MAINGAT na naglagay si Graciella ng eye liner sa lower eyelids niya. Napakurap-kurap siya upang hindi matuloy ang pamumuo ng luha ng kanyang mga mata. Sinulyapan niya ang orasan na nasa dingding, mag-aalas siyete na ng gabi. Ang sabi ni Tristan ay susunduin siya nito sa restaurant ng eksaktong alas siyete. “Ma’am,” ani ng isang tauhan niya na pumasok sa nakabukas na pinto ng opisina niya. “Nariyan na ho si Sir Tristan.” “Okay, thank you,” nakangiting sabi niya at mabilis na tinalian ang kanyang buhok. Pagkatapos siguraduhing okay na ang kanyang ayos ay tumayo na siya at lumabas na ng opisina. May ilang ibinilin muna siya sa tauhan niyang nasa likod ng kaha bago siya lumabas ng restaurant. Natigilan siya nang makita si Tristan na pasandal na nakaupo sa isang BMW motorcycle. Nahigit

