Chapter 17

2041 Words

"Ma, nandito na ako!" sabi ko pagkapasok sa pinto ng bahay. Hinubad ko muna ang suot na sapatos at iniwan 'yon malapit sa pinto bago tuluyang pumasok sa loob. Pinakaayaw kasi ni Mama na ipinapasok sa loob ng bahay ang suot na sapatos dahil nadudumihan daw ang sahig at paulit-ulit siyang magwawalis. "Oh, Ascella," bungad niya galing sa taas at may dalang mga damit. Mukhang magtutupi siya ng mga natuyong sinampay. "Kumain ka na ba? Kumusta ang pinuntahan mong event?" sunod-sunod niyang tanong. Ngumiti ako sa kaniya bago hinawakan ang suot kong bucket hat na bigay ng isang reader para ipakita sa kaniya. "Ang ganda, 'di ba, Ma? Bigay ng isang reader." Natatawa na lang siyang tumango bago naupo sa silya at nagsimulang magtupi. "Kumusta nga pala sa trabaho mo? Hindi ka ba napapagod doon? Lalo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD