"Ayoko," mahina kong bulong, nanginginig.
Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang kakarampot na lakas ng loob para tumanggi gayung alam kong nanganganib ang buhay namin.
"Ulitin mo nga?"
Umakyat sa aking leeg ang kamay ng lalaki at mahina akong sinakal. Napasinghap ako nang pwersahan niyang ipinilig ang ulo ko saka niya dinilaan ang bahagi ng nakalantad kong leeg.
Impit akong umiyak.
Dahil sa pagkakalulong sa sugal ng aking madrasta kaya kami nasadlak sa ganitong sitwasyon. Bakit kinailangan madamay ako sa ganito? Gusto ko lang namang mag-aral at makapagtapos.
"Ayaw mo?" tanong nito. "Mamili ka, sasama ka sa akin at maging pota ko, o... Mamamatay kayong tatlo ngayong gabing ito?"
Napapalunok akong napatingin kay itay. Nakatitig naman siya sa akin, nasa mga mata niya ang awa pero alam kong wala siyang magawa. Takot na takot din ang kaniyang mukha.
"Pumayag ka na, Solemn! Masasarapan ka rin naman!" sigaw ni tita. Napabaling ako rito. Nanlilisik ang mga mata nito sa pagkadesperada. Para itong demonyo na panay ang pangungumbinsi sa akin. "Alam kong virgin ka pa, sa una lang naman ang masakit. Pagkatapos nyan, masarap na at hahanap-hanapin mo na. Kaya pumayag ka na! Huwag mong hayaang mamatay tayong tatlo rito!"
Hindi na ako virgin, dahil iyon sa kagagawan mo!
Humigpit ang pagkakakuyom ng palad ko. Kahit naluluha ay nilabanan ko pa rin ang tingin ni tita. "Bakit hindi na lang ang buhay mo ang gamitin bilang pambayad? Ikaw rin naman ang dahilan kung bakit tayo nasangkot sa gulong ito!"
"Walanghiyang babae! Ang lakas ng loob mong sagutin ako nang ganyan! Kunin niyo na yan! Dalhin niyo ang babaeng iyan!"
Gusto kong tapatan ang sigaw ni tita. Punung-puno na rin talaga ako sa ugali niya. Paano niya nagagawang ipagkanulo ako sa isang sindikato gayung kasalanan naman niya kung bakit kami napapahamak!? Hindi pa siya nakontento sa ginawa niya sa akin kagabi, ibenenta niya ako kay Mr. Li.
"Macario, kung hindi mo kayang isauli ang perang nahiram mo, buhay ng anak mo ang magiging kabayaran."
Nag-angat ng tingin si itay at saktong nasa ilalim na ng aking damit ang kamay ng lalaki. Minamasahe nito ang dibdib ko habang hinahalikan na ang aking leeg. Napapikit ako. Tuluy-tuloy sa pagdaloy ang aking luha. Nasusuka ako, nandidiri. Hindi lang sa ginagawa nito kundi pati na sa mabaho nitong hininga. Amoy ng pinaghalong sigarilyo at bulok ns pagkatao.
"Ang bango-bango ng anak mo, Macario. Balita ko, may isa ka pang anak. Kasingganda rin ba nito?"
"H-huwag! Mr. Corpuz, huwag mong idamay dito ang mga anak ko."
"Masyado nang malaki ang utang ninyo sa akin. Sapat na ang dalawang babae. Pero sa ngayon, kalahati na lang muna ang babayaran mo," makahulugan na sabi ng lalaki habang dinidiinan ang paghawak sa akin.
Napahikbi ako.
"Huwag, Mr. Corpuz. Huwag... Pag-aari siya ni Ishmael de Rohan!"
Napatigil ang leader sa ginagawa at tiningnan si itay. "Magsisinungaling ka na naman?!" Halos magtalsikan na ang laway nito sa pagsinghal, kasabay ng pagsinyas nito sa mga tauhan.
Muli na namang ginulpi si itay. Pero kahit dumudugo na ang bibig niya sa mga suntok at tadyak na kaniyang natamo, hindi pa rin siya tumigil sa pagkumbinsi sa mga ito.
"Ma-makinig muna kayo! T-totoo ang sinasabi ko. Pag-aari na siya ni Ishmael de Rohan, ang leader ng Dark Sanctuary. Bibilhin niya ang anak ko sa halagang sampung milyon! K-kapag ginalaw niyo siya, mananagot kayo sa kaniya!"
Sa sinabi ni itay ay biglang bumitiw sa akin ang leader ng sindikato na parang napapaso. Hindi kaagad ito nakaimik. Kung sino man ang tinutukoy ni itay ay siguradong makapangyarihan ito at mas nakakatakot kaysa kay Mr. Corpuz. Pero alam kong nagsisinungaling lang si itay. Hindi niya ako magawang ibenta.
Pinakawalan kami ni mr. Corpuz at binigyan ng palugit si itay. Sinabi nitong hihintayin nito ang ibabayad ng leader ng nasabing grupo. At kapag lumampas sa petsa, babalikan kami nito at uubusin ang buong pamilya namin.
Akala ko palabas lang ni itay ang lahat, na gumagawa lang siya ng kwento. Pero ang totoo, binenta pala talaga niya ako sa nasabing leader ng Dark Sanctuary.
Nagulat na lang ako isang araw, may sumundo na sa akin. Nagmakaawa ako kay itay, paulit-ulit akong humihingi ng tulong pero hindi siya nakinig. Ni hindi niya ako tinapunan ng sulyap. Ang stepmother ko ang naghatid sa akin hanggang sa sasakyan ng sumundo sa akin. Binantaan pa ako nito na kapag may ginawa akong kalokohan, ipapapatay niya ako.
Iyak ako nang iyak. Natatakot akong baka hindi ko na makita pa ang inay at ang kapatid kong si Analyn sa probinsya.
Dinala ako sa isang tagong villa at doon ay nakaharap ko ang leader na bumili sa akin.
Nagulat pa ako dahil hindi ko inaasahang mas bata ito sa inaakala ko. Hindi siya katulad nina Mr. Li at Mr. Corpuz. Desente ang kaniyang ayos, seryoso, malamig ang awra, sa tindig pa lang at pananamit, halata nang makapangyarihan.
"P-parang awa niyo na, h-huwag niyo po akong saktan..." Umiiyak kong pagmamakaawa.
Tumingin lang sa akin ang magagandang uri ng kaniyang mga mata. Kaagad naman akong yumuko. Ayokong salubungin ang tingin niya dahil natatakot ako.
"Look at me... in the eyes," malalim ang boses na aniya.
Dahan-dahan akong nag-angat ng mukha at tumingin sa mga mata niya. Malamig pa rin ang mga iyon pero hindi na mukhang nakakatakot.
"Umupo ka. Mag-usap tayo," mahinahon niyang sinabi. Ang boses niyang malalim ay napaka kalmado, kasing kalmado ng mga galaw niya at ng gwapo niyang mukha.
Nauna siyang umupo sa isang single couch, sumunod naman ako sa itinuro niyang katapat na upuan.
"I have a deal," panimula niya na ikinakabog ng dibdib ko. Sobrang seryoso ng mga mata niya habang hindi pinuputol ang tingin sa akin. "Palalayain kita at bibigyan pa ng 20 milyong pisong halaga ng pera para makapagsimula ulit... Pero bago iyon, kailangan mo munang magpanggap bilang si Leona Himari Rojas, ang nawawalang apo ng kasalukuyang presidente."