, sila na dito sa iba" sabi ko. Ng makalabas kami ng building ay dumiretso kami sa Sophomores building. Pinagtitinginan pa kami ng mga estudyante dito pero diretso parin kami sa paglalakad. Una kaming pumunta sa unang silid.
"Excuse me, miss" nilapitan ni Ronan yung babaeng tinawag niya.
"Yes Sir, may I help you?" Mukang mabait na bata.
"Dito ba yung room mo?"
"Yes Sir"
"Pwedeng magtanong? Do you have a classmate named Ayisha? It's a girl"
"Sorry Sir but we don't have." Saad nito at tinalikuran kami. Sunod na pinuntahan namin ay sa pangalawang silid.
"None?" Tanong ni Tatum sa kalalabas lang na si Ronan.
"Wala. Tara sa Isa" nagpauna na itong naglakad at ganon din kami. Sunod sunod na kwarto at nasa third floor na kami pero wala pa din. Naka usap ko na din ang iba at lahat ng building ay naikot na nila pero wala.
"May mali dito kaya walang umaamin." Ani ko.
"Ano?" Tanong nilang dalawa.
Tumingin ako dito saka ngumisi. Lahat ng tao ay nakahinto sa kanilang mga ginagawa. Tanging mga mistical lamang ang makakagalaw sa ganitong uri ng kapangyarihan. Ang Time freeze.
"Sa taas ako, sa baba ka Ronan at sa second floor ka naman Tatum. Kapag may nakita kayong gumagalaw na nilalang ay hulihin niyo agad. Alam niyo naman ang nagpapanggap sa hindi diba?" Paliwanag ko. Tumango sila at nagteleport sa kanilang designated area.
Naglalakad lang ako sa gitna ng corridor at palinga linga sa paligid. Nalibot ko na ang lahat ng silid ngunit wala. Ibabalik ko na sana sa dati ang oras at galaw nila ngunit may narinig akong kaluskos sa banyo ng mga babae. I hide my self using my invisibility and my other ability. My sound ability. I can control the sound I'm making. I can make it silent and louder as what it should be.
Dahan dahan akong pumasok sa loob nito. Ngunit walang tao. Umangat ako sa ere at tinago ang presensya ko. Ng nasa ere na ako ay sinilip ko mula sa itaas ang bawat cubicle at may isang babaeng nagtatago sa dulong cubicle na nababalutan ng tubig.
"Water invisibility. Hindi yan gagana sa akin dahil mas lamang ako ng lakas ng kapangyarihan sayo. Gagana lang iyan sa mga mahihina para hindi ka makita." Saad ko na ikina linga linga nito sa paligid. Tinanggal ko ang invisibility ko kasama ang sound ability.
Gulat na napatingin Ito sa akin nang makitang naka lutang ako sa ere.
"Ako si Elementia. Ang taga pamuno sa Xientor. Galing ako sa Sorcerer's Academy kung saan ako nagaaral kasama ang iba ko pang kaibigan. Ipinadala kami ng Punong Ministro dito upang hanapin ka at idala sa Mist World. Huwag mong itanong sa akin ang rason dahil hindi ko alam. Sumama ka sa akin kung ayaw mong matusta ng maaga." Bumaba ako at nilapitan ang cubicle niya saka itinulak dahilan ng malakas na kalampag.
Psh! Para yun lang manginig ka na sa takot?
"Hindi. Dito lang ako!"
Ahhhhhhhh!!!!! Putspa! Magsasalita lang para pang siraulo kung maka tili.
"You leave me no choice, then." Lumapit ako sa kanya pero nagpupumiglas siya. Wala siyang nagawa ng talian ko siyang gawa sa tubig. Naka tali ang paa at kamay niya. Binusalan ko rin ang bunganga niyang kay sarap sampalin.
Dahil sa bigat niya ay pinalutang ko siya at sabay na nag teleport sa bahay.
"Ay mulala. Nakalimutan ko sila!" Patampal sa noo kong saad.
'Teleport na lang kayo dito sa bahay. Nakalimutan ko kayo' - ako
'Nahanap mo na?' - Jiel
'Oo. Bago kayo babalik ayusin niyo yung Time Freeze. Meron naman ata sa inyo ang may alam at kayang gawin yon?' - ako
'Ako nang bahala. Sige paalam ko na sa kanila' - Jiel
"Binibini? Napaaga ata ang iyong pag uwi? Nasaan ang iba? Iyan na ba ang misyon niyo?" Sunod sunod na tanong ni Mang Rick.
"Hinga Mang Rick, ako napapagod sayo eh. Pauwi na rin sila dito at oo siya yung misyon namin."
"Oh? Ngunit bakit naka busal ang kanyang bibig?"
"Bakit gusto mong marinig magsalita? Okay, pagbibigyan kita." Tinanggal ko ang busal ng bibig nito, magsasalita pa sana si Mang Rick ng makarinig siya ng isang naka bibinging ingay na mula sa bunganga ng babaeng toh!
"PAKAWALAN NIYO AKO! HINDI AKO SASAMA SA INYO! HINDI NA AKO BABALIK ROON AT TANGING SI WHITLEY LAMANG ANG SASAMAHAN KO DAHIL AKO ANG GUARDIAN NIYA! WAG NIYO AKONG SUBUKANG PATAYIN DAHIL MARARAMDAMAN IYON NI WHITLEY! MALAKAS IYON KAYA MAPAPATAY KAYO NUN KAHIT HINDI PA KAMI MAGKAKILALA AY KONEKTADO KAMI SA ISA'T ISA! KAYA PAKAWALAN NIYO NA AKO! LETSEEEEEEEE!!!"
"BINIBINI BUSALAN MONG MULI DALI!! PAKIRAMDAM KO AY MAGHAHALO ANG BALAT SA TINALUPAN KAPAG AKO'Y TULUYANG NABINGI NG DAHIL SA BOSES BUSINANG SIRA NG BABAENG IYAN!" Hindi parin tinatanggal ni Mang Rick ang takip sa tenga niya kahit na naka busal na ang babae.
Halos mawalan ako ng hinga rito sa harap niya kakatawa. Daig pa ang bata kung magreklamo.
"Sigurado ka bang iyan ang hinahanap niyo?"
"Oo naman Mang Rick. Sadyang ganyan na ata talaga katining ang bunganga niyan. Pinaglihi sa daga."
"Aalis na muna ako Binibini. May gagawin pa ako sa itaas." Saad niya saka umalis pa itaas.
Lumapit ako kay Ayisha at isinama siya magteleport sa library. Ipinaupo ko siya doon sa isang upuan na nasa gitna. Itinali ko muna ang dalawang paa niya sa magkabilang paa ng upuan at ganon rin ang kamay niya. Saktong pagtapos ko ay ang pag pasok nilang sampo dito sa loob.
"Iyan na siya?" Tanong ni Arden na binatukan pa ni Bay.
"Pano mo nasigurado na siya iyan?" Tanong ni Tatum.
Tumikhim ako bago umimik. "Pumasok ako sa banyo ng mga babae at nakita ko siya doon sa dulong cubicle naglagay pa nga ng water invisibility para hindi siya makita. Psh! Ano ako walang water element?" Parang na-insultong saad ko na nagsitawanan silang lahat.
Nagtatakang nakatingin sa amin ang babaeng ito. Halatang naguguluhan. Kaya tinanggal ko ang busal nito para makapagsalita. Halatang gustong magtanong eh.
"Anong nakakatawa? At ikaw! Ano bang kapangyarihan mo? Tubig? At teleportation ang ability mo? O floating? Naguguluhan ako! Dark mist ka? Sigurado ako!" Naka nagising saad niya na akala mo ay talagang tama. Kahit ako ay napatawa ng malakas sa sinabi niya.
Hindi ko mapigilang matawa sa mga sinasabi niya.
"Teka, tama na!" Pagpipigil ni Zabi. Kaya nagsi hinto na kami.
"Pwede bang magpakilala kayo?" Sabi ni Ayisha.
Imbis sila pa ang magpakilala sa sarili nila ay ako na ang nagsalita dahil alam kong mahaba haba pa ang pagpapakilalang gagawin nila lalo na ang mga lalaki.
"Si Zabi Dion, Bay Heston, Wila Erida, Arden Fintan, Leydi Iya, Tatum Niall, Ronan Kendall, Jiel Esta, Eartha Demetra at River Zech." Turo ko sa kanila Isa isa. At pati ang kanilang mga kapangyarihan ay inisa Isa ko rin.
"Ako naman si Elementia." Maikling saad ko. Halatang hindi pa siya kuntento sa sinabi ko kaya nagtanong nanaman. Ang daming baon nitong tanong. Hindi maubos ubos kahit kanina pa habang nakatali siya at nakabusal ay nababasa ko sa isip niya ang mga gusto niyang itanong. Psh!
"Yun lang ba pangalan mo? Sa kanila sinabi mo ang buong pangalan nila pati ang mga elemental magic nila pero ikaw hindi. Ayusin mo nga!"
Aba! Akala mo kung sino kung mag utos ah!
"Mahaba habang pagpapakilala ang gagawin ko kung ganon. Pero dahil tinatamad ako. Paiigsiin ko na lamang. Elementia Ciara Whitley ang aking pangalan. Kapangyarihan ko? Lahat ay aking taglay. Ability? Ganon rin."
"Whitley? Tama ba?" Takang tanong niya. Tumango ako bilang sagot.
"Kung ganon ay ikaw ang aking meumro?"
Meumro? Anong salita iyon?
"Ano iyon?"
"Ang meumro ay master kung tawagin sa Ingles. Kasto ang tawag sa mga guardian na tulad ko. At ikaw ang meumro ko. Ang Whitley na makapangyarihan."
Baliw ba siya o ano? Kung ano anong sinasabi.
"Sa pagkaka-alam ko. Tanging mga makapangyarihang mistical lamang ang binibigyan ng kasto na mula sa mga Goddesses. At isa lamang akong ordinaryong mistical na nagkataon na maraming nataglay na kapangyarihan. Hindi ako ang meumro mo. Baka may kapangalan lang ako." Saad ko.
"Mapapatunayan ko iyan." Pursigidong saad niya.
"Sige. Patunayan mo"
"May balat kang hugis araw sa balikat mo sa kanan. Kulay puti ang sinag nito samantalang kulay itim ang bilog nito." Saad niya.
P-pano? Wala akong ibang pinagsasabihan niyon.
"Paano mo nalaman? Tanging a-ako lamang ang nakaaalam ng bagay na iyon." Halos paulanan ko siya ng mga tanong pero pinigil ko ang sarili ko.
"Dahil sanggol pa lamang ang meumro ko ay alam ko na ang palatandaan niya. Iyon ang magtuturo sa amin patungo sa aming mga meumro. At ikaw. Ikaw ang meumro ko. Ako ang kasto mo. Ang balat o marka ng dalawang magkaugnay ay magkasalungat. Kung ikaw ay araw. Ako naman ay buwan." Paliwanag niya.
Magkaugnay? Iyon ang meumro at kasto? Magkaugnay ang dalawang nilalang na iyon.
"Kung ganon. Nasaan ang iyong balat na tinutukoy?" Tanong ko.
"Tanggalin mo ang tali ko. Hindi ako gagawa ng kung anong ikagagalit mo wag kang magalala."
Sinunod ko ang sinabi niya. Ng matanggal na ang tali ay tinanggal niya ang blazer na suot niya. Tinistis ang manggas ng kanang bahagi ng polong puti niya.
Itinapat niya sa akin ang balikat niyang may balat nga. "Ito ang akin. At iilaw Ito tuwing magkalapit ang magkaugnay."
Doon ko lang napansin na kumikinang ng sobra ang balat niya. Napakaganda nito. Napatingin ako sa balikat ko ng makita kong may sumisilaw na liwanag dito.
"Arghhhhhhhh!!!!!! A-ang hapdi. AHHHHHHH!!!!!!" Sabay na sigaw namin. Dahan dahan kaming umangat sa ere ng bahagya na lalong umilaw ng nakakasilaw. Napuno ng nakabibinging ingay at nakakasilaw na ilaw ang buong silid.
Dahan dahan kaming bumagsak sa sahig at nanghihinang napa-upo.
"A-anong nangyari?" Tanong ko. Butil butil na pawis ang namumuo sa noo ko.
"Ayos lang kayo? Anong nangyari sa inyo?" Tanong ni Ronan.
Nandito pala sila. Nakalimutan ko.
"H-hindi ko alam" nanghihinang sagot ko.
"Nag a-ameunis t-tayong dalawa. Tanda na nagkita na tayo at tanda na buhay na ang ating marka. At iyon ang balat. K-konektado na tayong d-dalawa." Pati siya ay hirap kung magsalita.
Nagkaroon pala kami ng ameunis. Ang pag-iisa ng dalawang nilalang.
"Idadala muna kita sa kwarto mo, Elementia. Magpahinga ka at bukas mo na lang ipaalam sa Punong Ministro ang balita sa misyon. River. Ikaw nang bahala kay Ayisha. Idala mo siya sa ibang bakanteng kwarto."
Binuhat ako ni Tatum at inangkla ko sa leeg niya ang kamay ko para hindi ako mangawit. Ng nasa hagdan na kami ay napatingin ako sa mukha niya.
Perpekto at napaka gwapo.
"Wag mo akong tingnan ng ganyan. Baka matunaw ako niyan." Bungisngis niya na inirapan ko lang.
Isiniksik ko ang mukha ko sa dibdib niya at nagpalamon sa pagod.
Ang sarap matulog sa mga bisig niya. Ang gaan sa pakiramdam.
'Wag! Pakiusap. Palayain mo na kami. Hindi kami sasanib sa inyong grupo. Tanging kinalakihang pwersa ko lamang ang aming susundin. Pakiusap, wala kayong makukuha sa amin.' nakaluhod na wika ng babae. Naka itim at higit na sampung mga lalaki ang nakapalibot sa dalawang babae. Ang Isa ay bata pa at ang Isa ay dalaga.
'Bibigyan ka namin ng chansang mabuhay, Binibini. Ngunit ang kapalit ay ang hihilingin namin.' saad ng lalaking pang apat sa kaliwa.
'A-ano iyon?' halata ang kaba sa mukha nito.
'Sumama ka. At tutuparin namin ang pangako namin. Buhay niyo.'
'N-ngunit. Ayokong sumama. P-parang awa niyo na.'
Dahil sa bagot siguro at inis ng mga lalaki ay tinira nila Ito ng latiego. Isang itim na makapangyarihan, sa isang pitik lamang ay mawawala ka na. Kasabay ng pagtira nilang lahat ay ang pagkawala ng babae at ang pagiging abo. Isang malakas na hagulgol ang namuno sa buong gubat na mula sa bata.
Kinuha Ito ng lalaking nasa kanan. Akay akay, ngunit hindi Ito tumitigil sa pagiyak. Lalapit na sana ako sa pwesto nila ng makita ako ng isang lalaking naka itim na kasama nila. Agad ako nitong binato ng dark water. A dead water indeed, a poisonous one that easily kill your heart. Sinalag ko Ito ng shamara ko. Shield na gawa sa matibay na mahika, pinagsama samang kapangyarihan ko.
'May Light mist! Isang espiya!' sigaw nito. Lahat ng atensyon nila ay nabaling sa akin at halatang gulat. Sa pangalawang pagkakataon ay sabay sabay akong tinira ng mga Ito. Buti na lamang at narito pa ang shamara ko. Lumikha ako ng nakabibinging ingay sa buong paligid. Lahat sila'y napaluhod at pilit na tinatakpan ang mga tenga.
'ITIGIL MO IYAN BINIBINI!' sigaw ng isa ngunit tila ako'y nabibingi.
'IPAKITA MO ANG IYONG MUKHA!' dugtong ng Isa.
Magsasalita sana ako ngunit paano? Walang kahit na anong letra o salita ang lumalabas sa bibig ko. Para akong napipe.
Ang siyang paunti unting pagwala ng ingay ay ang unti unti ring pagkawala ko sa lugar.
"Ayos ka lang ba? Anong nangyari sayo? Bakit tila, pagod na pagod ka? Para kang kakatapos maligo dahil sa tagaktak mong pawis."
"A-anong ginagawa mo dito sa k-kwarto ko?" Halos takpan ko ang buong katawan ko ng kumot.
"Binibini. Tandaan mo Ito. Hindi kita ginalaw at wala akong intensyon. Kaya ako narito dahil mula ng buhatin kita at ihiga ay ayaw mong tanggalin ang pagkakayap mo sa akin at mas lalo mo pa itong hinigpitan. Ginamitan mo pa ako ng kapangyarihan mong yelo. Nilagyan mong yelo ang paanan ko upang hindi ako makagalaw at makatakas. Paulit ulit kitang ginigising dahil pinagpapawisan ka na at ang galaw galaw mo. Tapos pagiisipan mo ako ng masama? Binibini, ako si Tatum Niall, isang Prinsepe na walang nararamdaman sa tulad mo." Ngisi niya. Feeling proud pa nga. Doon ko lang naramdaman ang lamig sa paanan niya kaya naisipan kong magbiro.
"Ganon ba Ginoo? Paumanhin sa aking inasal. Nawa'y mapatawad mo ang tulad ko. Nais mo bang matanggal ang yelong nakabalot sa iyong mga paa?" Tanong ko nang may ngiti sa labi.
"Aba'y bakit hindi?"
At dahil doon ay tinanggal ko. Ngunit ipinalit ko ay bato. Nagmuka itong sapatos sa kanya dahil magkabilaan Ito. "Maraming salamat Ginoo sa iyong pagbabantay. Ako'y baba muna at magtutungo sa silid aklatan upang kausapin ang Punong Ministro. Paalam." At tuluyan na akong umalis. Rinig sa buong bahay ang napakalakas na sigaw ni Tatum na tinatawag ang pangalan ko at pinipilit na tanggalin ang nasa paa nito.