"CONGRATULATIONS," sabi kay Tristan ni Mr. Lumabao at kinamayan pa siya nito. Isa sa mga board of directors ng kompanya nila ang matandang lalaki. “Thank you, Sir,” hindi maitago ang saya sa mukha at tinig niya. Kakatapos lang ng meeting at na-i-present na rin niya sa mga ito ang project proposal tungkol sa property na gusto niyang i-develop sa Ilocos. Pigil niya kanina ang kanyang hininga habang hinihintay ang desisyon ng mga ito, at naghiyawan sa tuwa ang kanyang team nang majority ng board ay ini-approve ang proposal. Isa si Mr. Lumabao sa mga bumoto para i-approve ang proyekto niya. “Wala 'yon, Hijo. You have my full confidence. Wala ka pa namang project na hindi maganda ang naging resulta 'di ba,” anito na tinapik pa ang kanyang balikat. “I’ll go ahead.” Tinanguan lang niya ito.

