Chapter Three

2757 Words
"CHEERS!" malakas na sabi ni Rosemarie at itinaas pa ang tangan na beer. Nasa Coral Beach Club sila sa Lian, Batangas para sa birthday celebration ng kaibigang nilang si Marion. Karamihan ng naroon sa party ay hindi nila kakilala, pero dahil likas na party girl at bubbly si Rosemarie ay nakilala rin nila ang ilan sa mga imbitado ni Marion. “Okay lang ba kayo?” tanong ni Marion nang lumapit ito sa kinaroroonan nila. Pagkatapos sila nitong salubungin pagdating nila kanina ay ngayon lang ulit nakalapit ang babae sa kanila. Abalang-abala ito sa pag-i-estima sa mga guest nito. Nakaupo sila malapit sa isinet-up na mobile bar sa tabing-dagat at pinapanood ang mga nagsasayawang bisita ng babae. "Bakit hindi kayo sumasayaw?”  “Ano ba’ng hindi, eh, kakaupo nga lang namin. 'Yang si Graciella ang hindi pa tumitikal d’yan sa kinauupuan niya mula pa kanina,” pakli naman ni Rosemarie na inginuso pa siya. Nakakunot ang noo na binalingan siya ni Marion. “Hindi ka ba nag-i-enjoy, girl?” “Nagri-recharge lang ako, medyo busy din kasi ako buong araw kanina bago kami pumunta rito. Sasayaw ako maya-maya." “Bakit mamaya pa? Ngayon na, halika na!” ani Marion na hinawakan siya braso at hinatak. “Marion, mamaya—” “Birthday ko, hindi ka puwedeng tumanggi,” anito na pinandilatan pa siya. Bago pa siya makapagsalita ay nahila na siya nila Marion at Rosemarie patungo sa kinaroroonan ng mga sumasayaw na kaibigan ni Marion. "BAKIT nakakunot na naman 'yang noo mo?” tanong ni Nick kay Tristan nang lumapit siya sa kinaroroonan ng mga ito. Hindi siya sumagot at sa halip ay kumuha siya ng beer at binuksan iyon. Nag-i-enjoy na sana siya sa party ng kapatid ni Gregory pero dahil kay Leslie ay nasira iyon. Hindi sana niya sasagutin ang tawag ng babae, pero mukhang wala itong balak tumigil sa kakatawag hanggat hindi siya sumasagot. Hindi naman niya puwedeng i-off ang kanyang cell phone, dahil baka may ma-miss siyang importanteng tawag. “Hey, ano’ng problema?” tanong ni Gregory na hinampas pa ang balikat niya. “Si Leslie,” aniya na napahugot ng malalim na hininga. “She’s starting to get on my nerves. Nakukulitan na ako sa kanya. Katatapos lang naming mag-usap. Nagtatanong kung nasaan ako, and when I told her na nandito ako sa Batangas, nagalit. Bakit daw hindi ako nagsasabi tungkol sa mga lakad ko.” "Ayun kasi, bakit kasi hindi ka nagpapaalam?" pabirong sabi ni Nick. "May obligasyon ba ako na magpaalam sa kanya?" pakli niya. "Relax lang!" natatawang sabi ni Nick na itinaas pa ang mga kamay. "Nagbibiro lang ako." Hindi siya sumagot, tinungga niya ang beer hanggang sa mangalahati ang laman niyon. Napailing si Robbie. “Iyan na nga ba ang sinasabi ko sa 'yo kanina.” Hindi siya umimik, ibinaling ang tingin sa mga sumasayaw. “Pare, kung hindi ka seryoso sa babaeng iyan, iwasan mo na,” ani Gregory." Huwag mong hintayin na maging problema mo 'yan.” "`Yan nga rin ang sinabi ko sa kanya," pagsang-ayon ni Robbie sa huli. "Pero wala, alam n'yo naman kung gaano katigas ang ulo niyan!" "Alin ba'ng ulo? Sa itaas o sa ibaba?" tumatawang sabi ni Nick. Hindi niya masyadong binigyan ng pansin ang sinasabi ng mga kaibigan, nakatuon ang kanyang pansin sa isa sa mga babaeng nagsasayaw 'di kalayuan sa kanila. Sinasabayan ng indak ng magandang katawan nito ang maharot na tugtog. Naka-royal blue halter top ito at maong na maikling shorts. She’s a little skinny pero hindi maipagkakaila ang maganda at tamang-tama na kurba ng katawan nito na sakto sa height nitong sa tingin niya ay nasa limang talampakan at limang pulgada. Isang malakas na tapik sa balikat ang umagaw ng kanyang pansin. Napabaling ang tingin niya kay Gregory. “What?” tanong niya rito. “Sabi ko ano’ng balita do’n sa project sa Ilocos na binanggit mo sa amin last time," ulit ni Gregory sa tanong na hindi niya narinig kanina. Hindi niya namalayan na nabago na pala ang pinag-uusapan ng mga ito. “Hindi pa kami ready sa presentation. Marami pa akong aayusin sa proposal. Kelangan maayos na ang lahat bago ko i-present iyon para makasiguro ako na ia-approve nila iyon,” sagot niya at muling ibinalik ang mga mata sa tinitingnan niyang babae. “Tiyak na i-a-approve iyon. Maganda ang location at mukhang maayos pa ang structure no’ng mansion kaya hindi ganoon kalaki ang magagastos ng kompanya ninyo doon," wika pa ni Gregory. Hindi siya sumagot. “Hoy, nakikinig ka ba? Ano na naman ba ang tinitingnan mo riyan?” tanong ni Robbie nang mapansin nito na wala ang atensiyon niya sa pinag-uusapan. Sinundan nito ang tingin niya, pagkuway napailing ito. “Sinasabi ko na nga ba at babae na naman.” Nangingiting inalis niya ang tingin sa babaeng sumasayaw. “Kilala mo ba 'yong kasama ni Marion? `Yung naka-kulay blue ng top," tanong niya kay Gregory. Tinanaw ni Gregory ang tinutukoy niya. “No, hindi ko naman kilala lahat ng kaibigan ng kapatid kong 'yan.”  Napatango-tango lang siya at tiningnan muli ang babae. INISANG lagok ni Graciella ang champagne na laman kanyang baso, pagkatapos ay tumayo siya. Itinukod niya ang mga kamay sa lamesa para suportahan ang kanyang katawan sa pagtayo. Bahagya na siyang nahihilo dahil sa mga nainom niya. “Ayos ka lang?” tanong ni Rosemarie, maging ito ay namumungay na rin ang mga mata at halatang lasing na. “Oo naman. Wait lang, may kukunin lang ako sa kotse,” aniya bago talikuran ang magkasintahan. May sinabi pa si Rosemarie pero hindi na niya iyon naintindihan. Tinungo niya ang kanyang kotse sa parking space ng beach club. Sumakay siya doon at kinuha sa paperbag ang isang white long sleeve. Sadyang iniwan talaga niya iyon sa kotse para kapag nilamig siya ay makakapagpalit agad siya. Mas malapit kasi ang parking space keysa sa hotel room niya. Pagkatapos iibabaw iyon sa suot niyang halter top ay binalikan na rin niya sina Rosemarie. Napakunot-noo siya nang makitang wala sa kinauupuan nila ang magnobyo. Iginala niya ang tingin pero hindi niya matanaw ang dalawa. Naisip niyang baka naglakad-lakad o sumasayaw ang magkasintahan kaya naupo na lang siya at hinintay ang mga ito. Tahimik na sumimsim siya ng wine habang hinihintay sina Rosemarie. Mahigit labing-limang minuto na ang nakakalipas pero hindi pa rin bumabalik ang magkasintahan at hindi pa rin niya matanaw ang mga ito. Nasaan na ba ang dalawang iyon, naitanong niya sa sarili. “Looking for someone?” ani ng isang tinig buhat sa kanyang likuran. Napatingin siya sa may-ari ng tinig. Isang matangkad na lalaki ang nakatayo sa kanyang likuran, sa palagay niya ay nasa five-ten ang height nito. Maganda ang tindig ng lalaki, at bukas ang suot nitong Hawaiian polo kaya nakahantad ang matipuno nitong katawan. Parang hindi nito alintana ang malamig na hangin o baka talagang sinadya lang nitong ibandera ang dibdib sa harapan niya. Malapad ang dibdib ng lalaki, at muntik na niyang hindi mapigilan ang pagtaas ng kilay niya nang dumako ang kanyang mga mata sa abs nito. Why this man has the perfect six-pack abs! “Hi,” ani ng lalaki na nagpatigil sa ginagawa niyang pag-aaral sa katawan nito. Napatingin siya sa mukha nito. Oh boy, this man isn’t just hot! He’s devastatingly handsome, too! But wait, parang pamilyar siya. Maganda ang hugis ng mukha nito na pa-oval shape. Maganda rin ang almond-shaped nitong mga mata na binagayan ng katamtaman ang kapal na mga kilay, matangos ang ilong at sakto lang din ang kapal ng labi nito. Sa palagay niya ay hindi pureblooded Filipino ang lalaki. His features suggest that he has Spanish or English blood, too. “Okay lang ba na samahan kita rito?” Hindi niya alam kung dahil ba tila nahihipnostismo siya nito o dahil sa epekto ng alak kaya tila wala sa sarili na napatango siya. Naupo ang lalaki sa harap niya at inilapag sa lamesa ang dala nitong dalawang bote ng beer. “Nasaan na 'yong mga kasama mo kanina?” muli nitong tanong. “I don’t know,” pakibit-balikat niyang sagot. “Umalis kasi ako sandali, pagbalik ko wala na sila. Siguro sumasayaw or naglalakad-lakad.” “I see,” anito na napatango pa. “By the way, I’m Tristan.” Tinanggap niya ang kamay na inilahad ng lalaki. “Ciella.” Dama niya ang kakaibang pakiramdam sa paglapat ng palad nito sa kanya. Kuryente ba 'yon… sparks? Ngumiti ang lalaki. The most charming, seductive smile she ever saw. She wonders if he does it purposely o kung ganoon lang talaga itong ngumiti.  “Why didn’t you tagged someone along with you, para naman may date ka." Guys, tsk, tsk! muntik nang matawa na naisaloob niya. Sanay na siya sa mga ganitong style. Ilang lalaki na ba ang nakilala niya at maging sa mga sinusulat niyang nobela ay ganito rin ang istilo ng mga ito. “Wala naman akong maisasama, eh,” kaswal niyang sabi bago inubos ang laman ng hawak na baso. Napatango-tango si Tristan. Inalis nito sa harapan niya ang baso at inilagay roon ang isa sa dalawang beer na dala nito. “Matagal na kayong magkaibigan ni Marion?”  “More than five years na yata.” “Then, bakit ngayon lang kita nakita? Tuwing may celebration ang pamilya nila lagi naman akong pumupunta,” anito na bahagya pang nakakunot ang noo. “Ito kasi ang unang beses na hindi kami nakatanggi kay Marion." Nagpatuloy ang kuwentuhan nila, nalaman niyang family friend pala nila Marion ang lalaki. Hindi niya namalayan na naubos na niya ang beer na dala ni Tristan. Masyado siyang nalilibang sa pakikipag-usap rito at nawala na ng tuluyan sa isip niya sina Rosemarie.  Alas dos na nang madaling araw pero marami pa rin sa mga kaibigan ni Marion ang umiinom sa tabing-dagat pero bahagya nang humina ang tugtog. At hanggang ngayon ay hindi pa rin bumalik sina Rosemarie. “Another bottle?” tanong ng binata tanong nito nang mapansing wala nang laman ang beer niya. Napataas ang kilay niya, dalawang beer na ang nakuha ng lalaki kanina para sa kanya. “Are you trying to get me drunk?” Natawa naman si Tristan. “Bakit nalalasing ka na ba?” Pigil niya ang mapailing. “I am not drunk,” aniya na ngumiti pa. Pinag-krus nito ang mga braso sa tapat ng dibdib at tiningnan siya na para bang sinasabing hindi ito naniniwala sa sinabi niya. Sinalubong naman niya ang mga mata nito. “I can still dance, walk straight and drink some more.” Bahagyang umangat ang kilay nito. “Really?” Tumango siya at pilyang ngumiti. “And I know what you’re up to.” Sandali itong nawalan ng kibo. “Do you?” maya-maya ay tanong nito. “Yes.” Alam niya kung ano ang tumatakbo sa utak ng lalaki. This man obviously wants to play games. Hindi ito nakaimik, nakatitig lang ito sa kanya na para bang binabasa ang nasa isip niya. “If you really knew what I’m up to, then why are you still here? Or bakit hindi mo ako itinataboy para iwan kita dito?” Hindi kaagad siya nakakibo. Bakit nga ba? Halatang inaakit siya nito, nililibang siya habang nilalasing. Sabi nga ng iba, kapag may alak, may balak. Hindi naman siya ipinanganak noong panahon ng mga kastila para hindi maisip ang pakay ng lalaki. Pero bakit parang hinahayaan lang niya ito? Hindi rin niya maintindihan kung bakit, ang alam lang niya iba ang epekto sa kanya ng magagandang mata at ngiti ng lalaki. Isang kalokohan ang pumasok sa isip niya. “Okay, ganito na lang... I’ll ask you a question, if you manage to answer this in two minutes, then you’ll get what you want.” Matagal na hindi nagsalita ang lalaki. Maya-maya ay napangiti ito ng pilyo. “Paano kapag hindi ko nasagot?” “Then wala kang makukuha,” aniya without breaking their eye contact. Saglit na nag-isip ito pagkatapos ay tumango. "Game." Lumawak ang ngiti niya. “May dalawang clan, ang mga agila at lawin. Magkakaroon sila ng war two days from now. Ang haring agila gustong makisiguro ng panalo kaya inutusan niya ang isang alagad para alamin kung ilan ang lawin na makakalaban nila. Nagpunta ang alagad na agila sa mga lawin at nagtanong, ‘ilan kayong sasama sa digmaan?’. Ang sabi ng isa sa mga lawin ‘kapag sumama ka sa amin magiging doble na ang dami namin sa mga agila.’” “Ano’ng klaseng tanong 'yan?” kunot-noong tanong ng lalaki. “Makinig ka muna,” aniya naman na bahagya pang pinanlakihan ito ng mga mata. “Bumalik ang alagad na agila para mag-report sa hari. Meanwhile sa kaharian ng mga lawin, gusto ring makasiguro ng haring lawin kaya inutusan din niya ang isang alagad na pumunta sa mga agila at magtanong. Pumunta ang alagad ng lawin sa mga agila at nagtanong din. Ang sagot ng agila, ‘kapag sumama ka sa amin magiging pantay na ang dami ng mga lawin at agila'. Ang tanong, ilan ang agila at ilan ang lawin? Na-gets mo ba?” tanong niya rito. Tumango ang lalaki. “You have two minutes to figure it out,” aniya na sinulyapan ang kanyang relos. Seryoso ang mukha ng lalaki habang pinag-iisipan nito ang tanong niya. Lihim naman siyang natatawa, alam niyang imposibleng masagot nito iyon sa loob lang ng dalawang minuto. Marami na siyang tinanong ng ganoon at lahat ay nahirapan sa pagsagot kaya kampante siyang hindi masasagot iyon ni Tristan. “One minute and thirty seconds.” Napahinga ito ng malalim pero hindi inaalis ang mga mata sa mukha niya. Naka-krus ang mga braso ng lalaki sa tapat ng dibdib nito habang pinag-iisipan ang sagot. “One minute,” sabi pa ulit niya, naglalaro ang pilyang ngiti sa kanyang labi. “Thirty sec—” “Five eagles and seven hawks,” putol nito sa kanya. Napatanga siya. “P-paano’ng—” “Kapag sumama ang isa sa limang agila sa mga lawin, magiging apat na lang ang agila at ang lawin naman ay magiging walo. If one hawk joins the eagle, magiging six na sila pareho,” ngiting-ngiti na sabi nito. Napaawang ang labi niya, hindi siya makapaniwala. Ito ang kauna-unahang beses na may nakasagot ng ganoon kadali sa tanong niyang iyon, kung minsan nga ay hindi pa nasasagot iyon ng iba. “But, how did you—” “I’m an engineer, Ciella. Sisiw lang sa akin ang mga ganyan,” anito at ngumiti ng malapad. “So? In your room or mine?” Napalunok siya. Oh my God, what should I do? natatarantang tanong niya sa sarili. Gusto niyang kastiguhin ang sarili. Ano bang pumasok sa isip niya at naisipan niya ang kalokohang iyon at hinamon pa niya ito? Pero malay ba naman niyang masasagot nito iyon. Hindi niya malaman kung ano ang sasabihin. One thing na sigurado siya ay she’s not going to let this man to get inside her panties! “In your room na lang. Share kasi kami sa room no’ng kasama ko, eh,” pagsisinungaling niya. Ang totoo ay may sarili siyang kuwarto na kinuha kanina. Syempre hindi papayag si Rosemarie na hindi nito kasama sa kuwarto ang nobyo, at alangan namang maki-share siya ng kuwarto sa dalawa. Ano siya, scorer? Ilang sandali siyang tinitigan ng lalaki, pagkuway ay tumayo na ito. “Let’s go.” Tumayo rin siya. “Wait, puwede bang hintayin mo ako dito. May kukunin lang muna ako sa kotse ko,” aniya na hindi na hinintay ang sagot nito. Mabilis niyang tinalikuran ang lalaki. Naglakad siya ng kaswal patungo sa malaking parking space ng resort. Batid niyang nakasunod ang tingin sa kanya ng lalaki kaya nagkunwari siyang doon talaga magtutungo. Nang sa palagay niya ay hindi na siya naaabot ng tingin nito ay pasimple siyang nag-iba ng daan. Malalaki ang hakbang na pumasok siya sa main entrance ng hotel. Mabilis siyang nakaakyat sa third floor kung saan naroon ang kanyang suite. Dudukutin na sana niya ang card key sa bulsa sa likod ng shorts niya nang may bigla na lang humawak sa kanyang braso at marahas siyang kinabig paharap. “Do you think you can get away that easily?” ani Tristan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD