Chapter 1

2130 Words
All I want is to fit myself in a place where I can be free from everything -Zeyannah, ALLTR Zeyannah Nag lalakihang mga gusali Mahabang pila ng mga sasakyan May mga usok na nang gagaling sa iba't Ibang sasakyan Tirik na tirik na araw ngayong umaga palang Yan ang tanawin na nakikita ko mula sa labas ng bintana ng sinasakyan kong kotse. So this is the Philippines right now? Air Polluted, Traffic, at Mainit. Ibang iba sa States! Hindi ko alam kung bakit kinakailangan pa naming lumipat dito sa Pilipinas. Wala naman akong problem with my Study, wala din naman kaming problema nila Mama at Daddy pero I don't know bakit bigla nalang nila naisipan na lumipat dito sa Pilipinas. Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal na tulala simula ng dumating kami dito sa Pilipinas. Pinag mamasadan ko lang ang mga nadadaanan namin at papunta na kami ngayon sa bahay namin dito sa Pilipinas at kanina pa sinasabi nila mama na malapit na kami pero ang tagal umusad ng sinasakyan namin dahil sa traffic. Since I was in the mid of Grade 8 nang lumipat kami sa states doon ko pinag patuloy ang pag-aaral ko and I thought we will stay there for good dahil sa work nila mama at daddy sa states pero ngayon bigla nalang nag-aya sila Mama na umuwi dito sa Pilipinas. Nung una akala ko bakasyon lang pero sabi nila dito ko na ipagpapatuloy ang pag-aaral ko and hanggang ngayon I don't know the reason kung bakit biglaan nilang naisipan na umuwi dito. Dahil hindi na kami umuusad ng dahil sa traffic, matutulog nalang ako!. "Yannah were here"naalimpungatan ako ng marinig ko ang sinabi ni mama. Hay sa wakas, After how many years and finally andito na kami ngayon sa bahay namin. Tagal ko din natulog ha. Tsk!. Papasok na ang kotse namin sa isang gate na kulay maroon. 3years akong hindi umuwi ng Pilipinas at talagang naninibago ako ngayon sa nakikita ko. Hindi na kasi ito yung dati naming bahay, I mean pina renovate nila at ngayon ko lang talaga ito nakita. Two stories ang bahay namin at simple lang ang design hindi gaya ng ibang bahay na very sosyal tignan pero kahit simpleng tignan ang bahay namin parang napaka peaceful at ang sarap tumira may mini garden sa harap na malamang ay tambayan dahil may round table dito at may mga upuan, ang cute lang tignan. Nasa labas palang kami ng bahay, pansin na ang kadiliman sa loob. Napahawak tuloy ako ng mahigpit kay Mama. May ilaw naman sa labas ng bahay, ba't sa loob wala? Ang ganda pa naman ng bumungad samin sa labas pero mukhang haunted house naman pala to, ang dilim! Namalayan kong binuksan na ni Daddy ang pinto ng biglang sabay sabay bumukas ang ilaw at parang may sumabog. "WELCOME HOME!" Napatili naman ako dahil sa sigaw nila, confetti pala yung sumabog haha. "OMG!" sila kuya may pa surprise! Hindi ko tuloy mapigilan matawa sa itsura nila. So cute, oh my! "Alam mo bang buong araw naming pinag handaan to tapos tatawanan mo lang" masungit na sabi ni kuya. Pa'no ba naman kasi, hindi ko talaga mapigilang matawa kasi nakasuot pa sila ng party hat. Birthday party lang? Haha. May mga balloons at pa confetti pa sila. Kasama ni kuya si Manang Ester, Manang Linda at kuya Boy. "Hindi kaya ako tumatawa, natutuwa lang duh" pag kunwari ko. Seriously hindi ko inaasahang gagawin to ni kuya. "Tch, halika nga rito" sabi nya at binuka ang mga kamay nya kaya patakbo akong lumapit para yumakap. "Na miss mo ako kuya no?" Pang aasar ko sakanya, humiwalay naman sya saakin at ginulo ang buhok ko. "Ako nga ba?" Pang aasar nya din. Natawa nalang ako, sobrang close kasi kami ni kuya pero hindi kami madalas mag sama at mag kita kasi dito sya sa Pilipinas nag aaral. Bumibisita lang sya minsan sa States. "Ang sweet naman ng mga anak ko" rinig kong sabi ni Mama na ngayon ay nakaakbay si Daddy sakanya. "Na miss kasi ako ni Princess Mama" natatawang sabi ni kuya. "Nako hindi ah! Si kuya Mama, Miss nya ako" sabi ko naman. "Kayo talaga, oh sya mamaya na kayo mag bangayan. Mag pahinga kana muna Yannah at ikaw naman Akhi, tulungan mo si kuya boy mag buhat ng mga bagahe" "Aww kawawa naman si kuya" natatawang sabi ko at tinakbuhan sya. "Mamaya ka lang!" Narinig kong sabi nya. "Yannah, samahan na kita sa kwarto mo" napalingon ako sa nag salita. "Manang!" Si Manang Ester, siya ang nag alaga sa akin mula bata hanggang sa pag tanda ko lalo na nung mga panahong nasa states sila Mama at andito palang ako sa pilipinas sya ang tumayong Mama ko na lagi kong kasama. Si Manang Linda naman ang kay kuya at si Kuya boy naman ang hardinero namin at nag babantay din sa bahay. "Na miss kita manang!" Masayang sabi ko. "Ikaw talagang bata ka, nauna lang akong umuwi sainyo ng ilang buwan" paalala nya. "Ah basta na miss kita" parang batang sabi ko. "Oh sya oo na, oo na" natatawang sabi nya. "Hindi mo ako na miss?" Pangungulit ko. "Na miss syempre" sabi nalang nya kahit mukhang hindi naman haha. "Ayiee na miss ako ni Manang!" Nakakatuwa talaga kulitin at asarin si manang, parang laging nag papasensya sa kakulitan ko. "Tara na sa kwarto mo at mag pahinga kana. Parang dika napapagod sa kakulitan mong bata ka" nag papasensya nga haha. Nang makarating na kami sa kwarto ko, sa may second floor pala. Pinag masdan ko ang kabuuan nito at hindi gaya ng kwarto ko sa states mas maluwang ito. Inayos lang namin ni Manang ang gamit ko bago siya mag paalam at umalis pagkatapos ay nag bihis na ako dahil init na init na ako sa makapal kong suot na damit. Tinignan ko ang oras at 11 palang ng umaga kaya matapos kong mag bihis ay nahiga na ako sa kama ko at dahil sa pagod ay agad akong naka tulog ulit. Nagising ako ng maramdaman ko ang marahang pag tapik sa akin."Anak gising na" pag mulat ko ay nakita ko si Mama na naka upo sa gilid ng kama ko "Gising na anak kakain na tayo" Nakangiting sabi nya tinignan ko ang oras at napabangon agad ako. "Ma bakit ngayon nyo lang ako ginising!?" gulat na tanong ko 8 na ng gabi at almost 9 hours akong naka tulog. "Ginigising ka ng kuya mo kanina kaso sarap na sarap ka raw sa pag tulog kaya minabuti nalang namin na hayaan kang matulog dahil alam naman naming pagod ka sa byahe" pag papaliwanag ni mama kaya napa tango nalang ako sa kanya. "Ganon po ba? Sige Ma sunod nalang ako sa baba ayusin ko lang sarili ko" Sagot ko at humalik muna sa noo ko si Mama bago lumabas ng kwarto ko. Nag hilamos lang ako, nag sipilyo at inayos ang sarili bago tuluyang bumaba para kumain. Nadatnan kong kompleto na sila sa hapag kainan pero halatang hindi pa sila nag sisimulang kumain. "And there she is" bigay pansin sakin ni Kuya. "Come here anak let's eat" tinapik pa ni Mama ang katabi nyang upuan kaya naman agad akong umupo rito. Agad kaming nag simulang kumain. Ngayon ko lang naramdaman yung gutom ko kaya naman feeling ko mapapadami ako ng kain. "I just want to remind you Yannah na next week na ang pasukan nyo" biglang sabi ni Daddy. "Bakit ang aga naman June palang next week and August ang pasukan diba?" Tanong ko. "Well iba dito sa Pilipinas anak. Karamihan ng school June ang pasukan at ang August ay pasukan ng mga college students" si Mama ang sumagot sa tanong ko. "Pero hindi pa ako nakaka pili ng school na papasukan ko, ni hindi pa ako naka pag enroll" eh kakadating palang namin pano ako makakapili ng maayos na papasukan kung next week na pala ang pasukan?. "Everything is fine. Na settled na namin ni daddy mo at same school kayo ng kuya mo para naman mabantayan ka nya" paliwanag ni mama. Eto ang ayoko sa buhay ko. Maganda at marangya nga pero sila ang nag dedesisyon para saakin. I don't have the freedom to choose kung ano ang mga gusto ko. All I want is to fit myself in a place where I can be free from everything. Pero pano? Saan? Kailan?. Pinag patuloy ko nalang ang pag kain ko at kahit na nagugutom ako para bang nawalan ako ng gana kumain. Mabilis akong natapos kumain at agad na nagpaalam sa kanila at pumunta na ako sa kwarto. Nag open lang ako saglit ng f*******: ko at bumungad sakin ang maraming messages from my friends. Hay nako kahit kailan talaga mga kuripot sila. Mas pinili pa nilang mag message sa f*******: kaysa ang tawagan ako pano kung hindi ako nag open ng matagal? Alam naman nilang hindi ako masyadong tutok sa mga social media. Binasa ko nalang ang mga messages nila at ayun nga miss na daw nila agad ako, kailan daw ba ako babalik? Kung pwede lang sanang maiwan ako sa states eh kaso ayaw nila Mama. Nireplyan ko nalang sila isa isa at nag out na. Since ang haba ng tulog ko kanina naisipan ko munang manood ng Kdrama. I love watching Kdrama kasi dito ko lang nakikita ang almost perfect na relationship parang sa fairy tale o mga Disney movies na kahit anong mangyari it will end up happily ever after na malayong malayo sa reality. Sabi nga ng mga kaibigan ko masyado daw akong bitter dahil hindi daw ako naniniwala everytime na may mag confess sakin ng feelings nila, wala akong pinapayagan na manligaw sakin. Well ayoko lang muna sa ngayon at hindi ko alam pero natatakot ako pumasok sa isang relasyon. Siguro broken ako nung past life ko kaya ganto haha. Ang pinapanood ko ngayon is about time, dito nakikita ng babae yung life time ng isang tao. Nakakatakot siguro kung nakikita mo kung ilang araw, oras o minuto nalang ang natitira para mabuhay ka pero at the same time siguro masaya dahil at least aware ka kung gaano nalang ka ikli o haba yung panahon mo para atleast alam mo sa sarili mo na dapat pahalagahan ang bawat segundo ng buhay mo hindi yung nag aaksaya kapa and sabi nga nila na pag nakilala mo na yung the one mo parang hihinto ang oras mo pag kasama mo sya at dito sa pinapanood ko hindi lang huminto kundi nadadagdagan pa yung oras nya tuwing kasama nya yung taong mahal niya. Hay nako ang hilig hilig ko manood ng mga ganito pero hindi naman ako naniniwala. Siguro pag natagpuan ko na ang lalaki para saakin baka don maniwala na ako sa love o di kaya sa happy ending. Kung happy ending kami. Hindi ko namalayan kung anong oras na ako natulog kagabi nagising na lang ako at madaling araw na. Sumilip ako sa labas kung madilim pa ba pero nakita ko naman na madaming ilaw. 5 palang ng umaga at napag isip isip kong mag Jogging nalang sa subdivision namin. Nag suot lang ako ng Jacket, naka PJ's ako ng katamtaman lang ang kapal, at rubber shoes. Agad akong lumabas ng bahay at hindi gaya ng inaasahan kong lamig ang naramdaman ko, sakto lang kahit hindi na ako mag jacket! Ganon ba kainit dito? Pano nalang kapag tanghaling tapat? Nilibot ko ang subdivision namin hindi naman ganon kaluwang ang Subdivision na ito at mahaba na ang 1 oras para mag libot ako. Nag umpisa na akong tumakbo, lakad at minsan pinag mamasdan ko ang mga paligid ng dinadaanan ko kaya medyo natatagalan ako. Matagal na akong tumatakbo at malapit na akong makabalik sa bahay ng bigla nalang akong may nakabanggaan na lalaki na sa tingin ko ay kasing edad ko lang. Instinct ko lang naman hehe. Na out of balance ako dahil sa pag kabunggo sakanya kaya napa upo ako sa may daan, agad naman akong tumayo kahit na medyo masakit sa pwet. At dahil pareho naman kaming may kasalanan dahil hindi kami tumitingin sa dinadaanan namin kaya kami nag ka bunguan ay agad akong humingi ng paumanhin. "Sorry" hingi ko ng tawad hinintay ko kung hihingi din ba siya ng tawad pero pag tingin ko sa kanya ay naka tingin or should I say naka titig lang siya sa akin at mukhang walang balak humingi ng tawad kaya naman umalis nalang ako sa lugar na yon. Muli akong nag lakad lakad at nakakalayo na ako saka ko lang napansin na parang pamilyar ang mukha nung lalaki. Nilingon ko ito at nagulat ako dahil nandun parin sya sa pwesto nya kanina kung saan kami nag kabungguan. Nakatayo at nakatingin parin siya saakin na parang naka kita ng multo. Weird.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD