Chapter 2

2168 Words
Life is just a battle. Sometimes you win, sometimes you lose. -Zeyannah, ALLTR Zeyannah Maaga palang din nang matapos akong mag Jogging at medyo mas maliwanag na ngayon kumpara kanina kaya naisipan kong pumunta muna sa isang Cafe na nakita ko kanina habang nag lalakad lakad hindi kalayuan sa bahay namin. Isa sa mga nakakabilib sakin ay madali akong makatanda ng mga daan at lugar. Well isa akong taong gala sa states pag busy sila mama at daddy sa work nila. Since malapit na ako makabalik sa bahay kanina mas mabilis akong nakarating sa may cafe. Frozen Cream Delight, Yan ang name ng Cafe shop na ito. Pumasok ako at pinag masadan ang lugar na'to. The theme, design, displays and everything is pretty good and well match. I like the ambiance of this shop. I love this place na. This place is so perfect pag gusto mong mapag isa at mag isip-isip. Napaka peaceful ng dating. Umupo ako sa may gilid, tabi ng glass mirror at nag order lang ako ng isang caramel cofee at isang maliit na strawberry cake. Maaga palang kaya mangilan ngilan palang kaming mga customer. Habang hinihintay ko ang order ko bigla kong naalala yung lalaki kanina. Bakit kaya ganon nalang siya magulat nung nakita niya ako? Is there something wrong with my presence at kung magulat sya parang isa akong multo. Nevermind. Naging mabilis ang pag serve nila ng order ko kaya naman nag simula na akong kumain. Masarap yung strawberry cake nila at kalasa niya yung lagi kong binibili sa favorite cafe ko sa states hindi siya masyadong matamis sakto lang pero mas organize yung design nung sa states but it's fine. Mukhang mapapadalas talaga ang pag punta ko rito. Gustong gusto ko talaga mag punta sa mga cafe kase it is one of my dream. Balang araw gusto ko mag karoon ng sariling cafe or restaurant pero pinag iisipan ko pa kase I also want to become an accountant at hindi yun ganon kadali para pag sabayin ang dalawang gusto ko pero I'll try my best. Matapos kong ubusin ang order ko nag stay lang ako saglit at napag desisyonan kong Umuwi na. Since hindi naman ito kalayuan sa bahay ay nag lakad nalang ulit ako dahil wala pa naman dumadaan na sasakyan. Habang nag lalakad ramdam ko na ang init dahil naka jacket nga ako at natuyuan nadin ako ng pawis. Ilang minuto lang ng makarating ako sa bahay at nadatnan ko si kuya sa may sala at nanonood ng CARTOON!?. "San ka Galing?" bungad na tanong niya sa akin nang mapansin niya ako. Hindi ba obvious sa suot ko kung saan ako nanggaling at anong ginawa ko? "Nag Jogging lang" sagot ko nalang "Sana nag sabi ka kahapon para naman masamahan kita" "Maybe next time nalang" sagot ko at pumuntang kusina para kumuha ng maiinom. Pag katapos kong uminom bumalik ako sa may sala at tumabi kay kuya para makinood. Iba na ang pinapanood nya at Hindi na cartoon naku nahiya pa. "Mamaya bibili na ako ng gamit ko baka gusto mong sumama at bumili ka narin ng gamit mo?" "Libre mo ba?" nakangising tanong ko napakamot naman siya sa ulo bago tumango. "Oo na may choice paba ako?"natawa naman ako sa itsura niya. Kung kuripot mga kaibigan ko sya naman madamot. Ayaw na ayaw niya ang nanlilibre kaya isa itong himala at susulitin ko na. "Asan pala sila Mama?" Ganitong oras ay nasa kusina na si mama at sinasamahan kung sino man ang tagaluto pero ngayon wala si mama sa kusina. "Maagang umalis may aasikasuhin ata" "Saan daw sila pupunta?" Nagkibit balikat sya bago sumagot "Wala silang nabanggit" Nanood nalang ulit kami at ni isa saamin ay wala ng nag sasalita dahil tutok kami sa panunood. Matapos ang kalahating oras ay natapos na ang pinapanood namin na hindi ko manlang pala nalaman kung ano bang title nito. Pero gaya ng nakagawian it end up with happy ending. Pag katapos namin manuod kumain muna kami ng umagahan bago ko napag pasyahang maligo. Umakyat na ako at pumunta sa kwarto ko. Nakita ko yung phone ko sa ibabaw ng mesa tabi ng lampshade kaya kinuha ko muna ito at nakita kong may message akong natanggap. Binuksan ko ito at kay Hanz pala galing. Si Hanz ang Boybestfriend ko sa States, Filipino rin sya pero dun na siya lumaki sa states kaya naman para siyang may lahi. Madami akong boybestfriend kaso sya ang best sa lahat. From:Hanz Goodmorning Zeya :) ~6:28am~ Still sleeping? ~6:30am~ I miss you already hope to see you soon ~6:31am~ Good morning? Eh hapon palang nila ah. Hanz is one of a kind. I never seen people like him siya ang kaunaunahang bestfriend ko sa states nung nag transfer ako. He has a sweet personality, carying and para na siyang kuya ko at the same time tatay. Naging crush ko nga siya noon eh. Pero secret lang hehe. To: Hanz Miss ko na kayong lahat and hope to see you soon. Sana :( Sent ~7:45am~ Pag katapos ko siyang replyan ay naligo na ako. Pakiramdam ko ang dumi dumi na ng katawan ko dahil sa alikabok kanina sa nadaanan ko ay kumapit na sa balat ko kahit na naka jacket at Pj's ako kanina kaya naman todo nalang ang pag sabon ko sa katawan ko at pag lagay ng shampoo sa mahaba kong buhok. Pagkatapos ko maligo mamili lang ako ng susuotin. Nag dress lang ako ng mga 1inch above the knee at nag dull shoes lang ako. Hindi na ako nag abala pang i ponitail ang buhok ko hinayaan ko nalang itong nakalugay at nag lagay lang ako Lip gloss at konting powder sa mukha. Malapit na palang mag 9 o'clock nung natapos ako kaya naman agad akong bumama at nadatnan ko si kuya sa may sala at mukhang nag hihintay na. "Bakit ang tagal mo?" tanong niya pag kababa ko. "Babae ako kuya. Matagal talaga akong kumilos kaya masanay kana" totoo inaabot pa ako minsan ng isang oras sa banyo ganon ako kabagal kumilos. "Halika na nga punta na tayong Mall" pag aya niya sa akin at sinundan ko sya papuntang garage para kunin yung kotse nya. Pag ka sakay namin sa kotse niya ay agad kaming umalis. Swabe lang siya mag maneho, medyo mabilis minsan dahil hindi pa traffic, buti naman. Sa totoo lang naiingit ako kay kuya kasi pinapayagan na siya nila mama na mag maneho ng kotse samantalang ako marunong naman pero di ako pinapayagan mag maneho. 15 minutes naka dating na kami sa Mall. Ibinaba ako ni kuya sa may entrance at S sinabi niya na hintayin ko nalang daw siya dito dahil pinark muna niya ang sasakyan sa Parking lot. Hinintay ko nalang siya dito sa may gilid at wala pang ilang minuto ay andito na siya. "San mo muna gusto pumunta?" Nagulat naman ako sa tanong ni kuya ang akala ko bibili lang talaga kami ng gamit. Knowing kuya hindi yan basta basta gagastos. Pero siguro talagang miss na miss nya ako. Naangiti naman ako sa naisip ko. "Bakit ka ganyan ma katingin?"kunot noo nyang tanong at nakangiting umiling iling ako. "Tarang Arcade!" Excited na sabi ko at pumunta kami sa may underground ng mall at andun pala ang Arcade malapit sa foodcourt. "Anong gusto mong laruin?" tanong niya at may naisip naman akong kalokohan. "Basketball tayo" sagot ko. "Ano nanaman yang binabalak mo?" nahalata niya yata yung pag ngisi ko. "Ganito kuya pataasan tayo ng score sa loob ng isang game at kung sino ang matatalo ay susundin nya ang isang big wish ng mananalo" nakangising sabi ko. Alam kong hindi mahilig sa basketball si kuya dahil soccer player sya. Hindi gaya ko na magaling sa basketball dahil tinuruan ako ng mga kaibigan ko kasi basketball player sila. "Alam mo namang hindi ako nag lalaro nyan" pag mamaktol niya syempre alam ko kaya nga malakas ang loob kong lumaban hehe. "Alam mo kuya, life is just a battle. Sometimes you win, sometimes you lose." Sabi ko sakanyan at sa part na to I'm the one who will win and you are the one who will lose "Ano Game?" "Sige na nga" napipilitang sabi niya Bumili muna kami ng token bago kami nag laro. Nag umpisa na siyang mag laro, siya ang nauna at okay pa naman ngayon at nakaka shoot parin sya naka 18 points na sya within 48 seconds ng malapit na mag one minute ay bumagal ang pag labas ng bola at mukhang naiirita na siya. "Hey whats wrong with you balls! Faster!!" Sigaw niya at yung mga babae naman na nanood pala samin ay mukhang kinikilig na dahil lang doon. Gwapo naman kasi si kuya. 2 minutes na syang nag lalaro at meron palang siyang 38points. Hindi naman sa hindi marunong si kuya, lalaki parin sya at likas na sa kanila ang marunong mag basketball sadyang hindi niya lang ito hilig laruin. "s**t!" "Shoot!" "Yes!" Yan lagi yung sinisigaw niya either siya ay nakaka shoot o kadalasang Hindi. Natapos na ang game at meron siyang 78points. It's my turn, panoorin mo ako kuya. Nag simula na akong mag laro. Hindi ganon kataas ang ring kaya lagi akong nakaka puntos. Shoot...Shoot...Shoot...Shoot.. Sunod sunod akong naka shoot at naririnig ko nalang si kuya na napapa mura. Minsan mabagal talaga lumabas yung mga bola kaya minsan hindi din ako nakaka shoot. Natapos akong mag laro at ngiting tagumpay akong tumingin sa score board at ayun 96 points. "Pano ba yan?" Masayang tanong ko na may pag mamayabang "Hayst oo na okay? Hindi na ako magaling mag basketball" pag aamin niya at natawa naman ako. "Ano namang parusa ko?" Tanong nya "Saka na muna yan. Laro pa tayo" Sabi ko pag hahandaan ko muna yung 1 big wish ko sa kanya. Nag laro ulit kami ni kuya at nag kantahan. Good thing parehas kaming marunong kumanta, mas magaling nga lang siya at isa yan sa pinag kakasunduan namin. Pagkatapos namin sa arcade ay pumunta muna kami sa may foodcourt para kumain dahil 12 o'clock na pala at gutom na ako. Napadami ako ng pagkain na binili pano naman kasi kanina pa ako nililibre ni kuya kaya talagang sinusulit ko baka hindi na maulit eh. Tahimik lang kaming kumakain ni kuya dahil parehas kaming busy kumain. Pag katapos kumain agad akong inaya ni kuya na pumunta na ng bookstore at hirap na hirap naman akong tumayo dahil busog na busog ako at sabi nya nasa 2nd Floor ang bookstore. Kahit na hirap na ako mag lakad ay kinakaya ko dahil sa bookstore kami pupunta at excited na ako bumili ng mga bagong books oh my sana madaming bagong books ngayon I really love reading books especially pag tragic ending pero kahit ganon hindi ko maiwasan na masaktan though tragic ending ang mga gusto ko. Pag karating namin sa bookstore sa mga Book area ako dumeretso at hinayaan ko si kuya na pumunta sa mga school supplies mamaya na ako don. Nag tingin tingin ako ng libro at sakto madaming new arrivals. Ilang minuto din ako nag tingin tingin bago ako may nagustuhan na libro. 4 na libro lang ang napili ko at pupunta na sana ako sa mga school supplies nang makita ko si kuya sa likod ko nakasandal sa isang shelves at mukhang kanina pa ako pinapanood. "Done?" Bored na tanong niya at ngumiti ako ng sobra dahil mukhang inip na inip na sya. "Punta na ako pipili ng mga gamit hehe" pilit ko siyang nginingitian pero mukhang hindi na siya natutuwa. "I already pick 1 box of ballpen share na tayo dito and naka pili nadin ako ng other materials na kailangan natin just go and choose what notebook do you prefer but I suggest you to buy a binder kasi hindi sila masyadong nag papasulat dito and they just give a hard copy of lessons" okay siya na ang madaming alam basta ako happy kasi may bago na akong mga libro. Nag punta na ako sa mga school supplies and as he suggested bumili lang ako ng notebook na binder and a 2 separate one, wala lang in case kailangan. Pagkatapos pumili ay pumunta na akong cashier at sakto si kuya na ang nasa counter kaya agad kong nilagay mga gamit ko including my books kaya napalingon si kuya na kunot ng noo at nginitian ko lang sya kaya napailing na lang sya. I love you kuyaaa you're the best hehe next time ulit. Matapos namin bumili ng mga gamit ay deretso na kami sa may parking lot. Tahimik na si kuya mukhang napadami kasi ng gastos pero okay lang yan kuya. Habang nasa biyahe kami pauwi ay naka tingin lang ako sa labas dahil ang tahimik na ng kasama ko kaya nanahimik nalang ako baka bigla akong singilin eh. Nang makarating na kami sa tapat ng bahay at hinihintay na buksan ang gate ay nahagip ng mata ko ang isang lalaking nakatayo sa hindi kalayuan at naka tingin saamin? Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD