Chapter Seven

2389 Words

"IKAW na ang masipag,” nanghahaba ang nguso na sabi ni Rosemarie pagkasakay nito sa kanyang kotse.  Kagagaling lang nila sa accounting office ng publishing house para kunin ang kanilang mga tseke. Hindi niya pansin ang sinabi nito dahil nakatingin siya sa kanyang cell phone at binabasa ang kaka-receive na message mula kay Tristan. Noong magdinner sila ng binata sa unit nito ay kinuha ng lalaki ang number niya. “Dalawa lang ang nakuha ko tapos ikaw lima? Sabihin mo nga sa akin, saan ka ba namumulot ng idea ng isusulat at nang mapuntahan ko para makapamulot din naman ako ng plot,” dagdag pa ng babae. Napabuga siya ng hangin pagkatapos basahin ang mensahe at saka inilagay iyon sa bulsa ng pantalong suot. Ini-start na niya ang kotse. “Bakit ganyan ang mukha mo?” tanong ni Rosemarie na hind

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD