MAGKAHAWAK-KAMAY na lumabas sila ng elevator pagdating sa eleventh floor ng condominium. Pagkagaling nila sa bookstore at nagyayaya pa sana si Tristan na mag-dinner pero dahil alam niyang pagod na rin ang lalaki ay pinilit na lang niya itong dumaan sa fast food na may drive thru. Doon na lang sila bumili ng makakain nila ngayong gabi. Natanaw niya ang isang babae na nakatayo sa labas ng pinto ng unit ni Tristan, kasabay niyon ay naramdaman niya ang paghigpit ng hawak ng binata sa kanyang kamay. Nang humarap ang babae sa direksyon nila ay nakita niya ang pangungunot ng noo nito. “Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ni Tristan sa babae nang malapit na sila rito. Mahina ang tinig ng lalaki pero mariin. “Hindi ka nagpapakita sa akin so I decided na hanapin ka. Para kasing pinagtataguan mo na a

