Chapter Eight

2331 Words

"MA, ANO'NG ginagawa ninyo rito?" nasorpresang sabi ni Graciella nang mabungaran niya ang kanyang inang si Wilma sa labas ng condo unit niya. Ito ang kauna-unahang beses na pinuntahan siya ng Mama niya dito, hindi rin ito nagpasabi. Pero mas nagulat siya nang bigla na lang itong yumakap sa kanya at bumunghalit ng iyak. "Wala na ang Tito Carlos mo!" umiiyak na sabi ni Wilma. "What? Patay na si Carlos? Ano'ng nangya - Aray!" naputol ang sinasabi niya nang bigla siyang kurutin ng ina at bumitaw ito sa pagkakayakap sa kanya. "Sira! Ang mibig kong sabihin, iniwan na ako ng Tito mo!" "Ano ho ba'ng bago doon?" wala sa loob na sabi niya habang hinihimas ang kanyang tagiliran na kinurot ng ina. Umakmang kukurutin ulit siya nito pero mabilis siyang nakaiwas. "Ang ibig ko ho'ng sabihin, ano ba'ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD