Chapter Two

2199 Words
INIHINTO ni Tristan ang kanyang BMW K 1300 R motorcycle sa harap ng bar ng matalik niyang kaibigan na si Gregory. Hinubad niya ang helmet at naglakad patungo sa entrance ng bar. Puno na ito ng mga Friday night regular customers ni Gregory pero agad naman niyang nakita ang mga kaibigan na nakaupo sa bandang dulo malapit sa mini-stage. "Sorry, I'm late," aniya nang makalapit sa mga ito. Hinubad niya ang suot na leather jacket at ipinatong iyon sa likod ng bakanteng upuan bago siya naupo doon.  "Bakit ba ngayon ka lang? Kanina ka pa namin hinihintay," wika ni Gregory.  "Dumaan muna kasi ako sa bago kong unit bago ako dumeretso rito. And late na rin akong nakaalis ng opisina dahil may inayos pa kaming project proposal ng team ko," paliwanag niya na sinenyasan ang isa sa mga waiter upang lumapit ito.  "Which one?" tanong ni Robbie.  Ibinigay muna niya sa waiter ang order niya bago binalingan si Robbie. "Remember 'yong abandoned three storey-mansion na nakita natin noong magpunta tayo ng Ilocos? I'm trying to persuade my father to buy that property. Maganda `yong gawin hotel, plus marami pang amenities ang puwedeng ilagay doon," sagot niya.  Nakita niya ang pag-ngiti ni Nick. "Wala talaga akong masabi sa enthusiasm mo pagdating sa mga ganyang idea." Isa siyang civil engineer at nagtatrabaho siya sa kompanya na itinatag ng kanyang papa at ng isa pa nitong kaibigan, ang DF&R Builders. Marami na siyang natapos na proyekto, kaya mabilis din ang naging promotion niya. Five months ago nga ay na-promote na siya bilang senior project manager. "Tristan," ani Robbie na siniko pa siya sa braso. Napatingin siya rito. "Si Leslie," ani ng lalaki at inginuso pa nito ang taong tinutukoy. Pag-angat niya ng tingin ay nakita niya ang matangkad at magandang babae na papalapit sa kanila. Para itong modelo na nasa rampa habang naglalakad. She was wearing a black halter top and white skinny jeans. Ngiting-ngiti si Leslie na nakatitig sa kanya. Nang makalapit ito ay ikinawit ng babae ang isang kamay sa kanyang batok at saka siya hinagkan sa labi. Tila wala itong pakialam sa mga kasama niya at sa iba pang nakakakita sa kanila. Pagkatapos pakawalan ni Leslie ang mga labi niya ay napahinga pa ito nang malalim na tila hinabol ang hininga. Inalis ng babae ang kamay sa kanyang batok at saka hinaplos ang labi niya gamit ang hinlalaki nito.  "Hindi ko alam na nandito ka pala," aniya sa babae. Napairap ito. "Ikaw nga ang hindi ko ini-expect na makita rito, eh. Ang sabi mo kasi kahapon marami kang ginagawa sa office, kaya hindi ka pwede tonight." Matagal na niyang 'kaibigan' ang babae, madalas ay ito ang kasama niyang lumalabas. He enjoys Leslie's company, specially in bed, pero kapag nagsisimula na itong magbanggit tungkol sa salitang commitment ay daig pa niya ang may allergy na agad lumalayo rito. Ilang araw siyang hindi nagpaparamdam sa babae kapag ganoon. Hindi naman siya ang tipo na katulad ng tatlo niyang mga kaibigan na maagang nagpatali sa mga babae. Masaya siya na sarili lang niya ang iniintindi. "Pinilit lang ako nila Gregory na pumunta rito," pagsisinungaling niya rito. "Natapos naman namin kanina nang maaga `yong meeting sa office kaya pinagbigyan ko na sila." Tiningnan ni Leslie sina Gregory na tila ba kinukumpirma sa mga ito kung totoo ang sinasabi niya. "Oo, kinonsensiya ko lang `yan kaya nagpunta rito. Hindi kasi siya nakarating sa birthday party ni misis noong isang linggo, eh," pagsisinungaling ni Robbie para pagtakpan siya. Napatango si Leslie. "Mind if I join you, guys?" Ngiti lang ang isinagot dito nina Nick at Robbie, habang si Gregory naman ay hinila ang isang bakanteng upuan para rito. Naupo si Leslie sa tabi niya. "Do you have other plan after this?" malakas na tanong ng babae sa kanya dahil muli na namang naging maingay sa paligid nila, nagsimula na ang banda na tumugtog. Inilapit nito sa kanya ang mukha at palagay niya ay sinadya pa nitong ilapat ang bibig sa may puno ng tenga niya. "None," tipid niyang sagot.  "Do you want to go somewhere later?" nanunukso ang tinig nito habang ang isang kamay ay humahaplos sa kanyang mga hita. "It's been a month since n'ong huli tayong 'lumabas'? Hindi mo ba ako namiss?" Ilang sandali niyang tinitigan ang babae. Well, pagod siya sa trabaho at kailangan nga niyang marelax. At si Leslie, kabisado na nito kung paano tanggalin ang stress niya. "Your place?" Mabilis na tango at isang mapang-akit na ngiti ang isinagot nito sa kanya, bahagya pa nitong kinagat ang ibabang labi. Hindi nakaligtas sa kanya ang makahulugang tinginan ng mga kaibigan. Mainggit kayo! Hindi kayo makapag-enjoy katulad nang ginagawa ko dahil sa mga suot ninyong singsing, nangingiting naisaloob niya. "THANK you po sa pagpunta ninyo," nakangiting sabi ni Graciella sa tatlong babae na kakatapos lang magpa-picture kasama siya. "Thank you din, Miss Graciella," ani naman ng isa sa mga ito na nagpakilalang Hannah kanina. "Aabangan po talaga namin `yong 'Beach Hotties series' ninyo." Tumango siya. "Salamat, kita-kita po tayo sa book signing ko next month, ha." Nang wala na ang mga ito ay nilapitan na niya ang mga kasamahan sa publishing house. Nakangiting inabutan siya ng isa sa mga editor ng tissue at isang bote ng mineral water. Katatapos lang ng grand fans day nila na idinaos sa function room na nasa ikaapat na palapag ng RHP building. Taon-taon ay ginagawa nila ito para magkaroon sila ng pagkakataon na makasalamuha ang kanilang mga readers. Iyon na rin ang paraan ng pagpasasalamat nila sa mga ito para sa suportang ibinibigay sa kanila. "Let's go, everyone. Mag-celebrate na tayo," nakangiting sabi sa kanila ni Mariano. "Sir, okay lang ho ba kung hindi na kami sasama ni Graciella sa dinner?" ani Rosemarie sa publisher nila, sinadya pa nitong lambingan ang tinig upang hindi makatanggi ang lalaki. Kunot-noong tiningnan silang dalawa ni Mariano. "Bakit?" "May lakad po kasi kami ngayon," si Graciella na ang sumagot. "Pupunta ho kami sa Batangas. In-invite po kasi kami ng isa sa mga kaibigan namin, doon siya magsi-celebrate ng birthday niya." Tiningnan ng lalaki ang suot nitong relos. "Five pa lang naman, eh. Baka puwedeng mag-early dinner muna kayo with us?" "Hinihintay na po kami ng celebrant, eh. Saka baka masyado na kaming gabihin sa biyahe," ani Rosemarie na ikinawit pa ang kamay sa braso ng lalaki. "Huwag ka nang mag-alala, babawi na lang kami ni Ciella sa susunod. Naka-schedule na kasi talaga ang lakad na ito, Sir." Napatango na lang ito. "Sige, mag-iingat kayo." "Thanks! Promise sa susunod na event babawi kami, kahit magdamagan pa tayong mag-celebrate, Sir," nakangiting sabi ni Rosemarie na bumitaw na sa lalaki. "We'll go ahead na po," aniya naman at hinagkan sa pisngi si Mariano. Hinawakan siya ni Rosemarie sa braso at hinila na siya. Bumaba sila sa parking area kung saan naroon ang kotse niya. Nasa sasakyan na ang mga gamit nila ng kaibigan, dadaanan na lang nila ang boyfriend ni Rosemarie sa pinagta-trabahuhan nitong law firm at dideretso na sila ng Batangas. Tahimik siyang nagmaneho habang si Rosemarie naman ay itinitext na ang boyfriend nito para sabihing papunta na sila para sunduin ang lalaki. Pagkatapos ay binuksan nito ang dalang paperbag at inilabas ang isang set ng libro. "Tingin mo ba magugustuhan ito ni Marion?" tanong ni Rosemarie. Kahapon ay magkausap silang magkaibigan sa telepono habang nasa mall ang babae at naghahanap ng ire-regalo kay Marion. Siya ang nagsabi rito na libro na lang ang bilhin para sa kaibigan nila. Isang set ng pinaka-latest series ng paboritong english writer ni Marion ang binili ni Rosemarie. "Oo naman, mahilig siya sa mga ganyang books, 'di ba? At saka hindi naman choosy si Marion katulad mo?" pabiro niyang sabi. Nanghaba ang nguso ng babae. "Hindi naman ako choosy, praktikal lang ako." Natatawang napailing siya. Naalala niya noong nakaraang taon na nag-birthday ito ay hindi niya napigilan ang mapahagalpak ng tawa nang mag-post ito sa f******k na gift cash ang gusto nitong ma-receive na regalo, ito na lang raw ang bahalang mamili at bumili ng gusto nito. "Sayang naman kung hindi mo magugustuhan o magagamit ang gift na mare-receive mo, 'di ba?" dagdag pa ng babae. "Ang sabihin mo, iba lang talaga ang andar niyang utak mo," tumatawang sabi niya. "Whatever," nakalabing sabi nito. Ilang sandali pa ay narating na nila ang Quirino Avenue kung saan naroon ang opisina ng boyfriend ni Rosemarie na si Daniel. Pinakiusapan niya ang nobyo ng kaibigan na ito na lang ang magmaneho ng kotse. Gusto kasi niyang matulog kahit sandali, napuyat kasi siya kagabi sa pagsusulat. TAHIMIK na nagmamaneho si Tristan habang nakikipag-usap naman si Robbie sa asawa nito sa cellphone. Patungo sila sa Batangas para sa beach party ng kapatid ni Gregory.  "Yes, we're on our way na... Hindi, kami lang ni Tristan ang magkasama ngayon. Sumabay na kasi si Nick kina  Gregory," narinig niyang sabi ni Robbie sa kausap. "Okay, mag-iingat kayo riyan. I-remind mo si Franco na siguruhing nakalock ang gate at ang mga pinto." Pigil niya aang sarili na mapailing habang naririnig ang sinasabi ni Robbie. Kanina lang habang hinihintay siya ng lalaki sa opisina niya ay tinawagan na ito ni Gretta pero halos wala pang dalawang oras ang lumipas ay magkausap na naman ang mag-asawa.  "Oo, don't worry hindi ako iinom ng marami... I'm not sure, pero baka mga after lunch na kami umuwi. Kiss Samantha for me, okay," sabi pa ni Robbie. "Sige na, tatawag ulit ako mamaya kapag nasa resort na kami. Bye, I love you." Nangingiting napailing siya. "Ano'ng inginingiti-ngiti mo riyan?" tanong ni Robbie habang ibinubulsa nito ang cellphone. "Hindi ba kayo naririndi nila Gregory sa pangungulit ng mga asawa ninyo?" "Hindi naman." "Wala akong masabi sa inyo. Kung ako 'yan, hindi ko talaga kayang magpatali sa babae. Lalo pa at katulad ng mga misis ninyo na daig pa ang mga ICU nurse kung mag-monitor." Natawa si Robbie sa sinabi niya. "Kahit naman makukulit ang mga asawa namin mahal na mahal naman nila kami. At saka masarap sa pakiramdam 'yong may inu-uwian ka na asawa at mga anak." Hindi siya kumibo, mulinlang siyang napailing. "Palibhasa kasi kahit kailan hindi ka pa sumeryoso ng babae kaya hindi mo kami naiintindihan," dagdag pa nito. "Hoy, may sineryoso naman ako dati, ah," pagtatanggol niya sa sarili. Napatingin ito sa kanya, ang mga mata nito ay tila naghahamon. "Kailan? Seryoso na bang relasyon para sa 'yo ang dalawang buwan? As far as I remember 'yon na ang pinakamatagal mong relasyon." Ang relasyon nila ng ex-girlfriend niyang si Zyra ang tinutukoy ng lalaki. Ang babae ang pinakamatagal niyang naka-relasyon noon. Fourth year college siya nang maging sila ni Zyra. They were happy at first pero hindi rin nagtagal ay nakipaghiwalay ang babae sa kanya. Ang rason - nadiskubre nitong may iba pa siyang babae. Sa kanilang apat na magkakaibigan ay siya ang pinakamaloko pagdating sa babae, at aminado naman siya roon. "Well, except for Leslie," pahabol nito. Napasulyap siya rito. "Leslie?" "Bakit? Hindi pa ba kayo?" Umiling siya. Nakatutok ang mga mata niya sa kalsada. "So, ano ba talagang status ninyo?" "Friends," tipid niyang sagot. "Friends?!" Napatawa ito. "Gago! Mag-iisang taon na kayong nagkikita at lumalabas tapos, friends lang?" Napakibit-balikat siya. "Ano'ng gusto mong isagot ko? Ang pangit naman kung tatawagin ko siyang 'f**k buddy', 'di ba?" Napailing si Robbie. "Kailan ka ba talaga titino? Kapag nagkaroon ka na ng sakit?" "Hey!" paalmang sabi niya. "Kung magsalita ka parang napakasama kong tao at kung sinu-sino ang pinapatulan ko." "Hindi ba?" pakli nito. "Hindi naman lahat. May tinatanggihan at inaayawan rin naman ako," aniya na ngumiti pa na animo'y mabait na tupa. "Mabuti at pumapayag si Leslie sa ganyang set-up," anito na hindi pinansin ang sinabi niya. "She knew that I'm not in to serious relationship. But there are times na nangungulit nga siya, nagtatanong kung ano ba talaga kami. Pero alam ko naman kung ano ang dapat gawin kapag dumarating 'yong point na ganoon siya." "Tinataguan mo." Pilyo siyang ngumiti. "Ingat ka lang, Pare. Tingin ko malakas talaga ang tama sa 'yo ng babaeng iyon. And sa obserbasyon ko kay Leslie, s'ya ang tipo ng babae na hindi basta titigilan ang isang bagay na gusto niyang makuha. Baka mahirapan kang kumawala sa kanya kapag nagkataon." "Wala siyang makukuha sa akin, maliban sa katawan ko," aniya at binuntutan pa iyon ng malakas na tawa. Napahinga nang malalim si Robbie at saka napailing. "Ang tingin mo talaga sa sarili mo ay parang isang regalo sa mga kababaihan. Kailan ka kaya makakahanap ng katapat mo?"  Napangisi siya. "Hindi pa ipinapanganak ang babae na makakapagtali sa leeg ko," kampanteng sabi niya. "Hindi ka na bumabata, Pare. Trenta y dos anyos ka na kaya oras na para mag-isip ka na ring lumagay sa tahimik tulad namin, tutal naman stable na ang career mo. Masarap din ang married life, Pare." Ngiti lang ang itinugon niya rito. Ang huling sinabi ng kaibigan ang madalas ding sabihin sa kanya ng ina. Kahit ang pamilya niya ay naiinip na sa paghihintay na mag-settle down siya. Lima silang magkakapatid at siya ang panganay pero naunahan pa siyang mag-asawa ng dalawa niyang kapatid. Thirty-two pa lang naman siya, kaya bakit puputulin agad niya ang pagiging bachelor niya?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD