SUMILAY ang magandang ngiti sa mukha ni Tristan habang kausap si Graciella sa kabilang linya. Masayang-masaya siyang marinig ang pagpayag nitong sumama sa kanya sa Ilocos. "Okay, I'll make sure na mag-i-enjoy ka sa biyahe natin. I'll see you then. Bye." "Who was that?" kunot-noong tanong ni Nick nang mapansin ang ngiting naplaster sa mukha niya. "Si Ciella, she said she's going to Ilocos with me." Nabanggit niya sa kaibigan ang biyahe niya patungo sa Ilocos sa Huwebes, alam rin nito na hanggang weekend siya mag-i-stay doon. Pero hindi niya nabanggit dito na inalok niya si Graciella na sumama sa kanya. May ilang segundo ding nakatuon ang tingin sa kanya ng kaibigan bago ito naiiling na nagbawi ng tingin. “Hindi mo talaga tinantanan ang babaeng iyon, ah. Kaya mo ba siya isasama sa lakad

