"Ma, aalis na po ako!" Sinukbit ko ang back pack sa likod ko bago humarap kay Mama na nasa kusina. "Oh, sige, mag-iingat ka!" paalala pa niya. "Opo, Ma! Alis na po ako," muli kong sabi at naglakad na palabas ng pinto ng bahay. Muli kong tiningnan ang maliit na back pack na dala ko para siguraduhing nadala ko ang mga dapat kong dalhin. Ngayon na kasi ang alis namin nila Nathan para sa location scouting namin ngayon. Wow, feeling ko talaga masiyado lang pinahihirapan ni Nathan ang sarili niya. For sure, may kinalaman na naman 'to sa pagiging perfectionist. Muli kong tiningnan ang text sa akin ni Nathan kaninang alas-tres nang madaling araw. From: Nathan Meeting place tom, sa UP Sunken Garden, parking lot From: Nathan Van gagamitin, dala nila Adrian From: Nathan Don't be late

