EPISODE 12

3597 Words

VICTOR's POINT OF VIEW APAT NA ARAW na ang lumipas mula nang maidaos ang anibersaryo ng aking mga magulang, at iyon din ang huling araw na nakausap ko ang aking pamilya. Ilang beses na ring natawag si Mom at sinasabing gusto akong makausap ng mga ito, ngunit hindi ako umuuwi sa mansyon, kahit sa aking ay hindi pa rin ako umuuwi. Hindi rin ako tumatawag kay Sarah upang kumustahin si Myra, ang huli ko na lamang nalaman ay inihatid ito kinabukasan nina kuya at Marie pabalik sa aking condo. Sa loob ng apat na araw na iyon, ay nandito lamang ako sa condo ni Cheska, na halos dito na rin ako tumira. Pagka-galing ko sa opisina'y dito na ako umuuwi, hindi naman mahirap para sa akin ang manatili rito dahil may mga sarili na rin ako ritong gamit. Ang plano ko noong ihatid lamang dapat si Cheska

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD