ELEMENTIA'S POV
"Magandang araw, ministra" bati ko.
"Magandang araw rin, binibini. Mukang lumabas ka ng akademya?"
"Namili lamang ako ng mga damit."
"Ganun ba? Magpapatuloy na ako binibini. Magandang araw muli!" Saad niya bago umalis. Yumukod ako sa kaniya at saka ngumiti.
Nagpatuloy na akong maglakad papunta sa aking bahay. Nais ko nang magpahinga sa labis na pagod na aking nadarama. Masyadong nakakapagod ang pamimili ng mga damit. Kahit na taga turo lamang ako at sila ang taga balot.
Pag pasok ko sa loob ng aking bahay ay nasa sala ang mga damit. Nagkalat ito kaya tumawag ako ng ilang mga tutulong sa akin sa pagaayos.
Dumating ang limang babae na tagapagsilbi ng akademya. Agad naman nilang isinalansan ng maayos ang aking mga damit ng may pagiingat. Matapos niyon ay lumabas na sila at ako naman ay agad na tumakbo paitaas upang magpahinga.
Kinse minutos na akong nakahiga sa aking kama doon lamang napawi ang aking antok kung kailan gusto ko ng matulog ay hindi ko magawa.
Kung bumili kaya ako ng lupa at bahay sa Aheydi? Para kapag bakasyon ay wala ako rito sa akademya. Tama! Bibilihin ko na lamang ang itinitindang bahay sa bayan.
Mas malaki lang iyon sa bahay ko ng limang beses at may benteng kwarto.
Ang laki naman ata niyon masyado? Isa ko lang naman ang titira doon. Hay bahala na! Basta bibilihin ko na lang iyon.
"Sa Aheydi, Ginoo" Sabi ko sa lalaking kutsero ng mapagdesisyunan kong magpunta sa bayan. Tumango naman ito saka pinaandar ang kalesa.
"Saan tayo sa Aheydi, binibini?"
"Sa Mercianda, Ginoo"
Iniliko niya pakanan ang kalesa at saka kumaliwa at sa pagkaliwa niya ay pansin ang malaki at mamahaling bahay. Hanggang sa inihinto niya ang kalesa sa tapat nito. Bumaba ako at saka nagbayad bago ito umalis.
"Anong maipaglilingkod ko sa isang magandang Binibini?"
Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa gulat.
"Hindi ko inaasahan ang iyong presensya sa mismong harap ko" walang kabuhay buhay kong sabi.
"Pasensya na binibini kung nagulat man kita dahil sa biglaan kong pagsulpot. Ano ang iyong sadya?"
"Maari ko bang makausap ang may ari ng bahay?"
"Maaari. Sumunod ka na lamang sa akin." Pagaaya niya sa akin papasok sa loob. Sumunod ako rito at pansin kong medyo bata pa ang kaniyang itsura.
Kumanan kami sa pasilyo at saka dineretso ito. Matapos ay tuloy tuloy lamang kaming pumasok sa loob ng isang kuwarto.
"Ama, may nais kumausap sa iyo." Magalang na ani ng lalaki.
"Sige Kiro. Maaari ka nang lumabas." Saad ng isang tinig mula sa upuang nakatalikod sa amin. Sa taas ng sandalan nito ay hindi mo makita ang mukha o katawan nito.
Nagpaalam ang lalaki na nagsama rito sa akin at napagalaman ko ring Kiro Santorio ang kaniyang buong pangalan. Sa palagay ko ay Ama niya itong kausap niya kanina. Dahil......
"Maupo ka muna Binibini. Ako nga pala ang may ari ng mansyon na ito. Ginoong Santorio, Binibini" pagpapakilala niya sa akin. Umupo ako sa upuan na nakapwesto sa gilid ng kaniyang lamesa.
"Ano ang iyong sadya, Binibini?"
Agad kong nailipat ang aking paningin rito habang nililibot ng aking paningin ang kabuuan ng silid.
"Hindi ba't ipinagbibili niyo itong bahay, Ginoo?" Panimula ko.
Tumango siya ng marahan saka sumimsim sa kanyang tasa na may mainit na tsaa bago magsalita.
"Nais mo bang bilihin, Binibini?"
Tumikhim ako sandali bago magsalita.
Hindi ba halata na bibilihin ko ang bahay kaya ako pumunta rito? Kung hindi ako interesado ay malamang wala ako rito. Tsk!
"Kung maaari Ginoo ay babayaran ko na ngayon"
Agad na napabuga siya ng kanyang iniinom ng masabi ko iyon.
Nakakadiri! Tumalsik pa sa akin ang ilang tsaa na galing sa bibig niya!
"HA-- HA-- HAHAHAHAHAHAHHAHAHA! Nagbibiro ka ba HAHAHAHAHA Binibini?" Hagalpak niya habang nakahawak sa kaniyang tyan.
Ibinigay ko ang seryosong reaksyon ko na agad naman niyang napansin kaya siya mabilis na napaayos ng upo.
Muka ba akong nagbibiro? Kung lokohan lang pala itong gagawin ko hindi na sana ako nagabala pa at nagsayang nang oras sa kagaya mo.
"S-sigurado ka ba Binibini?"
"Magkano ba ang lahat Ginoo? Babayaran ko na ngayon din"
Kinuha niya ang kulay puting papel sa gilid ng lamesa nito at ibinigay sa akin.
"Walong daang libong ginto?" Tanong ko rito.
"Nagulat ka ba Binibini?" Ngisi nito sa akin.
Napatawa ako ng marahan dahil sa sinabi niya.
"Hindi ko inaasahan na ganito ka-mura ang iyong bahay." Inilapag ko ang papel sa harap nito at saka ipinag daop ko ang aking kamay habang magkapatong ang aking dalawang hita.
"Babayaran ko na ngayon Ginoo. Sumama ka na lamang sa akin sa Ringgotia upang manguha ng mga salapi."
(A/N: Ringgotia po ang tawag sa bangko sa kanila)
Segundo rin ang itinagal ng titig nito sa akin saka tumayo at nagpaunang maglakad. Sumunod ako rito papalabas at agad kaming sumakay sa kalesa.
Inihinto ng lalaki ang kalesa sa tapat ng Ringgotia. Bumaba ako at ako na ang nagbayad. Pumasok kami sa loob at lumapit doon sa isang elf na namamahala sa Ringgotia.
"Binibining Elementia. Anong maipaglilingkod ko sa iyo?" Bati nito sa akin. Ngumiti ako rito at saka bumulong. Tumango din ito sa akin at iginaya kami sa isang kuwarto. Pumasok kami doon at tumapat sa bakal na pinto. Idinikit ko ang palad ko roon sa bilog sa gitna at nagbukas ito. Nagkaroon pa ng maingay na tunog ito bago tuluyang magbukas.
"Paano ka nagkaroon ng espesyal na kuwarto rito sa Ringgotia? At paano mo nakakausap ang tagapamahala ng Ringgotia? Hindi ba hindi siya nakikipagusap sa mga ordinaryong Mistical?"
Sunod sunod na tanong nito. Nakakunot na noo akong bumaling rito.
"Hindi mo ba ako nakikilala Ginoo?" Tanong ko rito.
"S-sino ka ba?"
"Hah! Bago ka lang ba rito sa Aheydi?"
"Oo. Ano naman kung bago lang ako?"
"Ako nga pala si Elementia, Ginoo" malugod na pagpapakilala ko rito.
"I-ikaw ang babaeng m-maraming kapangyarihan?"
Tumango ako rito bago pumasok sa loob. Sumunod naman siya sa akin ngunit lutang parin ang isip nito.
"Walong daang libong ginto. Iyon lamang ang kukunin ko Master Garder." Malugod na saad ko rito.
Kumuha siya ng isang itim na bageda na may disenyo ng Ringgotia sa gitna nito.
(A/N: ang bageda po ay bag sa kanila)
Kinuha ko ito mula sa kaniya ng iabot niya sa akin saka ipinasa kay ginoong Santorio.
"Iyan na lahat Ginoo. Aalis na ako maaari mo na ring kuhanin ang mga gamit mo sa bahay na nabili ko na." Saad ko rito saka tumalikod.
*******
"Aanhin ko nga ba ang ganito kalaking bahay kung ako lamang magisa ang titira?" Tanong ko sa sarili.
May ilang mga tagapagsilbi naman akong kasama rito. Ngunit kapag tapos na ang kanilang trabaho ay naroon lamang sila sa kanilang silid namamalagi.
Narito ako sa loob ng silid aklatan at hinahanap ko ang sikretong silid ayon sa dating may-ari ng bahay.
Isa isa kong sinubukang hawakan ang mga aklat na malalaki mula sa itaas ng gabinete ngunit wala paring nangyayari o nagbubukas man lang na lagusan. Lumapit ako sa isang lampara na nakasabit sa gilid ng pader at saka ko iyon sinubukang iikot paibaba.
"Tama nga ang hinala ko. Ito ang susi ng sikretong silid"
Sa kabilang gilid ay mayroon ring lampara na katulad na lamang nitong isa. Kaya walang pagdadalawang isip kong iniikot paibaba. Sa pagikot ko ay siyang pag bubukas ng sahig sa gitna ng silid. Lumapit ako roon at sinipat ang loob. Mayroong isang makitid na hagdan pababa na siya namang inaapakan ko ngayon upang silipin ang loob.
Kada apak ko sa bawat baytang ng hagdan ay siya naman pag sindi ng mga lampara sa bawat sulok.
Isang malaking training ground ang meron rito. At may dalawang pinto sa magkabilang gilid ng hagdan. Una kong sinilip ang aking nasa kanan. May mga damit pambabae na panglaban gawa sa mga bakal na kulay pilak at may mga kulay ginto na nagsisilbing lining nito. May mga espada rin, pana at kung ano ano pang mga sandata. Ng tignan ko ang kaliwa ay ganon rin ang laman nito ngunit puro pang lalaki ang mga kagamitan.
"Isang napakalakas na force shield ang nakabalot rito. Maganda pang ensayo." Saad ko sa sarili habang tinitingnan ang kabuuan.
Bago pa man ako makatulog sa loob ng silid na iyon ay lumabas na ako upang bumalik sa akademya. Saka na ako rito bibisitang muli kapag ako'y wala ng trabaho.
*******
"Bakit bumalik na lahat ng estudyante?" Tanong ko sa sarili.
"Binibining Elementia hindi ka pa ba pupunta sa oditoryum?"
Nilingon ko kung saan nagmula ang tinig na iyon at saka ko nakita ang buong Xientor.
"Anong mayron sa oditoryum Willa?"
"Sabi ng Punong Ministro na lahat ng magaaral ng akademya at pagtipun tipunin roon. Yun lamang ang aking alam Binibini"
"Kung ganon sabay sabay na tayong magpunta roon." Saad ko na tinanguan nilang lahat.
Umupo kami sa upuan sa pinakaunahan at ako ay nasa gitna nasa kanan ko si Jiel at kaliwa naman si Tatum.
"Magandang araw sa inyong lahat mga magaaral ng aking akademya. Itong pagtitipon na ito ay isang napakahalagang bagay. Siguro ay labis kayong nagtataka. Ngunit gusto ko lamang sabihin sa inyo na may ilang mga piling estudyante lamang ng Sorcerer's Academy ang bibigyan ng pagkakataong tumira sa mundo ng mga mortal sa loob ng isang linggo at kalahati."
Bulungan ang bumalot sa loob ng oditoryum. Samut saring reaksyon ang kanilang ipinapakita.
"Ngunit ang mga mistical na maaaring makasama ay pipiliin ng mahiwagang crystal."
Paliwanag ng Punong Ministro. Anong naisip nila at pumayag silang may makapunta sa mundo ng mga mortal? Saka matapos ang nangyaring pagsalakay ng halimaw ay magbibigay pa sila ng ganitong bagay?
"Sana mapili tayo!" Masayang sabi ni Willa na sinangayunan ni Bay at Arden.
"Dalawampu't isa ang kukunin sa inyong lahat."
Pagpapatuloy ng Ministro.
"Sigurado akong kasama na ang buong Xientor dyan" bulong ng nasalikod namin.
"Oo nga. Magagaling sila kaya sigurado rin ako" sabi pa ng isa.
'sana nga' sabi ko sa isip ko.
Nagsimulang umilaw ng sobrang liwanag ang bolang bilog habang unti unting nagkakaroon ng usok ang paligid nito.
"Arvyl, Shena, Drwery, Braun, Shimon, Ariella, Kalista, Hogan, Kruze, at si Cedar. Sila ang mga pangalawang pangkat na napili ng mahiwagang crystal. Ang unang pangkat ay walang iba kundi. Ang Xientor. Kayong lahat." Pagbabasa ng Ministro ng mga pangalan sa loob ng bola.
Parang may kung anong nagdiwang sa loob ng katawan ko ng mabanggit ang aming seksyon na mapalad na makakasama.
"Ang dalawang pangkat na yan ay magkahiwalay ng lugar. Hindi kayo pupunta roon upang magbakasyon. Sa isang linggo at kalahati niyo roon ay isang misyon ang inyong kakaharapin. Ang mga susunod na detalye na aking ibabahagi sa inyo ay napaka sagrado kaya kung inyong mamarapatin. Mga magaaral ng akademya maraming salamat sa pagpunta sa isang mahalagang pagpupulong. Sa kasamaang palad ay dalawampu't isa lamang ang pinili ng mahiwagang crystal kaya ang mga hindi napili ay maaari ng umuwi sa inyong mga dormitoryo upang magpahinga. At ang dalawampu't isang napili ay manatili lamang rito. Salamat sa inyo. Maaari na kayong umalis at magpahinga." Sabi ni Punong Ministro sa mga estudyante na isa isa nang nagsisialisan.
Ng kami na lamang ang natira muling nagsalita ang Punong Ministro upang ipaliwanag ang aming gagawin.
"Ang misyon niyo sa lupa ay hanapin ang dalawang taong maaaring magturo sa inyo-"
"Magturo ng alin Punong Ministro? Mawalang galang." Pagsisingit ni Shimon sa kabilang pangkat.
"Hindi pa ito ang tamang oras para ipaliwanag iyan. Ang gusto ko lang gawin niyo ay hanapin ang dalawang malakas na mistical sa mundo ng mga tao. Ayon narin ito sa propesiya."
"Punong Ministro sino ba ang aming hahanapin?" Tanong ni Ronan.
"Si Binibining Ayisha ang hahanapin niyo unang pangkat at si Binibining Emisha ang sa inyo pangalawang pangkat. Saka ko na ipapaliwanag sa inyo kung ano ang dahilan. Sa ngayon iyong misyon niyo muna ang inyong intindihin. Bukas na bukas rin ay aalis na kayo. Bukas ng alas singko ng umaga ay pumunta na kayo sa aking silid. Yun lamang maaari na kayong umalis." Saad niya sa amin saka naunang umalis.
Tumayo narin ako saka naglakad papalabas. Ngunit muling lumingon sa amin ang Punong Ministro at nagsalita.
"Wala kayong dadalihing mga damit dahil mayroon na roon at isa pa may titirahan na kayo roon. Dalhin niyo lamang ang inyong wand. Kung sakaling may mga Dark Mist na mapadpad doon ay huwag niyong gagamitin ang kapangyarihan niyo." Saka siya tuluyang umalis.
Umalis na rin ako saka dumiretso sa bahay ko at tuluyang natulog dahil sa pagod.
***
"H-huwag. Huwag mong p-patayin ang a-anak ko. A-ako na lang. Huwag lang siya. N-nagm-makaawa ako." Hagulgol ng babae habang nakaluhod sa harap ng isang lalaki na tila mo ay sinasamba niya ito.
"Huli na ang lahat. Wala ka nang magagawa. HAHAHHAHAHAHAHAHAHHAHA!" hagalpak nito na mala demonyo saka bumuo ng buhawi na kulay itim gawa sa usok.
Natabunan ng usok nito ang lalaki saka ang isang batang babae na walang malay. Ng mawala ang buhawi kasabay ng pagkawala nito ang bata.
Napuno ng hagulgol ng babae ang buong lugar. Hanggang sa tumawa siya ng isang nakakapangilabot na tawa.
Papalapit ang pigura ng babae sa aking pwesto na siyang ikinaatras ko.
Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay na akala mo ay mananakal na anumang oras. Sa sobrang takot ko ay tumakbo ako ng tumakbo ngunit hinahabol ako ng babae. Hindi ko magamit ang kapangyarihan ko dahil parang may pumipigil rito.
Dahil takbo ako ng takbo hindi ko namalayan ang isang malaking bato sa dadaanan ko kaya natumba ako at hirap makatayo.
Umayos ako ng upo ngunit maling galaw ang aking nagawa. Sa pagharap ko ay nakita ko yung babaeng humahabol sa akin ngayon ay nakangiti ng malapad sa akin. Dinampot niya ang batong malaki at itinaas ito. Alam kong ipupukpok niyo ito kaya inunahan ko na siya ginamit ko ang kapangyarihan ko ngunit walang lumalabas kahit anong subok ko rito.
Ng di ko namalayan ay bigla na lamang akong pinukpok ng malaking bato sa ulo na siyang nakapagpatulog sa akin.
***
Sapo sapo ko ang aking dibdib. Hingal na hingal ako at pinagpapawisan ng sobra. Para akong may tinatakbuhan ngunit hindi ko alam kung ano iyon.
Pilit kong inaalala ang mga nangyari sa akin ngunit ang natatandaan ko lang ay iyong humiga ako sa kama saka diretsong natulog. Ngunit ang isa sa mga napanaginipan ko ay wala akong maalala.
Sumilip ako sa bintana at nakita kong may araw na kaya naman tumayo ako at sinilip ang malaking orasan sa gilid ng bintana. 30 minuto na lamang pala ang natitirang oras para makapag ayos ako.
Tumayo na ako saka dumiretso sa banyo upang maligo. Matapos ay nagbihis ako at bumaba ngunit napansin kong may damit na nakalagay sa upuan. Isang kulay puting damit na hanggang palapulsuhan na may mga butones sa gitna at isang malaking laso na kulay itim ang isinasabit sa damit. Mayroon pang isang maigsing palda na dalawang dangkal ang taas nito mula sa tuhod saka isang medyas na kulay itim na hanggang tuhod at sapatos na itim.
'Ito ang susuotin mo Binibining Elementia'
-Punong Ministro
Nakalagay sa papel.
"I-ito?" Wala sa sariling tanong ko. Nagdadalawang isip pa ako ngunit ng tumunog ang malaking orasan ay mabilis ko itong isinuot sa aking katawan ng walang pagaalinlangan dahil sa taranta.
"Lagot! Ako na lamang ang hinihintay." Saad ko saka sinapo ang noo.
"Parang nabitin sa tela ang damit na ito." Bulong ko pa.
Dahil nga umuulan ng yelo rito sa mundo namin kumuha ako ng isang kapa na mabalbon na kulay puti.
"Eh? Ano ba itong ginagawa ko?" Tanong ko sa sarili.
Pano ba naman kasi yung kapa na kinuha ko ay sa likod lamang ng aking katawan ang natatakpan. Pero wala na akong oras para mamili pa kaya inlagay ko ang wand ko sa bulsa ng damit ko at yung kapa inlagay ko sa magkabilaang balikat ko kung saan doon iyon inilalagay.
"Ganito ang suot ng mga Hari at Reyna eh! Bakit ko ba Ito naisipang bilihin kahapon?"
Lumabas na ako ng bahay ko saka mabilis na naglakad.
Pinagtitinginan ako ng mga ilang magaaral na nadadaanan ko dahil sa suot ko.
Kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad ko hanggang sa....
"B-binibini?"
Lumingon ako at nakita ko si Leydi sa gilid ko.
"A-ayoko ng ganito" Saad ko habang nakasimangot. Tinignan ko ang suot niya at ganon rin pala siya. Naka kapa rin siya ngunit kulay itim iyon.
"Ang g-ganda mo Binibini. Bumagay ang kapa na suot mo sa damit" nakangiting sabi niya. Nagiwas tingin ako saka niyaya siyang maglakad papunta sa Punong Ministro.
Walang katok katok na pumasok ako roon kasunod si Leydi. Lahat sila ay narito na maliban sa aming dalawa.
Nabaling ang atensyon nila sa aming dalawa at saka matagal na tumitig. Ganon ang damit ng buong Xientor na babae ngunit sa kabilang pangkat naman ay ganon rin ngunit kulay asul at wala silang laso. Parehas ang pangitaas ng babae at lalaki ngunit sa babae ay palda sa lalaki naman ay pantalon.
"Ehemm. Kung napapansin niyo na magkaiba ang suot niyo. Dahil magkaibigang eskwelahan ang inyong papasukan. Bakit kayo papasok? Dahil doon niyo maaaring mahanap ang inyong hahanapin. Sa Blighter University ang inyong papasukan pangalawang pangkat ang unang pangkat naman ay sa Hillian Elite Academy. Pag pumasok na kayo ay gumamit kayo ng wikang Ingles para maayon ang inyong lenggwahe. Isa pa may gamit na kayo roon at titirahan. Ang payo ko lang ay huwag ipakita sa mga tao ang inyong kapangyarihan. Saka si Elementia ang magsisilbing tagapamuno ng grupo niyo Xientor. At sa kabila ay si Drwery." Paliwanag niya.
Huminto siya sa pagsasalita saka ako tinawag.
"Isang babaeng may kapangyarihang tubig ang kanyang taglay. Kapag nahanap niyo siya agad mo akong sabihan gamit ang telepatiya. Yun lamang" sabi niya saka tinawag si Drwery.
Binuksan niya ang portal na kung saan doon kami mapupunta.
"Mauna kayo mga Xientor." Saad niya saka kami sabay sabay na pumasok.
"Arayyy"
"Pwet ko masakit"
"Ano ba yan!!"
Reklamo nila. Iminulat ko ang aking mga mata. Lahat kami ay gulat na napatingin.
"Ito na ba ang bahay natin?" Tanong ni Zabi at Arden.
Tumango lang ako bilang sagot at saka tumayo ng saktong may lalaking pumasok sa loob ng bahay. Muka siyang nasa mid 30's
"Magandang umaga mga Ginoo at Binibini. Ako nga pala si Rick ang inyong personal na tagabantay sa inyo utos ng Punong Ministro. Isa rin akong mistical pati ang limang katulong ng bahay na ito. Mang Rick na lamang ang itawag niyo sa akin."
Nakayukong sabi niya.
"Hi po Mang Rick! Ako po si Willa. Siya po si Eartha, Elementia, Jiel, Leydi, Bay, Zabi, Tatum, River, Ronan at Arden." Pagpapakilala niya sa amin.
"Ikinagagalak ko pong makilala kayo. Tara na po at baka malate pa kayo sa school." Sabi niya. Bago kami umalis ay pumalakpak pa muna siya ng tatlong beses bago lumabas ang limang katulong na may bitbit na bag.
Isa isa itong ibinigay sa amin.
"Ano ito?" Tanong ko.
"Bag na naglalaman ng mga gamit niyo pang school Binibini."
Tumango ako dito at hinawakan ang bag. Kulay itim Ito at maliit lamang ang hawakan.
Bago pa kami tuluyang malate ay sumakay na kami sa nakaparadang kotse sa labas. Isang kulay itim na mahabang sasakyan.
"Anong pangalan ng sasakyan Mang Rick?" Tanong ni River.
"Ito po ang Black Lincoln Limousine short for limo. Dito po kayo sasakay lahat."
Pumasok kami sa loob at isa isang sumakay pahaba ang upuan nito at magkatapat. Sinilip ko ang bahay sa labas ngayon ko lang napansin na napakalaki pala nito at mayroon ring isang malaking fountain sa gitna.