CHAPTER 5; MONSTER

3104 Words
MINISTRA MINJANE LOVINGLEY'S POV "Hindi niya maaaring malaman!" Saad ng punong ministro. "Ngunit paano natin ito maitatago sa kanya kung gayong narito siya sa loob ng akademya! At isa pa alam nating lahat na marami tayong ginagawa at abala tayo sa pagsolusyon sa problemang iyan!" Saad ko na may medyo pagtaas ng tono. "Wag na wag niyong papauntahin si binibining Elementia sa lugar na kung saan nandoon ang problema. Baka mapahamak pa siya. Yun lamang." Pagsasalitang muli ng punong ministro "Punong ministro, ang ibig mong sabihin ay bantayan siya hanggang matapos ang problema?" Tanong ni ministro Edj. Tumango naman ang punong ministro rito kaya't napahawak ito sa kaniyang sintido na para bang ang laki ng problema. Nakaisip ako ng paraan para mabawasan lalo ang problema kaya ako na ang umagaw sa tahimik na atmospera. "Punong ministro. Nais ko lamang itanong sa iyo kung maaari ay pakiusapan natin si binibining Elementia na tumulong rito. Tutal ay mas malakas siya sa ating lahat, pinuno." Suhestyon ko. Agad nitong ibinaling ang kaniyang pansin sa akin. Pati narin si ministro Edj na para bang maganda ang aking naisip dahil muli ay nakangiti ito. "Tama ka ministra Minjane! Maaari tayong humingi ng tu---" hindi na niya natapos pa ang kanyang sasabihin ng sumingit si punong ministro. "HINDI MAAARI! BAKA MAPAHAMAK PA SIYA! HUWAG NA HUWAG NINYONG IDADAMAY ANG ISANG BATANG WALANG KAALAM ALAM SA GANITONG BAGAY! MALAKING PROBLEMA ANG ATING KINAHAHARAP. ISA LAMANG SIYANG DALAGANG MAY HIGIT SA DALAWANG KAPANGYARIHAN." Malakas na sigaw nito sa buong kuwarto habang nakatayo at nakapatong ang mga kamay sa lamesa. Gulat ang gumuhit sa mukha ng isang ministro na kahit ako ay ganon din. Dahil sa pagaakalang sasangayon ang punong ministro rito. Ngunit hindi. Ngayon lamang namin siya nakitang ganito magalit. Kapag nagagalit siya ay pinapalabas niya ang sinuman na kasama niya para kumalma siya. Ngunit ngayon ay pawang may mali kaming nagawa na sobra niyang ikinainis. Nanlalaking mga mata niya ng tingnan niya kaming dalawa ng ministro upang humingi ng tawad. "P-pagpasensyahan niyo na ako. Nais ko lamang sabihin na hindi dapat natin idawit ang isang bata. Kahit pa na gaano siya kalakas. Malaking problema ang meron tayo ngayon." Magsasalita na sana ako ng biglang magsalita si ministro Edj. "Ngunit punong ministro, ano pa't ipinapadala silang malalakas sa misyon lalo na siya, kung hindi natin mahingi ang kaniyang tulong ngayon?" "Makinig na lamang kayo sa akin. Ako parin ang punong ministro. Wala kayong magagawa sa magiging desisyon ko." Saad nito saka padabog na umalis sa loob ng silid. Sabay na lamang kaming napabuntong hininga ng ministro. Lumabas narin ako sa silid upang libutin ang akademya. At para na rin makapag-isip ako ng maaaring solusyon sa problema. "Magandang araw Ministra!" Pagbibigay galang sa aking ng isang babae sa aking harapan. Nag-angat ako ng tingin rito upang makita kung sino ito. Laking gulat ko ng si binibining Elementia ang aking nakita. "M-magandang araw rin sa iyo binibini" pagtugon ko rin dito. "Wala ka bang gagawin ngayon binibini?" "Iyan rin ang itinatanong ko sa sarili ko ministra kung ano nga ba ang maaari kong magawa rito sa loob ng akademya." "Maaari ba ak----S-sige binibini mauuna na ako sa iyo. May kailangan pa akong gawin." Pagpapaalam ko sa kaniya. Pagkakataon ko na iyon upang humingi ng tulong. Ngunit isang malaking pagkakamali dahil nakita kong nakatingin sa gawi namin ang punong ministro kaya naman agad kong pinutol ang aking sasabihin bago ko pa iyon matapos. Bago ko lagpasan ang ministro ay bumati pa muna ako rito bilang paggalang. Ng mapunta ako sa hardin ay naupo ako sa isa sa mga malalaking bato roon saka magisang kinakausap ang aking sarili. Tinatanong kung paano mapapadali ang pagsosolusyon sa problema. Isang mabigat na buntong hininga ang aking binitawan bago inihilamos ang aking dalawang palad sa aking mukha. ELEMENTIA'S POV "Iyan rin ang itinatanong ko sa sarili ko ministra kung ano nga ba ang maaari kong magawa rito sa loob ng akademya." Sagot ko sa ministra. "Maaari ba ak----... S-sige binibini mauuna na ako sa iyo. May kailangan pa akong gawin." Pagpapaalam niya sa akin kahit hindi pa niya natatapos ang kaniyang sasabihin. Nakita ko naman itong nakatingin sa punong ministro na para bang takot na takot at ang laki ng kasalan rito at dali daling umalis sa aking harapan. Ng tumingin ang ministro sa aking gawi ay agad akong ngumiti rito saka nagpatuloy na umalis at umuwi sa aking tahanan. Iniisip ko parin ang nangyari at ang sinabi ng sirena kanina. Pero hindi ko alam na dinala pala ako ng mga paa ko sa likod ng hardin ng akademya. Pumasok ako sa loob nito at inilibot ang aking paningin sa kabuuan. Nagulat ako ng makita ang ministra na nakaupo sa isang malaking bato habang nagsasalita mag isa. Umakyat ako sa itaas ng puno ng hindi niya nalalaman at nararamdaman saka ako umupo sa sanga. Tahimik lamang ang nakikinig at pinagmamasdan siya mula sa itaas. Hindi ako gumagawa ng kahit na anong ingay upang hindi siya magulat. "Anong gagawin ko? Si binibining Elementia lamang ang makakatulong sa amin." Saad nito saka itinapon ang maliit na batong hawak. "Paano namin maibabalik sa dungeon ang halimaw na iyon?" Bulong nito. "Halimaw?" Bulong ko rin sa sarili. Sa halip na direkta kong tanungin ang ministra ay mas lalo pa akong naging tahimik upang makinig rito. "Hayyy! Sana lamang ay matuklasan iyon ni binibini upang sa ganong paraan ay hindi ko sinabi sa kanya. Kapag natuklasan niya iyon ay baka siya pa ang makapagpabalik ng halimaw sa dungeon. At hindi pa magagalit ang punong ministro dahil ang binibini mismo ang nakaalam. Tama! Ngunit sana nga." Aniya na parang ang saya saya. Tumayo na siya saka akmang lalabas ng hardin ng pigilan ko ito. Gulat itong napatingin sa akin at hindi malaman kung anong sasabihin. "Mawalang galang na ministra. Pasensya sa biglaan kong pagsulpot at sa pakikinig ko sa iyo. Nais ko lamang itanong. Ano ang iyong ipinupunto kanina?" Tanong ko rito ng makababa ako mula sa sanga ng puno at saka magalang na humarap rito. "A-ah. B-binibini..... P-pasensya na d-dahil ako'y maraming g-ginagawa. Ako'y nagmamadali sa a-aking pupuntahan. M-mauuna na ako." Utal nitong saad. Kumaripas ito ng lakad palabas ng hardin na akala mo ay may humahabol rito. Hindi ko na lamang pinansin iyon at pumunta na lamang ako sa silid aklatan. Hindi ko rin malaman kung bakit ako nagpunta rito. Umupo ako sa isa sa mga pinakadulong lamesa sa loob ng aklatan. Inihiga ko ang aking ulo sa lamesa at ginawa kong sandalan ang aking kamay upang kahit papaano ay hindi ako mangawit. Habang nakahiga ako ay nadako ang aking pansin sa isang lagayan ng mga libro na kumikinang. Napatayo ako mula sa aking pagkakadukmo at saka marahang nilapitan ang aklat. Sa halip na ito ang kunin ko naagaw ng paningin ko ang katabi nitong aklat na maliit at kulay luma. Kinuha ko ito at saka binuksan. Ngunit mga pahinang walang laman ang aking nakita. Sa halip na ibalik ko itong muli ay umupo ako sa sahig upang tignan ito. "Arayy!" Daing ko ng masugatan ang aking daliri sa naka-usling talim ng kahoy sa lagayan ng mga aklat. Sinipsip ko ang dugo mula sa aking daliri upang matigil ang pagdurugo. Habang ginagawa ko iyon ay sunod sunod kong inililipat ang pahina ng aklat ngunit ni isang letra o salita ay wala talagang nakalagay. Ng maramdaman kong medyo tumigil na ang pagdurugo ay itinaas ko ang aking daliri kapantay ng aking ilong saka pinisil. Hindi sinasadyang natuluan ko ng dugo ang pahina ng aklat. Dalawang patak ang tumulo rito. Pupunasan ko na sana ng biglang may isang patak nanaman ang tumulo. Sa pangatlong patak ay may kislap ng liwanag na nagmula sa aklat na siyang naging dahilan ng sunod sunod na paglipat ng mga pahina. Napunta ito sa ikalawang bahagi ng pahina ng aklat saka isa isang naglabasan ang mga salita rito. "Halimaw ng kalikasan nakontrol ng kadiliman. Ibalik ito sa kulungan at saka tignan tignan. Huwag papalinlang mga mata nito ang tignan. Iligtas ang nakatataas. Buhay nito'y maisusugal. Akademya'y bantayan at huwag iwanan. Malakas na pagsabog ang sisira sa kalahati nito. Halimaw ay huwag patayin. Kadiliman rito ay alisin. Makinig sa bilin ng libro. Sapagkat ito'y totoo. Itago ako, sila'y malapit na. Mamamatay ang nakatataas. Kaya't ngayon pa lang ay umalis ka na. Iligtas ang lahat. Panuto ay sundin upang buhay mo'y mailigtas rin." Ito lamang ang nakalagay sa libro at wala ng iba. Matapos kong mabasa iyon ay saka mabilis na nagsara ang libro na nagiwan ng nakabibinging ingay. *GROWLLL* Gulat akong napatingin sa labas ng aklatan at kita ko ang halimaw na nagwawala. Dali dali akong napatayo sa gulat at hindi namalayang nabitbit ko ang libro. Naroon ang mga ministro at ministra pati ang mga guro at punong ministro. Isang malaking halimaw na nagbubuga ng apoy. Ibinulsa ko ang libro saka ako lumapit doon. Binawalan ako ng punong ministro na lumapit sa halimaw ngunit hindi ako nakinig. Parang may kung anong enerhiya ang naghihila sa akin palapit rito. Isang malakas na hampas ang saki'y nakapagpahagis palayo sa halimaw. Pansin ko ang paglayo ng buntot nito sa akin na siyang humampas sakin ng malakas. Iika ika akong tumayo at pinunasan ang aking siko na may medyo hindi kalakihang sugat. Patuloy ang pagduro nito at napunit na rin ang damit na suot ko. Tinanggal ko ang kapa na suot ko at saka inihagis sa isang tabi. Akmang lalapit na sa akin ang punong ministro ng pigilan siya ng mga guro at ministra. Ginamitan niya ako ng kapangyarihan niya ngunit mas naunahan ko siya. Itinali ko ang kaniyang mga kamay na gawa sa tubig. Napipigil nito ang lakas ng isang Mistical kapag sila'y nagpupumiglas at napipigil rin nito ang kapangyarihan nitong taglay kaya't hindi siya makakapagpakawala ng kahit anumang kapangyarihan nito. Lumapit ako sa halimaw at hinarap ito ng buong tapang. Sinuri ko ang kabuuan nito saka ko tinignan ang mga mata nito. Ani mo'y nangungusap siya sa paraan ng pagtingin niya. Lumapit pa ako rito at saka ako lumipad paitaas kapantay ng kaniyang mata. Isang tinig na mula sa hindi ko malamang nilalang ang aking narinig. "Pakiusap binibini, ako'y iyong tulungan. Tanggalin sa akin ang kadiliman. Ako'y mistulang pagod at nahihirapan. Puso ko'y mababalot na ng kasamaan. Parang awa mo na. Ako'y iyong tulungan upang mapigil ang kasamaan" Nagpalinga linga ako sa paligid ngunit wala akong matandaang may ganong uri ng boses. Ibinalik ko ang aking tingin sa halimaw at ang mga nangungusap nitong mata ay unti unting napapalitan ng kadiliman. Inihaplos ko ang aking mga kamay sa kaniyang dibdib. Ng mga sandaling iyon ay hindi ko inaasahang mapasok ko ang kaniyang puso. Ang laman nito. Mga imahe. Mga impormasyon. At ang nangyayari sa kaniya ngayon ay aking napapanuod. "Isang pagkontrol. Puso niya'y kinoknotrol." Ipinikit ko ang aking mga mata upang mahanap ang pinakadulo ng kaniyang puso na kung saan nagmumula ang lahat ng detalye. Isang mahabang kulay pulang tali na konektado sa kaniyang isipan. At isang kulay asul na tali na naguugnay sa kaniyang mga kilos. "Binibini. Tali ay putulin. Sapagkat may nagkabit niyan sa akin. Dilaw na tali sa aking katawan ay lilitaw lamang kapag ang taling iyan ay natanggal sa aking katawan." Ani muli ng isang tinig. Hinawakan ko ang kulay pulang tali ng malaman kong konektado ito sa kaniyang utak. Lumapit ako sa kulay asul at saka ko ito agad na hinila. Isang malakas na sigaw na nagmumula sa halimaw ang aking narinig. Makabagong tali ang sumibol sa katawan nito. "Dilaw" bulong ko. Ng mabuo na ang kulay dilaw na tali ay agad akong naitapon papalabas ng katawan nito. Nakahiga ako sa sahig at hawak parin ng mahigpit ang tali. "Maraming salamat binibini. Ako'y iyong tinulungan at nakapagligtas ng iba pang buhay. Ako nga pala si Barak, Binibini. Isang higante. Nais kong ibalik ang tulong na ginawa mo sa akin. Tawagin mo lamang ako sa iyong isipan at ako'y darating kahit nasaan ka man." Saad muli ng isang tinig. Nasisiguro kong iyon ang higante na kanina pa nagsasalita sa aking isipan dahil hindi naman bumubuka ang kaniyang bibig. Tumango na lamang ako rito bilang pagsangayon. "Binibini! Ayos ka lang ba?" Hinawakan ni ministro Edj ang aking sugat sa siko ng biglang may umagaw rito. Hinawakan ni Barak ang aking siko saka hinaplos sa isang iglap ay nawala ang aking sugat pati narin ang kirot nito. Ngumiti lamang ito sa akin at ganun rin ako. Bahagya pang napaatras ang ministro sa ginawa nito. Siguro ay nagulat. "Nakakapagod!" Mahinang usal ko pag pasok ko sa loob ng bahay ko. Pasalampak akong nahiga sa aking kama at nagpabuntong hininga. Umikot ako ng ayos at sa sandaling iyon ay nakapa ko ang aking bulsa. Isang hugis parisukat na bagay ang aking nadaganan. Umupo ako at saka kinuha ito para alamin. At doon ko lamang napagtanto na dinala ko pala ang aklat na ito. Bubuklatin ko na sana ng makita ko ang aking repleksyon sa salamin. Gula-gulanit na damit ang aking suot. May bahid pa ng dugo ang parting nagkasugat. Ang buhok ko'y magulo at may mga dahon at dumi rito. Dahil siguro sa pagkakahagis sa akin kanina kaya sumama ang mga kalat sa aking buhok. Ang mukha ko. Ang mukha ko ay mistulang pagod na hindi maintindihan. Kaawa awang itsura ang aking nakikita. Tinitigan ko ang aking sarili sa salamin hanggang umabot ang aking mga mata sa repleksyon ng mata ko. Malalim na titig ang aking ibinibigay sa repleksyon ng mata ko. Halata rito ang lungkot, pagod, at ang kislap ng unting pagsuko. Bago ko pa matunaw ang aking sarili ay nagtungo ako sa banyo ng aking kuwarto upang maligo. Hindi narin ako nagtagal sa loob upang magbabad. Matapos kong maligo ay nagbihis na lamang ako at saka humiga sa aking kama. Nagiisip ng mga kung ano anong mga walang kwentang bagay. Hanggang sa kusa ng sumuko ang aking mga mata dahil sa pagod kaya ako nakatulog. "SASAMA KA!!!" "H-hindi. Hindi ako s-sama sa iyo. M-masama ka! MASAMAA!!!!!" Sigaw ng babae sa lalaking pilit siyang hinahatak nito sa gubat. "Aking ka lang! Ako lang dapat! Huwag kang lalapit sa lalaking iyon! Ako ang una mong minahal. Ngunit paano nabaling ang iyong nararamdaman sa kaniya sa ganon kadaling panahon na inyong pagsasama?" Maluha luhang pagsusumamo ng lalaki rito. Ngunit hindi parin nagpatinag ang babae at kusa na niyang hinila ng buong lakas ang kaniyang kamay at saka niya ibinigay ang buong pwersa rito upang itulak ang lalaki at saka ito dali daling tumakas. Dahil sa pagmamadali nito ay hindi niya namalayan ang paparating na palaso rito na agad na tumusok sakto sa bahagi ng kaniyang puso. Napahiga siya sa lupa na siya namang pagguhit ng gulat, pagaalala at kung ano pa ang mukha ng lalaki. Agad siyang tumakbo sa kinaroroonan ng babae at saka ipinahiga sa kaniyang hita. Napuno ng hagulgol ang buong gubat na siyang pagdating ng malakas na ulan. Kasabay ng pagtulo ng ulan ang pagtulo ng kaniyang masaganang luha. Sa hindi malamang dahilan ay binuhat niya ang babae at saka inilagay sa lupa nama'y hukay. Hinila niya ang palasong nakatarak sa puso ng babae. Inilagay niya ang mahabang tela sa katawan ng babae upang balutin ito. Matapos ay tinabunan niya ito ng lupa at saka naglagay ng bungkos na rosas at inilagay sa libingan ng babae. Ng dahil sa paghihinagpis sa babae ay humiga siya sa tabi ng puntod ng kaniyang mahal at saka humimlay. Dalawang lalaking nakaitim ang siya ring pumatay sa kaniya. Palaso nito'y siya ring tumusok sa puso nito. Ang libingan ng dalawa ay magkatabi. Bago pa tuluyang bawian ng buhay ang lalaki ay isang mapait na ngiti ang kaniyang ibinigay sa dalawang lalaki. "Sa wakas! Makakasama ko na rin siya sa kabilang buhay." Mahinang usal nito na animo'y hirap na hirap ibigkas dahil sa kawalan ng hininga at ang unti unting pagkaubos ng kaniyang buhay. Napabalikwas ako ng bangon dahil sa panaginip ko. "Anong meron sa panaginip ko? H-hindi ko m-maalala. Arghhhh!!!!!" Daing ko. Padabog akong tumayo sa aking kama at saka dumiretso sa banyo upang maligo. Umaga na nang ako'y magising, matapos makatulugan ang pagod ko kagabi. Nagsuot ako ng roba na gawa sa balat ng hayop na may makakapal na balahibo na kulay itim at puting pinaghalo. At saka mahabang damit na pangalis. Lumabas ako ng akademya upang pumunta sa bayan. Doon na lamang ako kakain. Kesa magisa akong kakain sa napakalaking hapag kainan na iyon. Ng marating ko ang bayan ng Aheydi ay pumunta ako sa isa sa mga sikat na kainan rito. Medyo marami ng tao kaya sa dulo na lang ako pumwesto para iwas sa mga ingay. "Inihaw na manok at sinangag na kanin." Sagot ko sa lalaki rito sa harap ko. Tumango naman ito at saka umalis. Dumating ang pagkain ko na agad ko ring naubos. Masarap ang manok. Matamis ang lasa nito. Apat na ginto ang aking ibinayad bago umalis. Sunod kong pinuntahan ang mga bilihan ng mga mamahaling damit. "Magandang umaga binibini. Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?" Tanong ng medyo may katandaang babae sa akin. "Nais kong bumili ng panibagong roba at ng bistida." Iginaya niya ako sa loob ng isang limitadong kuwarto. Hindi na ako nagtaka kung bakit dito niya ako idinala. Maraming magagandang damit ang nasa loob. Isang Royale blue na roba na may ivory satin. Itinuro ko iyon sa tinderang katabi ko na siyang kinuha niya at agad na ibinalot. Sunod kong itinuro ang isang kulay puting roba na may ivory faux fur sa bawat gilid. Katerno nito ang kulay puting bistida na sayad hanggang sahig. Hugis puso ang hugis ng dibdib nito. "Isa iyan sa mga pinakamamahalin at mahirap hanapin na roba at bistida sa buong mist world. Isang daang gintong pilak ang halaga nito" Tumango tango ako rito at saka sinabing. "Kukunin ko lahat ng bagong roba at bistidang mga katerno nito." "S-sigurado ka b-binibini?" Utal nitong tanong. "Oo. Ibalot niyo na lahat." Dali dali niyang binalot and higit singkwentang mga damit. Marami na ang aking nabili. Hindi ko naman ito magagamit lahat dahil may sariling uniporme ang akademya. Bahala na! Sabagay! May mga binili rin akong damit pakikipang digma para sa misyon. "Magkano lahat?" Tanong ko sa babae. "Sampung libong gintong pilak lahat binibini." Kinuha ko lahat ng laman ng pitaka ko at buti na lamang ay may natira pa akong pilak. Pumunta ako sa sakayan at sumakay. Napuno ko ang buong karwahe ng puro bagahe kaya binayaran ko pati ang aking mga bagahe. "Pakipasok na lang iyang nga bagahe ko sa aking bahay. Salamat." Saad ko sa guwardya ng akademya. Agad naman nilang ibinuhat ang aking mga pinamili papunta sa aking bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD