Jingle bells, jingle bells, jingle all the way… “Patayin mo nga iyan! Ang ingay-ingay!” singhal sa kanya ni Malou. Tiningnan ni Grace ang ina. Hindi niya pinatay ang tugtog pero hininaan niya. Ramdam na ang simoy ng Pasko pero parang Biernes Santo sa bahay nila. Dalawang linggo na siya doon. Dawalang linggo na rin na halos hindi sila nagkikibuan. Kausapin man siya nito ay palaging ganoon na pagalit. Naupo siya malapit dito. “Mommy, we need to talk.” “Para ano? Hindi ka naman sumusunod sa akin.” “We both know it’s not entirely true, Mommy. Alam mong mabait ako--- kami ni Christine. We are good and responsible daughters. We are good students. Si Christine, ga-graduate pa na c*m laude. Hindi man ako c*m laude, I graduated on time. Hindi ako nagbulakbol sa pag-aaral ko. And that’s because

