Christmas time
Nakamasid si Luis sa mga kasama doon na nagse-celebrate sa ospital. Kahit na nasa ganoon silang lugar ay bakas naman sa mukha nila ang kasiyahan para sa okasyon.
Mas lalo siyang masaya na makita si Lara na tila sumigla. Isang magandang balita din kasi na malaman ng lahat ang pagbubuntis ni Rachelle. Excited na raw itong maging tita. At prisintado na agad silang dalawa na maging ninong at ninang.
They exchanged gifts. Bagaman ang baby na nasa tiyan pa lamang ni Rachelle ang pinakamaraming natanggap na regalo, siyempre pa ay naglalaan siya ng espesyal na regalo para kay Lara.
“Sana ay umabot pa ako na ipanganak ang baby,” wika nito. “Sana makarga ko din siya.”
Muntik nang mabura ang ngiti sa mga labi niya. Lara was suffering from breast cancer. Ilang linggo na itong naglalagi sa ospital. “Lahat tayo halos mag-rally ng prayers para magkaroon ng himala at gumaling ka,” sabi niya na hindi halos humihiwalay sa tabi nito.
“Balae, pagkatapos ng Bagong Taon, hindi ninyo naman siguro mamasamain kung planuhin natin ang malaking kasalan,” sabi ni Chedy, ang biyenan ni Rachelle.
Nagtawanan ang lahat. Hindi na bago sa kanilang pandinig ang pangungusap na iyon. Buhat nang malamang nilang lihim palang nagpakasal sina Jake at Rachelle, hindi pa rin tumitigil ang mga ito na igiit ang magarbong kasalan.
“Ikaw na ang bahala sa bagay na iyan, Chedy,” ayon naman ni Loi.
“Dalian mo lang, Mommy. Mukhang malaking magbuntis itong si Rachelle.” Hinagod ni Jake ang tiyan ng asawa.
“Hindi naman nakakahiyang ikasal ng buntis. Tutal naman, naikasal na kayo dati pa,” balewalang sabi ni Chedy.
“Masyado kayong malihim, mga bata,” naiiling na lang na sabi ni Albert, ang papa ni Lara at Rachelle. Hanggang ngayon medyo masama pa rin ang loob nito sa secret marriage na iyon.
“Handa na ang Noche Buena,” sabi ng inay niya na si Celing. Kanina pa ito walang kibo dahil mas buhos ang atensyon nito sa pag-aayos ng mesa.
“Ano ang gusto mong kainin?” baling niya kay Lara nang magsilapit na ang mga iyon sa mesa. Hindi tuminag si Lara sa kama nito. Alam niyang nanghihina na naman ito.
“Kagaya pa rin ng dati. Huling Pasko ko na ito. Babaguhin ko pa ba ang palagi kong pagkain pag Noche Buena?”
“Please don’t say that, Lara. Gusto naming gumaling ka. Kaya huwag mong isiping last Christmas mo na ito.” Inilabas niya ang regalo at inabot dito. “Sana magustuhan mo.”
Lara opened his gift. Nabura ang ngiti nito nang matanggal ang wrapper niyon. Nang sumulyap sa kanya ay kumikislap sa luha ang mga mata. “Nag-effort ka dito,” wika nito. Binuklat nito ang scrap book. Koleksyon iyon ng mga larawan nila ng mga nagdaang Pasko.
“I want you to be happy, Lara. Hindi ko gustong umiyak ka,” defensive na sabi niya.
“This is very touching, Luis.” Hinaplos nito ang isang particular na picture. Nasa elementary pa sila noon. Si Lara ay nakasuot ng pulang damit at ganoon din ang kulay ng polo niya. May hawak silang tinuhog na hotdog sa stick at parehong nakatawa sa shot na iyon. “Memories. These are our memories.”
“Tahan na. Wait, I’ll get your food.”
“Konti lang, ha? Baka hindi ko maubos.”
Wala siyang matandaan na nagdaang Pasko sa buhay niya na hindi ito kasama. Mga bata pa sila ay magkakasama na sila sa mga ganitong okasyon kaya nga marami din siyang naipon na picture para sa scrap book na iyon. Kabisadong-kabisado na niya ang ilalagay sa plato ni Lara.
Isang hiwang hamon, dalawang piraso ng morcon, isang hotdog, at isa ring hiwa ng keso ang inilagay niya sa isang gilid ng plato. Dinagdagan niya iyon ng konting spaghetti at toasted bread na pinahiran ng butter. Nang bumalik siya kay Lara, hawak na rin niya ang isang baso ng malamig na orange juice.
“Ang dami yata?” sabi nito.
“Hindi. Tama lang ito. Alam kong mauubos mo ito.” Itinapat niya dito ang table na akma sa hospital bed at ibinaba doon ang pagkain.
“How about you?”
“Makita lang kitang kumain, kumpleto na ang Pasko ko.”
“Kumuha ka ng pagkain doon. Salo tayo dito.”
Iyong alok na iyon at ang matamis na ngiti sa mga labi nito ay sobra pa sa sapat para makumpleto ang Pasko niya. Bumalik siya sa buffet table na iginayak sa suite na iyo. Pareho na rin ng pagkain ni Lara ang kinuha niya.
“Sinagot ka na niya?” tanong sa kanya ni Rachelle nang pasimple itong lumapit.
Moreno siya pero pakiramdam niya ay kitang-kita ng lahat ang pamumula ng mukha niya. “Hindi pa rin.”
“Feeling ko, sasagutin ka na niya.” Siniko siya nito. “Congrats na agad!”
“Baka mausog,” natatawa namang sabi niya pero bakas sa mukha niya ang pag-asam.
“Hindi iyan. In the bag na iyan. Ikaw pa ba manghihina ang loob, eh, pinakamatindi ang fighting spirit mo,” encouraged pa nito sa kanya.
“Sige na nga.”
Hindi pa rin ginagalaw ni Lara ang pagkain nito. “Hinihintay kita,” sabi nito sa kanya. Naupo siya sa gilid ng kama nito. Napatingin siya kay Lara nang abutin nito ang kamay niya. “Luis. Gusto kong magpasalamat sa lahat ng kabutihang ginagawa mo. Lalong-lalo na sa pagmamahal mo sa akin.”
He suddenly felt a lump in his throat. Isang nag-aalalangang ngiti ang ibinigay niya dito. Bigla ay para siyang nailang. Nahihiya siya na hindi niya mawari ang pakiramdam niya.
“I’m sorry that I was so blind in loving someone else. Hindi ko agad nakita ang pagmamahal mko sa akin.” Kumislap ang luha sa mga mata nito.
“It’s Christmas, Lara. Huwag na nating pag-usapan ang tungkol diyan.”
Luminga ito. Nakita niya na ang mag-asawang Rachelle at Jake ang pinagmasdan nito. Parang napigil ang paghinga. Hanggang ngayon ba, si Jake pa rin ang nasa puso nito? Hindi niya maitatanggi ang kirot na naramdaman sa puso niya.
Isang paghinga ang ginawa nito at nakangiting bumaling sa kanya. “Sayang ang mga panahong nagdaan. I’m sorry, Luis.”
“Kanina ka pa nagso-sorry sa akin. Kumain na lang tayo.”
“Sana noon pa, sa iyo ko na iniukol ang pagmamahal ko. Ang saya-saya siguro natin kung malakas pa ako.”
Natigilan siya. “Lara.”
“I love you, too, Luis. I’m sorry that I realized it too late.”
His eyes watered. His heart swell. Hindi siya makaapuhan ng sasabihin. Punong-puno ng kaligayahan ang puso niya.
She touched his face lovingly. “Sabi ko, I love you,” nanunudyong sabi nito. “Dati palagi mong sinasabi sa akin iyan. Hindi na ba ngayon?”
Napaubo siya. “Mahal kita, Lara. Alam mo naman iyan. Hindi lang ako makapaniwala na mangyayari ito. Finally!” His tears fell.
“Pero wala na tayong masyadong oras.”
“Huwag mong isipin iyon. Susulitin natin ang bawat oras. Umaasa pa rin ako na gagaling ka.”
“I’m sorry for the lost time.”
“No. Ang mahalaga ay ang ngayon.” Ginagap niya ang kamay nito. “Thank you for loving me, Lara. Napakagandang regalo nito sa akin.”
“Merry Christmas, Luis.”
Pinangahasan niyang dampian ito ng halik sa mga labi. “This is my merriest Christmas, Lara. I love you.”