"A-Ascella..." Unang bigkas niya pa lang sa pangalan ko ay sunod-sunod na ang naging pagpatak ng mga luha ko. Kulang na lang ay takpan ko ng mga palad ang mukha dahil sa paghagulgol. His voice made me remember all the things I've been through the years of my life. Ang pag-iwan at panloloko sa amin ni Papa, ang galit sa 'kin ng sarili kong kapatid, ang pag-iwan niya sa akin, at ngayon, ang pagkakakilala ko kay Cossie na kapatid ko pala, ang muling pagkikita namin ni Papa, at ang pagkawala ni Mama. Tapos ngayon ay nakita ko naman siya. Hindi ko alam kung ano ba ang gusto sa akin ng tadhana. Hindi ko alam kung bakit kailangang paulit-ulit kong maranasan ang lahat ng sakit. Sa mga nagdaang araw, wala akong ibang maramdaman kundi pagod. Gusto kong sabihin sa lahat na pagod na pagod na

