_['MYRA's POV']_ Narito ako ngayon sa bahay, at hindi na muna ako pumasok sa opisina, dahil pakiramdam ko drain na drain ako mula pa kahapon dahil sa mga nangyari at ang tagpong nakita ko na ginawa ni cheska kay victor na dapat ako ang gumagawa at ang nasa posisyon nito!, muli kong naramdaman ang matinding sakit at muling sinamapal ng nakaraan na ito ang babaeng pinili ni victor kesa sa akin, pero ngayon ay alam ko na ang lahat, dahil sinabi na sa akin ni kuya daved kahapon ang mga nangyari sa nakaraan, at relasyon ni victor kay cheska na matagal naring pinutol, at lalong higit na hanggang ngayon ay hawak ko parin ang karapatang minsan ko ring pinaglaban.. Oo, aamin ko na nakaramdam ako ng katuwaan sa mga nalamang iyon, pero hindi ko parin maialis sa aking puso at isip ang sakit na nara

