"KANINA ka pa walang imik. Are you alright?” hindi na nakapagpigil na puna ni Tristan kay Graciella. On the way na silang dalawa patungo sa bahay ng mga magulang niya sa King’s Village sa Makati. Kaninang umaga ay hindi magkandatuto ang dalaga sa pagpili ng isusuot para sa dinner nila kasama ang kanyang pamilya. Noong hapon naman ay abala ito sa pagluluto ng lasagna na dadalhin raw sa bahay nila. Alam niyang hindi marunong magluto ang babae pero mukhang masarap naman ang ginawa nitong pagkain. Bakas ang excitement nito kanina, pero ngayon naman ay tahimik na tahimik naman ito. “Ciella,” untag niya rito. “Okay lang ako,” mahina nitong sabi. “Eh, bakit ang tahimik mo?” napapangiti niyang tanong. Alam niyang kinakabahan ito. Hindi ito umimik, napahinga lang ito ng malalim. Inalis niy

